Janine's pov
Tanghali na ako nagising ngayong araw, dahil siguro sa puyat at pagod kagabi. Anong oras kaya nakauwi sina Miya?
Naghahanda na ako para pumasok sa trabaho ngayong araw, next week ay pasukan na. Excited na nga ako eh.
Sumakay na ako ng jeep at pumasok na, sa byahe eh tahimik lang ako. Wala pa akong gamit, hindi ko alam kung kakasya ang pera ko para makabili ng gamit sa pagpasok, kaylangan ko pang bumili ng uniform. Pwede kaya akong bumale? Kaso nakakahiya mahigit isang linggo palang ako. Manghiram nalang kaya ako kay Anna? Kaso gagastos din sya ngayon eh.Bahala na nga.
"Hi Manong " bati ko ng makarating ako. Ngumiti sya sakin at tumango.
Bumiretso ako sa locker at nagbihis, nakasalubong ko naman si Manager na kadadating lang.
"Hi po " inirapan nya lang ako at tumuloy na sa loob, mukang badshot pa din ako sa kanya.
Naglinis kami ni Cj ng resto dahil kami palang ang tao. Wala pa ang iba, maaga pa kasi.
"Anong oras kayo nakauwi kanina?" Tanong ko kay Cj habang nag aayos ng upuan.
"Mag 4 am na din. " grabe ang haba ng oras ng pinasok nila.
"Miss Hernandez, come here" nagulat ako ng may tumawag sakin, paglingon ko si Sir Tyron pala, gulo gulo ang buhok nya, pero gwapo pa din.
Dito ba sya natulog? Iyon pa din kasi ang damit nya. Natulala pa ako ng ilang segundo bago sumunod sa kanya.
Pumasok ako sa opisina nya at nakita kong nakahiga sya sa couch.
"Yes Sir?"
"Dalhan mo ako ng pagkain at black coffee" muka ngang dito sya natulog. Teka ngayon lang sya nagising?
"Bago ka pa lang po kakain?" Di makapaniwalang sabi ko, nagmulat sya ng mata at tinignan ako. Hala! Nag iwas ako ng tingin.
"Sorry Sir, kukuha na po ako" pumihit na ako at lumabas ng opisina. Ang gwapo nya talaga, kahit na bagong gising mukang sasalang sya sa isang pictorial. Iba talaga pag mayaman.
Dahil sa hindi ko alam ang kukunin na pagkain, ilang potahe ang dinala ko na kakaluto lang ng chef, ok na ito para makabawi sya ng kain dahil hindi sya ng umagahan at tanghalian. Matapos kong magkanaw ng kape ay dinala ko na ito sa opisina ni Sir.
Kumatok muna ako, ilalapag ko na sana yung dala para buksan yung pinto, kaso bumakas na ito at nakita ko si Sir Tyron na nakahawak doon. Gumilid sya para makapasok ako, kaya pumasok na ako. Inilapag ko isa isa yung pagkain sa table nya.
"Bakit ang dami?" tanong nya, ngumiti ako at mejo nahiya.
"Ano kasi Sir, hindi ko natanong ang gusto nyo, tsaka ayos po yan para makabawi kayo ng kain" nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin, tinitigan ko naman ang malalim nyang mata, at ganun na naman ang pakiramdam ko para akong nanghihina. nag iwas sya ng tingin sakin.
"Sit" nalito ako sa sinabi nya, ako ba ang pinapaupo nya? hindi naman kasi sya sakin nakatingin. Hindi ako bumago at nakatayo pa din.
"I said sit " ulit nya sa sinabi nya this time eh tumingin na sya sakin. Umupo naman ako nagtataka pa din kung para saan, papanuorin ko ba syang kumain?
Tumayo sya tsaka pumunta sa pintuan, nalilito naman akong sinundan sya ng tingin.
"Can you get me spoon and fork" sabi nya sa labas ng pinto, tumingin naman ako sa mesa, may tinidok at kutsara naman ah.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?