Janine's pov
Sa byahe ay tahimik lang ako . Hindi na ako nakapagpalit ng damit pinakuha nya lang ang gamit ko tapos ay umalis na kami. Hiyang hiya nga ako sa mga kasamahan ko ng lumabas kami ng office nya eh. Syempre naman empleyado din ako katulad nila pero eto ako ngayon at kasama ng boss ko hinahatid pauwi.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Tyron sakin, siguro ay kaylangan ko ng sabihin sa kanya na hindi ata maganda ang ganitong set up namin.
"Ano kasi Sir... " naghahanap pa ako ng idudugtong ng biglang magsalita sya.
"Wala na tayo sa resto kaya wag mo na ako tawaging Sir" nagbuntong hininga ako sa sinabi nya.
Parang ayoko na pating sabihin. Ayoko mag isip ng iba tungkol sa pinapakita nya sakin pero kung sa akin nya lang ito ginagawa ay hindi ko mapigilang mag isip. Kung si Miya, Ailah o sino pang babae na empleyado nya nangyare ang kanina, ganito din kaya ang gagawin nya?
"Ok Tyron, pasensya na talaga sa nangyare kanina" sumulyap sya sakin saglit tsaka nagsalita.
"It's ok, nangyayare talaga yun" nangyayare? Ibig sabihin ba ginawa na din nya ang ganito kina Miya nung mangayre ang ganitong aksidente sa kanila?
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong pero wala akong maisip na itanong o sabihin man lang kaya tumango nalang ako.
Tumahimik na ako buong byahe dahil na rin siguro sa tumatakbo sa utak ko. Bumaba ako ng kotse ng makarating na kami sa tapat ng bahay ni Anna. Bumaba din si Tyron.
"Salamat Tyron, mag oot nalang ako bukas" sabi ko sa kanya. Mag sasalita na sana sya kaso may nagsalita sa gilid namin. Sabay kaming napalingon ni Tyron .
"Janine? Bakit ang aga mo?" Nagtatakang tanong ni Anna na kasama si Axle at may hawak na barbeque.
"Ah ano kasi may nangyare...ah si Tyron nga pala boss ko" pagpapakilala ko kay Tyron tinignan nya si Anna at tumango.
"Si Anna bestfriend ko and si Axle" nakipagfist bam si Axle kay Tyron na agad naman sinuklian ni Tyron habang si Anna eh nakatingin kay Tyron na ngiting ngiti.
"Tara pasok ka muna" sabi nya kay Tyron, napatingin naman ako kay Tyron at nag aantay ng sagot nya.
"Is it ok? " tanong nya kay Anna, ngumiti naman si Anna at tsaka tumango.
"Tara" sabi ko kay Tyron ng lumakad na sina Anna at Axle.
Pagdating sa loob ay pinaupo ko muna sya dahil magpapalit ako ng damit. Inililibot nya ang mata nya sa kabuuan ng bahay bago ako pumasok ng kwarto.
Tinulungan ko si Anna na mag hain ng barbeque at softdrinks tsaka namin dinala sa sala. Umupo ako sa tabi ni Tyron na ngayon ay nagtetext sa kanyang phone.
"Ilang taon kana ba Tyron ? Bakit may restobar kana agad?" Tanong ni Anna sa kanya, kahit ako ay hindi ko pa alam, kaya nakaabang din ako sa isasagot nya.
"I'm 21, sa kuya ko talaga ang business na yun, but then nag migrate na sya sa US so iniwan na nya sakin yung resto. " napatango naman kami sa sinabi nya.
"Ang galing naman " namamanghang sabi ni Anna.
"I heard na kilala na ang restobar mo..hindi ka ba nahihirapan na isabay sa pag aaral mo ang pagmamanage noon?" Tanong naman ni Axle.
"At first oo, mahirap. Pero ngayon nag eenjoy nalang ako nasanay na eh" natango nalang ulit ako sa sinabi nya. Bumaling sya sa akin kaya nagtama ang tingin namin. Ngumiti ako sa kanya kaya ganun din sya.
Matapos kumain ng barbeque eh humiwalay ang dalawa ni Anna sa amin ni Tyron nag punta sila sa kusina at nag luluto ata ng kung ano. Bumaling ako kay Tyron na nakatingin pala sakin.
"Gusto mo na bang umuwi?"
"Hindi pa, wala naman akong gagawin eh" tumango naman ako, wala na akong masabi eh.
"Hindi dapat kayo nagpapapasok ng lalaki dito" seryosong sabi nya. Kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Bakit naman ? Hindi naman ibang tao si Axle tsaka karapatan ni Anna yun" kumunot naman ang kanyang noo.
"Bakit? "
"Nakikitira lang naman ako dito eh" tumitig lang sya sakin ng ilang segundo kaya umiwas ako ng tingin.
"San kaba nakatira dati? Taga dito ka ba talaga?" Tanong nya, umiling naman ako agad.
"Hindi, sa probinsya ako nakatira kakadating ko lang dito nung nakaraang buwan"
"Eh bakit ka nandito? Para mag aral? So naiwan ang pamilya mo doon?" Ngumiti ako ng pilit sa kanya tsaka nagsalita.
"Wala na akong pamilya, nag iisa nalang ako sa buhay at inoffer ni Anna na makitira ako sa kanya kaya eto ako ngayon" umiwas sya ng tingin sakin. Nagpatuloy ako pagsasalita.
"Matagal ng patay ang Papa ko , si Mama naman recently lang. Nakakalungkot lang dahil hindi naman dapat sya mawawala sakin kung hindi lang dahil sa isang pangyayari " nakitang kong umigting ang kanyang panga. Napakunot ang noo ko sa reaksyon nya kaya nag iwas ako ng tingin. Napasin ko naman ang paghigpit ng kanyang kamao.
Nagulat ako ng tumayo sya bigla kaya napatingala ako.
"I need to go" biglang sabi nya kaya napatayo na din ako,
"Ah ok sige..." magsasalita pa sana ako kaso tumalikod na sya at dumiretso sa pinto kaya sumunod nalang ako.
Dirediretso sya sa kotse nya at hindi manlang lumingon ,kumaway nalang ako kahit na hindi ko alam kung nakita nya ng umandar ang sasakyan nya.
"Oh, asan si Tyron?" Bungad sakin ni Anna ng makabalik ako sa bahay.
"Umuwi na"
"Huh? Eh bakit hindi mo sinabi?"
"Nagmamadali eh, emergency ata" pagpapalusot ko. Ano kayang problema ng lalaking iyon? May nasabi ba akong mali?
nung gabing iyon ay halos hindi ako makatulog kakaisip kung bakit biglang naging ganoon si Tyron. Nakakalito ang pagababago nya ng mood, ok naman kami nung nagkwekwentuhan ng biglang naging ganun. Hay! Hayaan ko na nga lang.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?