Janine's pov
Nandito pa din ako sa condo ni Tyron, nanuuod kami ng movie habang nakaupo ako sa sofa habang si Tyron naman ay nakahiga at nakaunan sa lap ko. Sinusuklay ko ng kamay ko ang madulas nyang buhok.
"napansin kong mahaba na ang buhok mo" sabi ko kay Tyron, napatingin naman sya sakin.
"Pangit na ba? " agad naman akong umiling sa sinabi nya.
"Hindi naman, gwapo ka pa din" nakangiting sabi ko, ngumiti rin naman sya.
Tapos ay nanuod na uliT kami, panay ang subo ko sa kanya ng popcorn hehe wala syang magawa nakahiga sya eh. Ako batas , haha joke lang.
"Babe" tawag nya sakin, dahil maganda na ang nagyayare sa pinapanuod namin ay sinagot ko sya habang nakatingin sa tv.
"Hmmm?"
"Babalik kana ba sa resto? O doon ka nalang sa coffee shop?" bigla akong panatingin kay Tyron dahil sa tanong nya. Ang totoo ay gusto ko sa resto pero nahihiya ako kay Ma'am Maxine at kay Axle na rin, malaki ang tiwala nila sakin tapos ay aalis ako doon para magtrabaho sa iba? Parang hindi naman maganda.
"Ikaw ano bang gusto mo?" Tanong ko kay Tyron, gusto ko din naman marinig ang gusto nyang mangyare. Makakatulong para sa pag iisip ko.
"Ang totoo eh, gusto kong tumigil kana pagtratrabaho. Kaya naman kitang pag aralin kung gusto mo panga sakin kana tumira, tutal doon din naman ang punta natin" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tyron, ano bang pinagsasabi nya? Nababaliw na ba sya? Masyadong maaga para sa ganung bagay.
"Umayos ka nga! " sabi ko at tinanggal ang ulo sya sa lap ko. Agad naman syang umupo tapos ay nakakunot noong nakatingin sakin.
"Seryoso kaya ako, ano magsama na tayo?" Hinampas ko sya sa balikat tapos ay tumawa naman sya. Nakakainis si Tyron, puro nakakagulat ang lumalabas sa bibig nya.
"Ni hindi panga kami ayos ng parents mo tapos ganyan ang iniisip mo? " napangisi naman sya sa sinabi ko. Bakit ano bang mali sa sinabi ko?
"Ibig mong sabihin, once na mag kaayos kayo papayag kana sa gusto kong mangyare?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Hindi ganun ang ibig kong sabihin!" Nakasigaw na sabi ko. Lalo naman syang napangisi.
"Oh talaga? Bakit parang ganun ang lumalabas. Kung ganun tara na kausapin na natin sila. " sabay tayo nya , agad ko naman syang hinatak paupo.
"Tyron! Tumigil kana nga! Para kang sira!" Sabi ko ng mahatak ko sya paupo. Bigla naman syang humagalpak ng tawa. Ugh! Ang lakas ng trip nya.
"Pfft! I was just teasing you" sabi nya tapos ay niyakap ako. Napabuntong hininga nalang ako. Ang kulit nya eh.
"Pero seryoso Tyron, gusto kong makausap ang parents mo, sasamahan mo ba ako?" Napatingin sya sakin tapos ay ngumiti. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
"Ofcourse, this is our fight we'll do this together" seryosong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Napangiti ako. I really love this man.
"Thank you! I love you Tyron"
"I love you more Janine" sabi nya tapos ay hinalikan ako, marahan at punong puno ng pagmamahal. Tinugon ko din naman iyon with the same feeling.
Hindi ko alam kung ilang segundo ang halik namin pero parang parehas kaming walang balak tumigil kung hindi lang may ng doorbell.
Inis na humiwalay si Tyron sa sakin.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?