chapter 37

38 1 1
                                    

Janine's pov

Busy ako pag aaral dito sa isang bench sa loob ng university, vacant time kasi hindi ko kasama si Angel dahil may meeting sila sa club nya.

"Janine?" Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin, sinisilip pa nya ang muka ko mejo nakatungo kasi ako.

"Gino, anong balita?"nakangiting tanong ko, nakakunot ang noo nyang umupo sa harap ko.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Nagbuntong hininga sakin at umiling.

"Ikaw ang kamusta? Okay kana ba? Nasabi sakin ni Angel na may pinagdadaanan ka daw" ngumiti ako sa kanya.

"Magiging ok din naman ako, naniniwala ako doon. Don't worry kaya ko ito" nag aalala ang muka ni Gino habang nakatingin sakin. Ang swerte ko talaga na may mga kaibigan akong kagaya nila.

"Oo nga, ikaw pa! Alam kong matatag ka, iyon nga ang nagustuhan ko sayo" ngumiti nalang ako sa sinabi ni Gino.

"Salamat Gino" kinuha nya ang kamay ko at nagsalita.

"Basta nandito lang ako ha, i'm willing to help you" tumango ako at hinawakan din ang isa nya pang kamay.

"Salamat talaga"

Nagkwentuhan pa kami ni Gino doon , inilibre nya din ako ng pagkain. Hanggang sa time na ng next class ko, hinatid pa nya ako sa room. Napakabait nya talaga, kaso nga lang hindi sya ang para sakin, she deserve someone who's better than me.

Matapos ang klase ko ay tinawagan ko na si Miya, nagkausap kasi kami sa phone kahapon nalaman nya kasi kay Anna na nakabalik na ako, kaya agad nya akong tinawagan , at eto nga napagkasunduan naming magkita muna bago pumasok sa trabaho.

"Miya!" Tawag ko ng makita ko syang nakaupo sa foodcourt dito sa isang mall.

"namiss kitang bruha ka!" Sabay yakap nya sakin. Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa.

"Grabe ang laki ng pinayat mo, parang si Tyron lang" sabi nya pero agad din syang natigilan.

"Namayat sya? Bakit?" di ko maitago ang pagaalala dahil sa nalaman ko.

"Ilang araw din syang halos hindi na umuuwi kakahanap sayo, tapos ialng araw din syang nag iinom, ewan ko nga kung nakakain pa iyon ng tama. " aminado akong nagiguilty ako dahil sa mga narinig ko. Bakit ba ganun nalang ang ginagawa nya? Pinapabayaan nya ang sarili nya para lang makita ako, bakit ba bigdeal sa kanyang makapagpaliwanag sakin? Nakokonsenysa ba sya o mahal nya talaga ako?

"N-Ngayon ba alam nyang nakabalik na ako?" Umiling naman si Miya.

"Hindi pa din ata alam nila eh, ayaw mo bang ipaalam sa kanya?" Umiwas ako ng tingin kay Miya, ayaw ko nga ba? Gusto ko na din sya makita namimiss ko na sya pero hindi pa ata ako handa.

"Hindi naman, kaso hindi pa ata ako handa na harapin sya" nagbuntong hinga naman si Miya.

"Naiintidihan kita matapos ang nangyare sa inyo mahirap talaga tanggapin iyon. Kahit ako hindi makapaniwala, alam mo bang inaway ko si Charles dahil nalaman kong alam nya pala ang plano at sya pa mismo ang nagbibigay ng tips kay Tyron. Sa inis ko ay binato ko sya ng sapatos ayun, sapol sa noo! Bukol, ha! Buti nga" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Miya.

"Bakit mo ginawa yun? Hindi mo na dapat inaway si Charles, labas na kayo dito ok?"

"No!, hindi kami labas dito Janine, kaibigan kita at boyfriend ko ay kasabwat sa panloloko sayo, hindi ko yun palalagpasin" naiinis na sabi nya, napasapo nalang ako ng noo ko.

"Kamusta kayo ngayon?" Nag iwas naman sya ng tingin sakin.

"Ewan, hindi pa ulit sya nagpapakita, tatlong araw na. Wala akong pake! Bahala sya sa buhay nya, hindi ako hihingi ng sorry dahil sa ginawa ko, kulang panga yun" napabuntong hininga Nalang ako, kunwari pa sya eh alam ko naman na namimiss na nya si Charles.

