chapter 42

37 2 1
                                    

Tyron's pov

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong hinawakan ang kamay ni Janine. Alam kong kinakabahan sya sa pwedeng maging resulta nito ,kahit ako, gusto ko naman silang magkaayos para wala ng problema, para naman mayaya ko na syang magpakasal pag nakagraduate na ako.

"Bakit ka nakangiti dyan?" Nagulat ako sa tanong ni Janine kaya napatingin ako sa kanya at umiling.

"Wala " sabi ko at nag iwas ng tingin, shit! Napangiti pala ako, para kong baliw. Pero damn! Ganun talaga ang gusto kong mangyare .

Pagpasok sa bahay ay agad naming nakita si Dad sa sala na nagbabasa ng dyaryo.

"Dad" tawag ko sa atensyon nya, napatingin naman sya at agad na lumapit samin.

"Son? How are you? And Janine? Wow" sabi nya habang pinagmamasdan kami. Ngumiti ako sa kanya tapos ay inabot ang dala namin.

Dessert at ang favorite kong ginataang hipon na for sure magugustuhan din ni Dad. Inabot naman nya iyon at nagpasalamat tapos ay inabot sa kasambay para ihain.

"Goodevening po" bati ni Janine sa kanya. Magsasalita sana si Dad kaso ay nabaling ang atensyon namin sa babaeng pababa ng hagdan.

"Son? Why is she here?" Galit na tanong ni Mom ng makita si Janine. Inantay namin syang makapunta sa harap namin.

"Because she's my girlfriend" diretsong sabi ko. Tumaas naman ang kilay ni Mom.

"I don't care, alisin mo sya dito" napahigpit ang kapit ko kay Janine.

"Sorry pero hindi po ako aalis, nandito po ako para kausapin kayo at makipag ayos" sabi ni Janine habang nakatingin kay Mom.

"Hah! Wala ng maaayos kahit na anong gawin mo, the damage has been done. " sabi ni Mom at nagwalk out. I signed mukang mahihirapan kami nito.

"I'm sorry about that" sabi ni Dad kay Janine.

"It's ok tito"

"Excuse me, mag uusap lang kami" sabi ko sa kanila, tumingin ako kay Janine and she gave me a smile assuring me that she'll be fine.

Binitawan ko na ang kamay nya at tinapik naman ni Dad ang balikat ko. Sumunod na ako kay Mom sa taas. Naabutan ko sya sa veranda na umiinom ng wine.

"Mom" tawag ko, lumingon naman sya sakin at bakas ang galit at sakit sa mga mata nya.

"Pumunta ka dito para sa babaeng yun, hindi para makita kami. Ganyan kana ba ka baliw sa babaeng iyon ha?!" Galit na sabi nya, lumapit ako sa kanya at tinitigan sya.

"Oo Mom, i love her so much. Kaya sana suportahan mo ako, bakit ba kaylangan kami ang nagdudusa sa problema nyo ni Dad? Hindi ba pwedeng kalimutan mo nalang lahat at magsimula ng bago."

"Kalimutan? Hindi ganun kadali yun! Lalo na ang nakikita ko sa babaeng yun ang babae ng Dad mo dahil kamukhang kamukha sya ng nanay nya!" Lalo lang syang nagalit . Hay! Sarado ang isip nya dahil sa inggit at galit.

"Ayokong sabihin ito pero kung ito lang ang magbubukas na sarado nyong isip sasabihin ko" nagbuntong hininga ako at tinignan ng mabuti si Mom.

"You are the one to blame in everything that happened Mom. Kung bakit nangbabae si Dad, kung bakit nasira ang pamilya naten at kung bakit namatay ang Mama ni Janine. Alam mo bang kaya ka nyang ipakulong pero hindi nya ginawa kasi naniniwala sya na mag kakaayos kayo, Mom maraming nagmamahal sayo pero hindi mo nakikita yun, bakit ba nakapataas ng pride nyo? Ayaw mo bang sumaya? " natigilan si Mom sa mga sinabi ko.

"Sinunod ko ang pinagawa mo sakin na ipaghiganti ka kasi mahal kita, kaya sana ngayong tapos na yun suportahan mo naman ako, mahal mo ako di ba? Anak mo ako Mom, why can you just forget everything?" Napayuko si Mom at nagsimulang umiyak.

Lumapit ako kay Mom at niyakap sya. Nasasaktan din ako sa nakikita ko, Mom look miserable, kaya naman hindi ko pa din sya matiis, mahal ko naman sya eh hindi naman nagbago yun.

"Please Mom, enough of the fight magsimula tayo ng bago, believe me Janine is a good girl, magugustuhan ko ba sya kung hindi? i love you Mom, you know that" sabi ko at kumalas na sa yakap nya. Ngumiti ako at iniwan na sya doon, alam kong kaylangan nya pang mag isip.

Pagbaba ko ay nakita ko si Janine at Dad na nagtatawanan, napangiti ako mukang ok na sila. Napabaling sila sa direksyon ko. Ngumiti ako at ganun din si Janine.

"How was it?" Tanong ni Dad ng makaupo ako sa tabi ni Janine. Ramdam ko din ang tingin sakin ni Janine na naghihintay ng sagot.

"I don't know, but i hope naliwanagan ko sya" sabi ko at ngumiti. Malungkot namang ngumiti si Janine.

Nagkwentuhan pa kami doon, puro din pang aasar ang Dad ko sakin tungkol samin ni Janine, nagkwento din sya ng mga panahon na nililigawan pa lang nya si Mom. Si Janine naman ay natatawa din pero alam kong iniisip nya si Mom. Nang makaramdam kami ng gutom ay pumunta na kami sa dinning area para kumain.

Nakaupo na kami sa lamesa pero wala pa din si Mom, magkaharap kami ni Dad, at kalapit ko naman si Janine. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay nya na nasa ilalaim ng mesa. Napatingin sya skain at puno ng pag aalala ang mata nya.

Ilang minuto pa ay napabuntong hininga nalang si Dad, wala pa din kasi si Mom.

"Let's eat" sabi nya at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato. Napatingin sakin si Janine, nginitian ko lang sya at pinaglagay ng pagkain.

Siguro hindi pa ito ang oras para magkaayos sila , pero naniniwala ako na mag kakaayos sila.

"Sorry i'm late" nagulat kami ng may magsalita sa likod namin ni Janine. Umikot sya at umpo sa tabi ni Dad.

"Mom?" Natigil kami at nakatingin lang sa kanya.

"Let's eat, alam kong gutom na kayo" sabi nya at mejo ngumiti. Si Janine naman ay tila di makakibo.

"Oh? who cook this ginataang hipon? It tastes good, Tyron try that you'll like it" sabi ni Mom na ikinangiti ko.

"Janine cooked it Mom" napatigil sya tapos ay tumingin kay Janine.

"Hmm well, that's good" nakangiting sabi ni Mom kay Janine. Si Jnaine naman ay napangiti din.

"Thank you po"

Napatingin ako kay Dad na nakatingin din pala sakin, nagthumbs up sya sakin na ikinalawak ng ngiti ko.

I know Mom have already made her descision, alam kong hindi nya ako kayang tiisin, ako ata ang paborito nyang anak. Paano ba yan, mukang mapapakasalan ko na nga ang babaeng mahal ko once na makagraduate ako. And i will assure you guys that she won't say no to me. Ako pa! Sa gwapo po kong ito? Hah!

"Hey, ayan ka na naman sa mga ngiti mong mukang ewan" natigil ako pag iisip ng marinig ang sinabi ng taong mahal ko.

Nandito kami ngayon sa garden , inaatay sina Mom and Dad.

"What? I'm just thinking about you wearing a wedding dress" nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Agad akong nakatanggap ng hampas.

"Puro ka kalokohan " natawa anaman ako sa itsura nya, ang cute kasi eh.

"Hindi yun kalokohan , mangyayare naman talaga yun 2 years from now" nakangiting sabi ko.

"Tyron!" Naiinis na sabi nya, natawa tuloy ako.

"What?"

"Nakakainis ka!" Lalo akong natawa, ayaw pa umaming kinikilig lang naman.

" i know kinikilig ka" agad na naman nya akong hinampas.

Hinalikan ko nga, nakakadami na eh haha

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon