chapter 19

37 0 0
                                    

Janine's POV

Matapos magmall ay hinatid na ako nina Anna as Restobar para makapasok na ako sa trabaho. Nagpasalamat ako sa knila at lumabas na ng kotse.

Pumasok na ako ng resto, saktong pagdating ko ng kusina ay may humatak sa braso ko. Paglingon ko ay si Tyron iyon .

"Bakit po Sir?" Hinihingal pa sya habang nakatingin sakin. hindi ko alam kung anong reaksyon ko, kung nagulat ba o ano. Ang bilis naman nya kasi, nakadating agad sya dito.

"N-Nothing" alanganin nyang sabi ,gusto ko pa sanang magtanong kaya lang ay umurong ang dila ko. nagkatinginan kami tapos ay ako na ang unang umiwas ng tingin. Tumango ako at umalis na sa harap nya.

Huminga ako ng malalim ng makapasok ako sa locker. Grabe ang kabog ng puso ko. Buti nalang at nakayanan ko.

Matapos magbihis ay lumabas na ako para tumulong paglilinis. Hindi ko na nakita si Tyron siguro ay umalis na ulit o baka naman nasa opisina nya. Bakit kaya mukang nagmamadali sya kanina? Hinabol ba nya ako? Imposible naman yun. Wala nga syang sinabi nung kaharap ko na sya eh, at anong iniisip ko na mag eexplain sya sakin kung sino ang kasama nya sa mall kanina?

Sira ka ba Janine? Sino ka sa tingin mo para gawin nya yun? Girlfriend nya? Aish!

"Ano na nastroke kana dyan?" Nagulat ako ng magsalita si Miya sa gilid ko. Hindi ko na pala natapos ang pagpupunas ng lamesa.

Pumunta ako sa kusina nang makita ko si Manager at Tyron na nag uusap. Nagbukas na ang bar kaya mag aayos na ulit kami.

"Let Janine, clean my office" sabi ni Tyron ng makadaan ako sa gilid nila ni Manager. Napatingin ako sa kanya , ngumisi lang sya sakin.

"Ok Sir" sagot ni Manager tapos ay umalis na si Tyron. Humarap sakin si Manager na nakataas ang kilay.

"Narinig mo yun? Ikaw ang maglinis, ayusin mo ha wala dapat mabasag " mataray na sabi nya, tumango lang ako.

Hay! Ano na naman bang problema ng lalakin iyon? At bakit aako pa maglilinis ng office nya?

Kumuha ako ng tambo at mop tsaka ako pumunta sa office ni Tyron, nadatnan ko sya nakaharap sa laptop nya. Napatingin sya sakin pero agad din binalik ang tingin sa laptop. Nagsimula ako magwalis.

Siguro ay kachat nya yung kasama nyang babae kanina. Bakit pa kasi sya nandito? Pwede namn nyang puntahan yun kung gusto nya. Teka nga bakit ko ba iniisip yun?

"I know nakita mo ako kanina sa Mall" tumingin ako sa kanya ng magsalita sya. Nakatingin lang sya sa laptop pero alam kong ako ang kausap nya.

"Opo Sir, kasama nyo pa nga girlfriend nyo" sabi ko at nagwalis na ulit. Bakit ba sinabi ko pa yun? Pwede naman umoo nalang ako.

"Look, she's not my girlfriend" this time ay nakatingin na sya sakin. So fling na naman nya iyon? San kaya sila nagpunta matapos ang mall? Ayoko ng isipin.

"Ok po" sabi ko nalang dahil baka kung ano pang maitanong o masabi ko.

"You don't seem convince" seryosong sabi nya, napakunot ang noo ko sa sinabi nya kaya tumigil ako pagwawalis at hinarap sya.

"Bakit ba kaylangang maconvince ako na hindi mo nga girlfriend yun? does it matter to you? " hala. Masyado atang makapal ang muka ko sa tanong kong iyon. Pero kasi nahihiwagaan na talaga ako.

"Yes it does" napasinghap ako sa sinabi nya, ang lakas ng pintig ng puso ko. Nagkatitigan kami ng hindi ko alam kung ilang minuto. Natigil lang yun ng magring ang phone nya.

Bumaling sya doon at sinagot ang tawag. Ako ay nag iwas ng tingin at nagwalis na ulit.

"Ok, just a minute" narinig kong sabi nya at tsaka pinutol ang tawag. Tumayo sya at naglakad papuntang pintuan.

"Babalik din ako " sabi nya at umalis na. Bakit kaylangan pa nyang sabihin iyon? Ang gulo nya talaga.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa paglilinis. Nagpunas ako ng mga table tapos ay Nagmamop na ako ng sahig. Konti nalang at matatapos na ako. Bakit ba kasi ako ang gumagawa nito? Janitress na ba ako ngayon?

"Aw! Shit!" Nagulat ako ng may matamaan ang dulo ng mop at dumaiing. Nakita ko si Tyron na nakahawak sa kaliwang mata nya.

"Hala! Tyron ok kalang?" Nag aalalang tanong ko. Inalalayan ko syang umupo at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa mata nya.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Natamaan tuloy kita" hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya. Hindi ko man lang naramdaman, o masyadong okupado ang isip ko.

"Gugulatin sana kita, kaso Fuck!" Sabi nya habang dumadaing sa mata nya.

"Patingin nga ako" nag aalalang sabi ko at tinanggal ang kamay nyang nasa muka nya. Nakapikit ang isang mata nya.

"Sa mata ka mismo tinamaan?" Sinilip silip ko ang mata nya, mejo namumula ito. Hala . Bakit naman kasi natamaan eh.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya para makita ko mismo ang mata nya. Naramdaman kong nagstiff sya sa ginagawa ko, pero hindi ko iyon pinansin. Mamaya ay masama pala ang pagkakatama ko dito sa mata nya eh.

Naimulat na nya ang mata nya matapos na naiipikit ng ilang segundo. Namumula iyon kaya hinipan ko ang mata nya. Nakatingin ako sa kanya ng mapansin ang lapit pala namin masyado sa isa't isa. para akong natauhan at nahiya dahil sa ginawa ko. Inalis ko ang kamay ko sa muka nya pero bago ko pa ito malayo ng tuluyan ay kinuha nya ang mga kamay ko.

Napatingin ako doon sa kamay namin tapos ay sa mga mata nya. Seryoso ang muka nya habang nakatingin sakin. Napalunok at dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"T-Tyron" mahinang sabi ko, hindi ko alam kung narinig nya yun. Ako naman ang nanigas ng hawakan nya ang pisngi ko.

Grabe ang kabog ng puso ko at parang konti nalang ay mahihimatay na ako. Tinignan nya ang labi ko kaya napatingin din ako sa labi nya. Napalunok ako ng makita unti unti syang lumapit sakin. Halos maduling ako ng tuluyan na syang nakalapit sakin at hinalikan ako.

Nanlaki ang mata ko ng magsink in sakin na hinahalikan nya ako. Anong gagawin ko? Dapat ko syang itulak, pero ayaw gumalaw ng mga kamay ko para itong may sariling utak.

"Janine" napakurap ako ng banggitin nya ang pangalan ko matapos nya akong halikan. Ano bang ginagawa nya? Bakit nya ako hinalikan?

"B-Bakit mo ko..." hindi ko naituloy ang tanong ko dahil nahihiya ako.ngumiti si Tyron na lalong nagpahina sakin.

"Kasi gusto ko, kasi gusto kita" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. imposible, hindi totoo ang narinig ko.

Kahit na nanghihina ako ay pilit ako tumayo.

"Excuse me Sir " sabi ko at dalidaling kinuha ang mga panglinis at lumabas na doon. Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na iyon pinansin. Dahil konti nalang ay pakiramdam ko magcocollapse na ako.

"Oh? Bakit ang pula pula mo?" Nakasalubong ko si Ailah sa kusina. Tumungo ako at naglakad na ulit.

"Nainitan ako paglilinis eh" sabi ko nalang at itinabi na aang mga gamit panlinis.

Tapos ay bumiretso na sa labas, mabilis ang lakad ko ng dumaan ako sa opisina ni Tyron, pakiramdam ko ay pagtapat ko doon at hahatakin nya ako papasok. Kaylan pa naging ganito ang isip ko? Aish!

Buong oras ay linibang ko ang sarili ko sa pagpapagod, hindi ako tumitigil o nagpapahinga. Naiinisp ko lang kasi yung nangyare kanina. Kaso nang aasar ata sya talaga, nakita ko sya sa counter at seryosong nakitingin sakin minsan ay humahawak pa sya sa labi nya. Nag iiwas ako ng tingin at hindi nalang sya pinapansin.

Imposible talaga ang sinabi nya, siguro ay gusto nya ng laro at ako ang napili nya. Ako naman ngayon ang fling nya matapos sa kanina na kasama nya sa mall.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon