Janine's pov
Lakad takbo ang ginawa ko makalayo lang sa bahay na yun. Naririnig ko ang pagtawag ni Tyron ng pangalan ko, pero hindi ko iyon pinakinggan tuloy tuloy lang ako.
"Janine! Please wait!" Sigaw pa din nya,nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang sunodsunod na tumutulo. nakalabas naman ako ng gate at saktong may parating na taxi kaya agad ko itong pinara.
Nang makapasok ako ay agad kong pinaalis ang taxi nakita ko kasing palapit na si Tyron. Iyak ako ng iyak habang nakikita kong hinahabol ni Tyron ang taxing sinasakyan ko.
Wag muna, ayoko! Hindi pa ako handang marinig na niloko nya nga lang ako, ginamit at pinaibig para saktan. Tila hindi ko kakayanin ang sakit.
"Saan po tayo miss?" Alangang tanong ng driver. Agad kong pinahid ang luha ko ang nag isip.
Saan nga ba ako pupunta? Hindi ako pwedeng dumiretso sa bahay, siguradong pupuntahan ako ni Tyron. Kina Miya? Pero wala sya ngayon sa bahay dahil may pasok. Huminga ako ng malalim, isa nalang ang naiisip kong hindi ako mapupuntahan ni Tyron.
Sinabi ko sa manong ang lokasyon ilang minuto lang ay nakarating na ako. Agad kong inayos ang sarili ko at nagdoOrbell.
"oh iha" bungad sakin ng isang kasambahay.
"Si A-angel po?"
"Ah nasa sala, halika pasok" sabi nya at pumasok naman ako. Pangalawang beses ko palang makapunta dito . Nahihiya ako kay Angel pero wala akong choice.
"Oh Janine, bakit ka napapunta?" Nagtatakang tanong nya pero agad napalitan ng pag aalala ang muka nya.
"May problema ba?" Tanong nya at niyaya ako pataas ng kwarto nya. Hindi muna ako nagsalita hanggang makarating ng kwarto.
Umupo kaming dalawa sa kama , nakaharap sya sakin at tinitignan ang muka ko.
"Pasensya na sa abala Angel, pero wala akong ibang mapuntahan" nakatungong sabi ko, pinipigilan kong maiyak.
"Ano ka ba, ok lang sakin yun" sabi nya habang ninahawakan ang kamay ko. Ramdam nya na may problema nga ako.
"Pwede bang makitulog ako dito? Ngayon gabi lang naman ,please?" Ngumiti sya sakin at tumango.
"Walang kaso sakin yun" ngumiti ako kahit na halatang may lungkot doon.
Hindi ko kayang sabihin sa ngayon kay Angel ang dahilan kung bakit ako sumugod sa kanya. Buti nalang at hindi sya nagtanong kahit na alam kong gustong gusto na nya malaman base sa mga tingin nya sakin, umiiwas nalang ako sa mga tingin nya.
"Goodmorning, papasok ka ba?" Tanong sakin ni Angel , pagkagising kinabukasan. Umiling naman ako .
"Last favor Angel, pwedeng ipaexcuse mo muna ako, pakisabi na may sakit ako kaya hindi makapasok" ngumiti sya sakin at tumango.
Hindi ako sigurado kung makikita ko nga si Tyron sa university once na pumasok ako pero para sigurado ay hindi na muna ako papasok. Isa pa wala din naman akong maiintindihan sa gulo ng isip ko ngayon.
"Salamat talaga Angel, babawi ako sayo promise"
"Hindi na kaylangan Janine, maliit na bagay lang naman ito para sa magkaibigan" napangiti ako sa sinabi nya at kusang bumagsak ang luha ko, agad ko naman iyong pinahiran.
Kahit na ngayon pakiramdam ko ay tila puro kamalasan nalang ang natatamo ko ay hindi ko malilimutan na may mga kaibgan akong nandyan sa tabi ko, Si Anna, Axle , Miya at Angel. Kahit papaano ay lumalakas ang loob ko dahil nandyan sila.
Binuhay ko ang phone ko dahil kagabi ko pa ito pinatay, baka nag aalala na sakin si Anna dahil hindi ako umuwi kagabi. Sumabay na ako paalis kay Angel . Nasa kotse kami ng tumunog ang phone ko. Nakahinga ako ng maluwag ng si Anna ang tumatawag.
"Hello"
"jusko naman Janine! Asan ka ba ha? Kagabi pa ako tawag ng tawag sayo hindi ka naman macontact! Nag aalala na ako sayo! Bakit hindi ka umuwi kagabi? "napapikit ako dahil sa pag aalala sa boses ni Anna, naguilty tuloy ako.
"Sorry, pero ok lang naman ako. Kina Angel ako natulog"
"Bakit hindi ka man lang nagtext sakin, teka ano bang nangyayare ha? Hinahanap ka sakin ni Tyron kagabi, ayaw nya maniwala na hindi ko alam kung nasan ka, halos magwala na sya dito kagabi" napahilot ako sa ulo ko ng marinig ko yun. Bakit nya pa ko kaylangan makausap agad agad? Eh inamin na nga ng Ina nya sakin. Gusto nya ba talaga akong saktan ng todo?
"Magkita nalang tayo" sabi ko at pinatay na ang tawag. Tinext ko nalang sya kung san kami magkikita at sinabi ko na din na ipagdala nya ako ng damit.
"Salamat Angel, pasensya na talaga" sabi ko ng pababa na ako ng kotse sa tapat ng isang park.
"Walang ano man Janine, just be strong ok?" Natigilan ako sa sinabi nya pero agad din naman akong nakatango at ngumiti sa kanya.
Ilang minuto kong hininatay si Anna dito sa Park mejo malayo sa Bahay. Sa ngayon ay si Anna palang ang kaya kong sabihan ng problema ko, dahil alam nya ang pinagdaanan ko, alam nya kung paano ako naulila.
"Janine" tawag nya habang patakbong lumalapit sa pwesto ko. Tumabi sya sa unuupuan ko at sinuri ako.
"nag away ba kayo? Hindi ka makakapag kaila dahil sa itsura mo ngayon at sa inakto ni Tyron kagabi." Nagbuntong hinga ako at hindi sinagot ang tanong nya.
"Nakita ko sila" mahinang sabi ko .
"Sino? " nakakunot noong tanong nya.
"Ang dahilan ng pagkawala ni Mama" nanlaki ang mata ni Anna sa sinabi ko.
"Ano? Paano mo nakita? Saan?" Naguguluhang tanong nya. Tumango ako at tinitigan ang sapatos ko.
"Ang liit ng mundo, hindi ko akalain na ganito maglaro ang tadhana. Kagabi ko sila nakita sa bahay ni Tyron, dahil anak nila si Tyron" nagcrack ang boses ko ng sinabi kong iyon, naalala ko na namn ang pakiramdam ng makita ko sila .
"A-ano? T-talaga ba?" Hindi makapaniwalang sabi nya. Tumango naman ako at kusang bumagsang ang mga luha ko.
"Ang nakakatawa pa, nalaman kong pinaibig lang pala ako ni Tyron para saktan at iwan sa huli, iyon ang plano nila ng babaeng iyon. Ni hindi man lang sumagi sa isip ko yun, akala ko totoo lahat ng pinapakita sakin ni Tyron, yun pala paghihiganti lang ang lahat. " kaya pala, kaya pala gustong gusto nyang mapalapit at makapasok sa buhay ko. Plano pala nya iyong lahat. Kaya pala tinanggap nya ako sa trabaho ng ganung kadali. Ang sakit! Ang sakit sakit!
"Pucha! Ang kapal naman ng muka nila kung ganun, sino ba ang dahilan ng pagkamatay ng Mama mo di ba ang babaeng iyon? Nakakagigil! " naiinis na sabi ni Anna, ako naman ay nagagalit din oo, pero mas nananaig sakin ang sakit.
"Hindi ko alam na ganun sila kasama, biktima lang kami Anna, niloko lang din si Mama ng lalaking iyon. Bakit kaylangan nilang gawin ito? Hindi pa sila nakuntento na wala na si Mama, bumalik din naman sa kanya ang asawa nya ah, nabuo ang pamilya nya pero ano, ganito pa din ang ginawa nya? Ang sama nya!" Hinagod ni Anna ang likod ko dahil humagulgol na talaga ako. Akala ko tapos na ang sakit na pinagdaanan ko sa nangyare noon pero parang mas doble ang sakit ngayon..
Una dahil nalaman kong niloko ako ni Tyron na hindi nya ako mahal, pangalawa hinding hindi ko matatanggap na sila ang mga magulang ng taong mahal ko, at pangatlo sa ginawa nilang ito hindi ko alam kung kaya ko pang magpatawad.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?