chapter 7

44 1 0
                                    

Janine's pov

Nakarating ako sa counter at agad na hinanap ng mata ko si Sir, pero wala naman sya doon. Lumapit ako kay Joey para tanungin si Sir.

"Joey, si Sir Tyron?" Ngumiti sya sa akin dahilan para makita ko ang dimple nya.

"Andito kanina eh pero umalis, hindi ko napansin kung saan nagpunta, baka sa office nya"

"Ok sige ,salamat" sabi ko at umalis na, titignan ko baka nasa opisina nya. Nakasalubong ko si Manager at tinaasan ako ng kilay. Ngumiti nalang ako.

"Saan ang punta mo? Madaming customer oh" mataray na sabi nya.

"Ah pinapatawag po ako ni Sir Tyron" tumaas ang isang kilay nya at pinanliitan ako ng mata.

"Janine!" Sabay kaming napalingon ni Manager sa sumigaw. Si Sir Tyron iyon na nasa pinto ng office nya.

"Sige po" sabi ko kay Manager at mabilis na tinungo si Sir.

Nang makalapit ako ay hindi ko maiwasang titigan si Sir, ang gwapo nya kasi nakasuot na naman sya ng white v-neck shirt, bakit parang ang ganda ng katawan nya? Kitang kita ko iyon sa hubog ng kawatan nya. Kahit na iyon lang ang suot nya eh ang lakas pa din ng dating.

Tumikhim si Sir, kaya naman nawala ang isip ko sa itsura nya. Nakakahiya! Nahuli nya ata akong nakatingin sa katawan nya.

"Bakit po Sir?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Come here " sabi nya at pumasok sa loob, kaya sumunod ako. Tumingin sya sa kamay ko kaya napatingin din ako sa kamay ko.

"ugh! This is not cool!" Narinig kong bulong nya. Kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin naman sya sakin kaya nagkatinginan kami, agad din syang umiwas ng tingin.

"Pwede bang pakidukot mo yung gilid nito? Nahulog kasi yung phone ko, eh hindi kasya ang kamay ko." . Agad akong lumapit sa kanya para silipin yung pinaghulugan . Nasa pagitan sya ng pader at mesa na nakafix.

"Ok Sir, tingin ko kasya naman ang kamay ko" pumwesto ako para kunin na yung phone nya? Kaso si Sir eh nasa likuran ko., maiksi itong skirt ko kaya siguradong pagyuko ko eh makikitaan ako. Napatigil ulit ako. Humarap ako sa kanya.

"Why?" Takang tanong nya. Napakagat naman ako ng ibabang labi, sasabihin ko ba? Paano? Nahihiya ako.

Tinignan ko ulit sya, kaya nagtama ang mata namin. Naghihintay sya sa gagawin o sasabihin ko.

"Ano kasi Sir..pwede bang dito ka sa gilid ng mesa?" Sabay turo ko sa mesa, tumingin sya doon tapos ay saakin. Para pa syang nag iisip.

"Ok" sabi nya at pumwesto na doon. Kaya bumalik ako sa pagsilip sa phone nya, dahan dahan kong dinukot yung phone. Hanggang sa makapa ko iyon.

"Can you get it?" Tanong ni Sir.

"I think so" sabi ko ng nahawakan ko na yung phone.ipinaling ko ang ulo ko para maabot ko ng maayos. Tila namula ang muka ko ng makitang nakatingin sya sa legs ko.

Hinawi nya ang buhok ny at umiwas ng tingin tapos ay tumingin sakin, mukang nagulat pa sya ng makitang nakatingin ako sa kanya, tumikhim sya at nag iwas ng tingin.

Nang mahawakan ko na ang phone ni Sir ay Iniangat ko iyon kasabay ng katawan ko. Inilahad ko agad iyon kay Sir.

"thanks! I think i suggest a new uniform" alanganing sabi nya, napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nya.

"Sige Sir, balik na ako doon" tsaka ako pumihit palabas ng pinto.

Nagdiretso agad ako sa counter para tumulong mejo natagalan din kasi ako. agad ko namang nakita si Miya na kumukuha ng order sa isang table. Ngayon ko lang napansin, bakit hindi nalang si Miya ang inutusan ni Sir? Mas mahaba ang braso ni Miya at tingin ko ay mas payat sya sakin. Bakit ako pa? Wierd.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon