Janine's pov
"Janine, tama ba ito?" Tanong ni Angel sakin nagsasagot kami ngayon ng isang activity, by pairs kasi at dahil sya palang ang mejo kaclose ko eh kami ang magkapartner.
"Oo, nabasa ko iyan eh" agad naman syang napapalakpak.
"Isa nalang at tapos na tayo" ngumiti ako sa kanya tsaka tumango. Nang matapos namin ang activity ay pinasa na agad namin ,kami ang pangalawa sa nakatapos.
Nakipag apir sakin si Angel ng macheckan ang gawa namin at nakakuha kami ng perfect score. Ngiting ngiti ako ng makalabas ng classroom.
"May kasabay ka ba mag lunch? " tanong ko sa kanya. Umiling naman sya sakin.
"Sumabay kana sakin"pagyaya ko sa kanya, tutal wala naman akong kasabay ngayon dahil may Klase pa si Anna.
Sabay kaming naglakad papauntang cafeteria at buti nalang wala pa masyadong tao , maaga pa kasi. Nauna kaming magbreak.
Nagkwentuhan kami ni Angel habang kumakain, nakakatuwa nga sya eh. Tapos sa klase eh kaming dalawa lagi ang magkasama sa mga gawain.
Nang matapos ang klase ay magkasabay kaming pumunta sa gate para umuwi.
Napatigil kami paglalakad ni Angel ng makitang maraming tao ang nakatigil sa gate puro mga babae at nagbubulungan.
"Ano kayang meron?" Takang tanong ni Angel, parehas kaming nakatingin doon. Nagkibit balikat ako at naglakad na ulit.
Sa gilid kami nakisiksik para lang makadaan. Nang mapunta kami sa harapan ay natigil si Angel kaya natigil din ako.
"Whoah!" Sabi nya habang nakatulala sa gitna ng gate. Tinignan ko ang tinititigan nya. Napakunot ang noo ko ng makita kung sinong nanduon.
"Migs?" Nandoon si Migs sa harap ng gate at nakapamulsa, lilinga linga sya at parang may hinahaanap.
"K-Kilala mo?" Di makapaniwalang tanong ni Angel, tumango naman ako. Mejo umabante ako para sana tawagin sya pero nagtama na ang mata namin.
"Janine!" Nakangiting sabi nya at tsaka mabilis na lumapit sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Naiilang kong tanong, nakatingin kasi samin lahat ng tao.
"Sinusundo ka" napasinghap ang mga babaeng nakatingin sa amin ng marinig ang sinabi ni Migs.
"Bakit anong meron? Tsaka paano mo nalaman na dito ako nag aaral" nagkibit balikat lang sya at hinawakan ang wrist ko.
"Kakain tayo" sabi nya habang hinahatak ako. Hala si Angel naiwan ko na, hindi ko pa napakilala. Hinanap ng mata ko si Angel at nakita kong nakatingin sya sakin habang ngiting ngiti. Kinawayan nya ako kaya kumaway nalang din ako. Dirediretso kasi itong si Migs sa paghatak sakin.
Pinasakay nya ako sa kotse nya, kaya hinintay ko ang pagpasok nya sa kotse nakatingin lang ako sa mga schoolmates kong mga nakaabang pa din sa gate.
"Ano bang meron?" Nagtataka talaga ako kung bakit nya ako sinundo para kumain sa labas.
"Wala naman , gusto ko lang kumain kasama ka" nakunot ang noo ko, alam kong magkaibigan kami pero hindi ko naisip na pupuntahan nya ako sa university para lang yayain kumain.
Tumigil sya sa isang mamahaling restaurant, nakasunod lang ako sa kanya pero binabagalan nya ang lakad para magkasabay kami.
"Table for two" sabi nya sa isang waiter. Sumunod ako ng iginaya nya kami sa isang table na kalapit ng glass wall.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?