chapter 13

47 2 0
                                    

Janine's pov

"Wala kang trabaho?" Tanong ni Anna sakin ng madatnan nya ako sa bahay matapos ang klase ko.

"Wala, restday ko ngayon" tumango naman sya, pumunta syang kusina at nagkanaw ng kape. Sumunod ako sa kanya may itatanong kasi ako.

"May alam kabang pwedeng iregalo sa isang lalaki?" Natigilan sya paghalo sa kape at bumaling sakin na nakataas ang kilay.

"Sino naman ang reregaluhan mo? May boyfriend kana? Sino? Si Migs o Tyron?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Ano ka ba, birthday kasi ni Migs mamaya, kaylangan ko ng regalo " tumango tango naman sya at nagpatuloy na paghalong kape, binigay nya sakin ang isa bago sumagot.

"Siguradong meron na lahat ng bagay na pwedeng iregalo si Migs, mayaman kasi, kahit nga kay Axle ganyan ang problema ko eh" napangiti naman ako ng binanggit nya si Axle, ayaw pa kasing sagutin eh.

"Tingin ko nga, ipagbake ko nalang kaya sya?" Napatingin sakin si Anna.

"Tama! Magaling ka nga palang magbake, naalala ko yung cupcake na gawa mo...hmmm ang sarap noon" nangiti ako, ayos may ipang reregalo na ako.

"Teka! May isusuot kana ba?" Tanong nya, Natigilan naman ako, oo nga pala. Siguradong mayayaman ang mga nandoon.

"Wala panga eh, ano ba dapat?" Ngumiti si Anna sa akin at tumaas taas ang kilay.

"Akong bahala sayo"

Matapos naming magmiryenda ay naggrocery na ako habang si Anna ay naglalaba. Buti nalang at malaki ang naisahod ko . Tenext ko din si Miya na may ireregalo at isusuot na ako. Sinagot ko ang tawag nya ng makarating ako sa bahay.

"Buti naman kung ganun, ibig sabihin ay tuloy na tuloy na tayo! " masayang sabi nya.

"Tuwang tuwa ka ah" natatawang sabi ko. Narinig ko na nanggiggled sya.

"Oo naman! Ang dami kayang gwapo doon" napailing nalang ako sa kanya. Natapos na ang pag uusap namin kaya naghanda na ako para maggawa ng cupcake.

Busy ako paggagawa ng sumulpot si Anna. Lumapit sya sa akin at pinanuod ang ginagawa ko. Sinobrahan ko na din para naman may makain si Anna.

"Wow! Ang bango!" Sabi nya ng maluto na ang cupcakes. Inilagay ko sa box ang anim na piraso at yung apat ay inilagay ko sa pinggan.

"Sa inyo yan ni Axle" pumalakpak sya at tsaka niyakap ako.

"Thanks! Ako na dyan maligo kana para makapagbihis kana" tumango ako tsaka ngumiti.

Inabot sakin ni Anna ang isang black dress , hanggang itaas ng tuhod ko ito, fit sa taas at mejo mabalon naman sa laylayan. Ang heels naman nya ay itim din.

"Ang taas naman" puna ko doon.

"Wala ng iba eh, Keri mo na iyan. Come on, isuot mo na" pumasok na ako sa kwarto para isuot iyon.

Itinaas ko ang buhok ko at pinulbosan ang muka ko, naglistick ako ng pink then lumabas na ako.

"Whoah! Ang sexy mo best! " puri nya sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Wow! Chix!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Axle na may hawak na softdrinks, agad syang siniko si Anna. Pfft! Selos agad.

Nginitian ko nalang sila at kinuha ko na ang box na regalo ko kay Migs. Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Anna.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon