Janine's pov
Naging abala kami sa mga customers dahil madaming tao ngayon, nagsasaya ang lahat dahil sa masiglang tugtog ng live band.
Nakita ko sa isang table sina Migs , Charles at Tyron, nagkwekwentuhan sila at nag iinuman. Iba ngayon dahil walang kasamang babae si Tyron at ganun din si Charles. Si Miya ang nagsesrve sa kanila at iba ang binigay ni Charles sa kanyang tingin. Kahit na hindi pa nagkwekwento si Miya alam kong may something sa kanila ni Charles.
May bagong dating na grupo ng mga lalaki siguro ay nasa sampu o higit pa iyon, pumwesto sila sa mahabang couch na may mahaba ding table. Dahil sa ako ang walang ginagawa ako na ang lumapit.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanila. Ngumiti sakin ang lalaking nasa bungad at nagtanong ako ng order.
"What's your order sir? " bumaling pa ako sa iba, kaso nagsalita na ang nasa bungad kaya hindi ko na nalingon ang iba. Isinusulat ko ang order nila ng may bumanggit ng pangalan ko.
"Janine?" Nilingon ko ang lalaking nasa kaliwa ko, nakita ko si Gino doon.
"Oh Gino, ikaw pala" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa tapos ay napalunok sya, nagtaka naman ako sa ginawa nya.
"Nagtratrabaho ka pala rito" ngumiti ako at tumango.
"Kilala mo pala Gino? Ex mo?" Tinapunan ni Gino ng tissue ang lalaki.
"Loko! " sabi nya at bumaling sakin. Kinuha ko na ang order nilang lahat si Gino naman ay nakatingin lang sakin.
"Sige, kunin ko lang order nyo" ngumiti ako at umalis.
Kasama ko si Cj pagkuha at paghatid ng order dahil madami ito. Isa isa namin itong nilagay sa table nila.
"Bago lang ako napunta dito" biglaang sabi ni Gino,tinignan ko sya at tumango.
"Bakit dito nyo naisipan?" Nagkibit balikat sya.
"Sila nagdecide, sumama lang ako. Kakatapos lang namin sa isang game at nanalo kami kaya ayan nagkayayaan" tumatango ako habang naglalagay ng order.
"Matagal kana dito? " tanong pa nya. Umiling naman ako.
"Magdalawang buwan palang" tumango sya sakin at ngumiti.
"Sige, trabaho na ulit ako" sabi ko at ngumiti sa kanya, tumango sya at kumaway sakin.
Habang papunta sa isa pang table na tumatawag ng waiter ay namataan ko ang mga mata ni Tyron na nakatingin sakin, seryoso ang muka nya. Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya.
Matapos sa isang table ay , naglinis naman ako, at dinala ito sa kusina, nakita kong tumayo sa table nya si Tyron at papunta sa direksyon ko. Nagdiretso lang ako dahil hindi ko naman sigurado kung ako nga ang sadya nya, baka mag ccr lang.
"Janine" sabi nya ng matapos kong dalhin sa kusina yung mga pinggan, nandito kami malapit sa office nya.
"Yes Sir?" Nagbuntong hininga sya.
"Hindi ka dapat nagkikipag usap pag oras ng trabaho" seryoso ang muka nya ng sinabi nya sakin iyon. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Pero nagtratrabaho naman po ako Sir eh, tsaka unang beses po nila ok lang naman po siguro iyon para umulit sila dito" natigilan sya tsaka nagbuntong hininga. Nagtiim bagang sya tsaka napapikit.
"Tss! Fine" sabi nya at umalis na. Problema noon?
Ano yun galit ba sya? Akala ko ba ay ok na kami? Tapos ganito naa naman? Ang gulo! Hindi ko talaga malaman ang tumatakbo sa utak nya. Nakakafrustrate sya sa totoo lang.
Hindi ko nalang pinansin ang inasal ni Tyron at nagtrabaho nalang. Tuwing dadaan ako sa table nina Gino ay nginingitian nya ako kaya ngumingiti din ako sa kanya. Samantalang sa table naman nina Tyron ay nakabusangot ang muka nya.
"Excuse me, saan ang CR dito?" Natatawang sabi ni Gino, nandito ko sa counter at nagulat ako ng magsalita sya sa gilid ko.
"Sa dulo Sir, kanan po" nakangiting sabi ko.
"Thanks!" Nakangiting sabi nya tapos ay kumindat pa. Pilyo!
Nagulat ako ng bungguin ni Ailah ang balakang ko. Nakangisi sya sakin at tumataas taas ang kilay!
"Sino yun ha? Nakita ko yun, kinindatan ka" natawa nalang ako dahil kay Ailah.
"Schoolmate ko yun" may tumikhim sa likod namin at nakita namin si Tyron na seryoso ang muka. Napayuko si Ailah tapos ay nag paalam na aalis na.
Magpapaalam na din sana akong aalis na kaso ay nagsalita sya.
"Bring me coffee at my office" seryosong sabi nya at umalis na. Ako naman ay pumunta sa kusina at nagkanaw ng kape.
Kumatok ako sa pinto bago pumasok. nakaupo sya sa swivel chair at may mga hawak na papel. Nilapag ko ang kape at napatingin sya sakin.
Kinakabahn ako sa mga tingin nya sakin, para kasi syang galit, wala naman akong ginawang masama ah. Bakit kaya sya ganyan? Aalis na sana ako kaso tinawag nya ako.
"Arranged this alphabetically" sabay lapag nya ng mga papel. Seryoso ang muka nya kaya hindi ako makaangal. Madami pa namang tao ngayon.
Kaylangan na ba ito ngayon? Baka naman hindi pa?
"Ah pero Sir, madami pong customer ngayon di ba? Kaylangan na po ba ito?" Kinakabahang tanong ko. Tinagilid nya ang muka nya at tsaka nagsalita.
"I need it now, kaya gawin mo na" tumango nalang ako at hindi na nagtanong pa. Naghahanap ako ng pwepwestuhan ng biglang tumayo si Tyron.
"Dito kana " sabi nya at tsaka pumunta sa couch. Umupo ako sa swivel chair nya tsaka nagsimulang ayusin ang mga papel .
Si Tyron naman ay nasa sofa at umiinom ng kape. Napapasulyap ako sa kanya nahuhuli ko syang nakatingin sakin pero nag iiwas sya ng tingin pagnagtatama ang mata namin.
Ilang minuto pa akong nag aayos ng mga papael ay sumakit ang batok ko sa kakayuko kaya tumingala ako at hinagod ang batok ko. Nagulat ako ng masamid si Tyron.
" Ok ka lang Sir?" Nag iwas sya ng tingin sakin at tsaka tumango, umuubo ubo pa din sya.
"Gusto mo ikuha kitang tubig?" Umiling lang sya sakin kaya nagpatuloy na ulit ako pag aayos.
Pinilig ko ang ulo at tinignan si Tyron na iiling iling. Problema ba ng lalaking ito?
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Roman d'amourano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?