Nagkwento pa si Miya ng tungkol sa trabaho. Halos matawa pa ako ng sinabi nyang pinag iinitan daw sya ni Manager dahil hindi na daw ako pumasok. Ang dami daw sinasabi at gusto na nyang pasakan ang bibig para matigil. Grabe talaga sya ang brutal, matanda pa din kaya sa kanya yun. Nabanggit din nya na kinakamusta ako, nina Cj, Ailah ,at Kristine. Kinukulit nga daw nila si Miya kung kaylan ulit ako papasok, pero wala syang masagot.

"Hindi kana ba talaga babalik sa trabaho?" Umiling naman ako.

"Di ba nga may bagong trabaho na ako? " nagbuntong hininga naman sya at tumango.

"Sabagay mabwibwisit kalang sa bunganga at muka ni Manager pag iinitan ka nun ng bongga once na bumalik ka, insecure pa naman yun sa beauty natin" natawa nalang ako sa sinabi ni Miya, ibang klase talaga sya.

Matapos ang halos isang oras ay nag hinawalay na kami ni Miya para pumasok sa kanya kanya naming trabaho.

Agad kong binati si Ma'am Maxine ng makasalubong ko syang palabas ng coffee shop. Kinamusta panga nya ako, nahiya tuloy ako. Halatang may special treatment ako ah. Nagbihis na ako ng uniform at nagsimulang magtrabaho.

pagganitong oras ay marami ang tao dito, mula 3 to 6 pm ay dagsa ang tao dito. Oras kasi ng miryenda . Halos sanay na ako sa gawain magaan lang naman , hindi katulad sa bar na talaga nakakapagod.

Halos nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang pumasok dito sa shop, iniikot nya ang mata nya sa paligid na parang may hinahanap, nang matama ang mata namin ay bumilis ang tibok ng puso ko. God! Namiss ko sya sobra.

Naglakad sya papaunta sa isang table malapit sa glass wall. Agad naman lumapit ang isa kong kasamahan sa kanya. Buti nalang , dahil hindi ko alam kung anong nangyayare kung ako ang magaasisst sa kanya. Ang laki nga ng pinayat nya, mas lalong lumalim ang mata nya, pero kahit ganun ang gwapo pa din nya.

"Gosh! Ang gwapo naman nya" napabaling ako kay Gail na nasa tabi ko , tinignan ko ang tinitignan nya at nakumpirma kong si Tyron iyon.

"Bago ko lang sya nakita, sana maging regular customer natin sya noh, ang gwapo gwapo !"kinikilig na sabi nya. Umalis ang nag aassist kay Tyron para kunin ang order nito.Tapos ay bumaling sya sa direksyon namin agad naman akong nag iwas ng tingin.

Grabe ang tibok ng puso ko, gusto ko ng tumakbo sa kanya at yakapin sya pero ayaw makisama ng katawan ko.

"Janine, pwede ikaw na magserve nito, may pinapagawa kasi sakin si Manager" sabi ng isa kong kasamahan, alam kong iyan ang order ni Tyron kaya nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko, kaso kinuha na iyon ni Gail.

"Ako nalang! " sabi nya at masayang tinungo ang table ni Tyron. Ni hindi nya manlang nginitian ni Tyron si Gail sakin lang sya nakatingin kaya naman pumasok muna ako ng kusina.

Nang lumabas ako ay wala na doon si Tyron, inikot ko pa ang mata baka kasi lumipat lang sya ng pwesto pero wala na talaga sya.

Matapos ang shift ko ay Lumabas na ako ng shop kasabay ko ngayon si Gail , magsasabay kaming umuwi . Nagkwewkentuhan lang kami ni Gail habang naglalakd papuntang sakayan ng jeep ng bigla syang tumigil at lumingon sa likod.

"Oh my god! Sinusundan tayo ni Pogi!" Halos patiling sabi nya, nagtaka naman ako kaya pasimple akong lumingon, biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Bakit nandito pa si Tyron? Akala ko umalis na sya.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagdirediretso na paglalakad ni hindi ako lumilingon, samantalang si Gail ay panay ang lingon. Hanggang sa makarating kaming sakayan ng jeep nandoon pa din sya sa likod namin. Ilang sandali lang ay may dumating na jeep kaya sumakay na kami. Nang umandar ang jeep ay nakita ko si Tyron na malungkot na nakatayo doon habang nakatingin sakin.

Parang may tumusok sa puso ko nakaramdam ako sa sakit, gustong tumulo ng luha ko pero pinigilan ko. Konting panahon pa Tyron, konti nalang.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon