chapter 25

52 0 0
                                    

Janine's pov

Nagising ako ng maramdaman na may yumakap sakin ng mahigpit. Pagmulat ko ay nakita ko si Tyron na natutulog. Mukang gising na naman sya eh ayaw lang imulat ang mata. Tinignan ko ang muka nya at kinabisado ito. Ang malalim nyang mata, matangos na ilong, mapupulang labi at perfect jaw line .

"Staring is rude, pero kung ikaw ang titig sakin ay okay lang" nagulat ako ng magsalita sya, nahiya ako bigla, nakita nya pala. Lalo syang napangiti ng makita ang reaksyon ko.

"Cute! " sabi nya at pinisil ang ilong ko tapos ay Hinawakan nya ang noo ko.

"May sinat ka pa. Stay here magluluto ako" sabi nya at bumangon na. Dumiretso sya sa cr. Nakatulala ako sa kisame . This is too good to be true. Naisip ko nalang. Paano nalang ako kung wala si Tyron?

Napatigil ako ng lumabas ng cr si Tyron ngumiti sya sakin at lumabas na. Ano kaya ang nagustuhan sakin ng lalaking iyon? Tanungin ko kaya sya?

Dahil hindi na naman masyadong masama ang pakiramdam ko ay tumayo na din ako. Naabutan ko si Tyron na nagluluto pa din. Naramdaman nya ata na may tao kaya napalingon sya sakin.

"Oh bakit bumangon kana?" Nagtatakang tanong nya.

"Kaya ko na naman eh" sabi ko at umupo sa high stool chair.
Bigla akong may naalala .

"Where's Dianne?" Lumingon sya sakin at naglagay ng plato.

"Umalis na, bumalik ng amerika last week pa" sabi nya kaya napatango nalang ako. Hindi nya nabanggit sakin yun eh lagi naman kaming nagkikita. Siguro ang isip nya ay wala lang iyon sakin kaya hindi na nya binanggit.

Pinaglagay nya ako ng pagkain sa plato , tapos ay umupo na sya sa tapat ko. Tinaasan ko sya ng kilay ng makitang hindi nya ginagalaw ang pagkain nya at nakatingin lang sakin.

"Bakit?" Seryoso syang nakatingin sakin . Kaya napakunot ang noo ko. Ano kaya ang iniisip nya? Mas gusto ko pa ang mga pilyong ngiti nya kesa ganyan na seryoso sya.

"Nothing" sabi nya at ngumiti. Hindi nalang ako nagtanong pa ulit at kumain na. Alam kung meron syang iniisip pero kung ayaw nyang sabihin ay wala na akong magagawa.

Matapos kumain ay uminom ako ng gamot at pinabalik ako sa sa kwarto ni Tyron, sabi ko nga na ok na ako pero ayaw nyang maniwala.

"Magpalit ka ng damit, use may shirt ok?" Sabi nya at umalis na. Ang kulit nya naman , pwede na naman akong umuwi dahil sinat nalang naman at ubo't sipon ang meron ako. Buti nalang at sabado ngayon.

Nagpunta ako sa cabinet at kumuha ng black vneck shirt, napansin ko na madaming white tshirt na naroon, puro vneck shirt. Napangiti ako ng maalala ko na favorite kong suot nya ang ganoon. Pumunta ako sa cr at naglinis ng katawan. Sinuot ko ang tshirt at mahaba naman ito sakin ang laking tao naman kasi ni Tyron eh. Buti nalang at may cycling ako.

Lumabas na ako at nakita ko si Tyron na nakaupo sa kama, napatingin sya sakin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya, at nagsuklay ako ng buhok. Napalunok sya ng tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tapos ay ngumiti sya.

"Bakit? " nagtatakang tanong ko. Tumayo sya at lumapit sakin.

"You're hot" sabi nya, kaya napakunot ang noo ko. Hinawakan ko ang leeg ko.

"Hindi naman eh" natawa sya tapos ay hinawakan ako sa bewang.

"Ang ganda mo lalo tignan suot ang damit ko" nakangising sabi nya, feeling ko ay namumula ang muka ko dahil sa sinabi nya.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad sa kama. Habang sinusuklay ang buhok ko.

"Bolero ka talaga" sabi ko at humiga na sa kama. Natawa sya at umupo sa kama, binuksan nya ang tv.

Nanuod lang kami ni Tyron , minsan ay nagkokomento sya sa palabas kaya hindi naging tahimik ang panunuod namin. Hindi ko namalayan na nakatulog na ulit ako.

Nagising ko na wala na si Tyron na loob ng kwarto. Asan kaya iyon? Hinipo ko ang noo ko at napagtanto kong wala na akong lagnat. Siguro ay pwede na akong umuwi, papayagan na siguro ako ni Tyron, may trabaho pa ako mamaya.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Tyron. Nakita ko sya sa garden na umiinom ng beer. Napangiwi ako ,bakit kaya ito umiinom ng beer?

"Tyron" tawag ko , lumingon sya sakin tinignan nya ulit ako mula ulo hanggang paa tapos ay ngumiti sakin.

"Okay kana ba?" Tanong nya ng makalapit sakin, tumango naman ako sa kanya.

"May problema ka ba?" Tanong ko, kumunot ang noo nya sakin.

"Wala naman, bakit mo natanong?" Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya. Alam kong may problema sya ramdam ko iyon pero ayaw nya talagang sabihin kaya hindi ko na pinilit.

"Uuwi na ako" sabi ko kaya sumimangot sya.

"Maaga pa naman ah, mamaya kana umuwi" sabi nya. Umiling naman ako.

"Kaylangan ko ng umuwi, may trabaho pa ako mamaya"

"What?! You're not going to work" galit na sabi nya.

"Pero ok na ako, tsaka madaming.." hindi na nya ako pinatapos. Nagsalita na sya agad.

"No! Hindi ka sabi papasok, that's final" seryosong sabi nya kaya wala na akong nagawa. Tumango nalang ako.

Lumapit sya sakin at hinawi ang ilang hibla ang buhok ko na tumabing sa muka ko.

"Wag kang makulit kung ayaw mong hindi na makauwi" nagulat ako sa sinabi nya kaya nahampas ko sya ng mahina, natawa naman sya.

"Baliw!" Pabirong sabi ko. May nag doorbell kaya humiwalay sya sakin . Sinabi nyang dito lang ako kaya umupo nalang ako sa upuan at hininatay syang bumalik.

"Here" sabay lapag nya ng pizza.

"Hindi na tayo nakapaglunch, kaya damihan mo kain ha" sabi nya habang binibigyan ako ng pizza. Don't tell me hindi rin sya naglunch? 2 pm na kasi eh.

"Bakit hindi ka kumain? Natulog ka din ba?" Sabi ko sa kanya, umiling naman sya.

"Busog na naman ako kanina eh" nakangising sabi nya, napakunot tuloy ang noo ko. Pero hindi na ako nag tanong at kumain nalang.

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at nakita na tumatawag si Anna. Tinignan ko si Tyron bago sinagot ang tawag ni Anna.Napapikit ako ng nagsalita si Anna.

"Nasan ka ha?!" Bungad sakin ni Anna. Lagot! Nakalimutan ko syang tawagan .

"Sorry, hindi ako nakapagsabi sayo na hindi ako uuwi kagabi, at hindi ko nasagot ang mga text mo, wala kasi akong load" sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko.

"Saan ka ba natulog? Anong nangyare? Ang sabi ni Miya, nahimatay ka daw kagabi" nakita ni Miya? Siguro ay sya na ang tinext ni Anna para malaman kung nasaan ako.

"Kina Tyron ako natulog, nagkasakit ako kaya hindi nya ako pinauwi hanggat di ako nagiging ok" nagbuntong hininga si Anna matapos kong sabihin iyon.

"Boyfriend mo naba si Tyron?" Tanong nya, napalingon naman ako kay Tyron na nakatingin sakin.

"Hindi" sagot ko.

"Weh?" Natawa ako sa tanong nya. Kanina lang galit na galit ngayon naman ay makulit na.

"hindi ako papasok ngayon, pasensya na ulit ha" sabi ko sa kanya. Nag usap pa kaming dalawa Habang si Tyron ay nilalaro ang kabila kong kamay.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon