chapter 15

44 0 0
                                    

Janine's pov

Abala ako sa pagpapaphoto copy ng mga next lessons namin, buti nalang at 50 centimo ang isa kaya mura lang ang magagastos ko kesa bibili pa ako ng libro. Matapos magpaphoto copy ay tumaas na ako para ibalik ang libro sa library.

"Thank you" sabi ko sa babaeng estudyante na assistant ng librarian. Ngumiti sya at tinanggap sakin ang libro , kinuha ko ang iD ko at tumalikod na para umalis.

Saktong paglabas ko ng library ay may pumasok kaya nagkabungguan kami. Kumaalat ang mga phinaphotocopy ko sa sahig.

"Sorry" sabi ng lalaki, tinignan ko sya at tumango, Tsaka ako yumuko para damputin ang mga papel , yumuko din sya para tulungan akong pulutin ito.

Ibinigay nya sakin ang mga nakuha nya, kinuha ko iyon at pinagsamasama. Ngayon kaylangan ko ulit itong pagsunod sunurin, bakit kasi wala ng bala yung stapler kaya hindi ko ito naistapler kanina. Tsk!

"Sorry talaga miss" ulit ng lalaki.

"Ok lang , sige alis na ako" sabi ko at tumalikod na.

Buti nalang at wala na akong klase ngayon kaya maaayos ko ito . May stapler kaya si Anna sa bahay?

"Teka miss!" Habol sakin ng lalaki, humarap ako sa kanya at inantay syang makalapit. lakad takbo syangg lumapit sakin.

"Bakit?" Tumingin sya sakin tapos ay sa mga papel na hawak ko.

"Ako na, tutulungan kitang ayusin ito" sabi nya at kinuha sakin ang mga papel.

"Ha? Hindi na kaya ko na" sabay agaw ko pero nilayo nya lang ito. Ngumiti sya sakin .

"Nah uhh! Kasalanan ko kaya halika na tutulungan kita para makabawi ako sayo, " nagsimula na syang maglakad ako naman ay sumunod sa kanya.

"Seryoso,ok lang talaga, kaya ko na yan, Tsaka baka may kalse ka" ngumiti lang sya sakin at hindi sumagot, nagtuloy tuloy sya paglalakad kaya ako ay walang nagawa kundi sumunod sa kanya.

Nakalabas na kami ng building at ako ay nakasunod pa rin sa kanya, may mga bumabati sa kanya sa daan karamihan ay mga babae, nginingitian nya ang mga babae at ang ibang lalaki ay tinatanguan o kaya nama'y nakikipag kamay. Mukang kilala sya dito sa university.

Nagpalinga linga sya at nang makakita ng bench ay inaya nya ako doon, sumunod nalang ako sa kanya.

"Buti at hindi masyadong malakas ang hangin, maayos natin ito agad" sabi nya ng makaupo, umupo ako sa tapat nya at kinuha ang kalahati ng papel sa kanya.

"Oo nga, hmm sigurado kang wala kang klase ha" ngumiti sya sakin at tumango.

"By the way i'm Gino, second year college.,ikaw?" Sabay lahad nya ng kamay nya, tinanggap ko iyon at nagsalita.

"Janine, first year college" binitawan ko ang kamay nya at tsaka ngumiti. Muka naman syang mabait eh.

Nagimula na kaming mag ayos ng mga papel, sya naman ay nagkwewkento at nagtatanong sakin. Nalaman ko na basketball player pala ng university kaya pala kilala sya dito, siguro ay magaling sya. Gwapo sya, very manly ang facial features nya, hindi naman sya kaputian , magkasing puti lang ata kami, at ang nakataas nyang buhok ay nakakadagdag dating sa kanya.

"May dumi ba ako sa muka?" Natatawang sabi nya, feeling ko ay umakyat lahat ng dugo sa muka ko. Nakakahiya nahuli nya akong tinititigan ang muka nya.

"Sorry" nahihiyang sabi ko, humalakhak sya kaya napatingin ako sa kanya.

"It's ok" ngumiti lang ako at tinuloy na ang pag aayos.

Nang matapos ay nagpasalamat ako sa kanya, binilinan nya ako sa istapler ko daw para hindi na kumalat. Tumawa ako at tumango sa kanya. Kumaway ako tsaka umalis.

Pagkadating sa bahay ay naligo muna ako bago pumasok sa trabaho. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Tyron , mula nung party ay hindi pa sya nagpupunta dito sa resto bar, tinanong ko si Miya ang sabi nya ay pag may pasok ay madalang lang talaga si Tyron kung pumunta sa resto. Akala ko pa naman ay may problema sya ulit yun pala ay ganun lang talaga sya.

"bakit namimiss mo?" Pang asar sakin ni Miya sumimangot ako at umiling sa kanya. Bakit ko naman mamimiss iyon? Nagtataka lang naman ako, pero ngayon alam ko na eh hindi ko na sya hahanapin.

"Asus! Deny pa!" Umiling nalang ako kay Miya na nang aasar at nag ayos na ng sarili.

Nang magbukas ang restobar ay isa isang nagdatingan ang mga tao, kami naman ay agad na dumalo doon para kunin ang orders. Nang lumalim ang gabi ay lasing na halos halat ng tao .

"Hi Janine!" Nakangiting bati ni Charles ,kasama nya si Migs sa counter. Bago ito ah wala sila sa table ah.

"Uy, bago ko lang ulit kayo nakita" nakangiting sabi ko habang may dalang tray.

"Sumaglit lang kami pampawala ng stress" sabi ni Charles. Natawa naman si Migs . Mukang may hinahanap si Charles kanina pa kasi sya lumilingon lingon.

"Naiistress ka pala? " pabirong sabi ko, nagsmirked sya sakin habang si mIgs ay natatawa.

"Syempre gwapo eh, nakakaistress ang mga babaeng naghahabol sakin" mayabang na sabi nya.

"Pwera sa isa!" Makahulugang sabi ni Migs. Sinamaan sya ng tingin ni Charles tsaka nilagok ang alak.

"Janine! Patulong naman" sabi ni Miya na lumapit samin, kinuha ko sa kanya ang orders . Napatingin sya kay Charles na nakatingin din sa kanya, inirapan ito ni Miya tsaka bumaling sakin.

"Salamat, table 4 yan" tumango ako then umalis na sya. Napatingin ako kay Charles na padabog inagok yung alak nya. Si Migs naman ay tawa ng tawa.

Nagpaalam ako sa kanila na dadalhin ang orders tumango lang sila at umalis na ako.

Nandoon lang sila Migs at Charles sa counter nagkwekwentuhan habang umiinom. Bakit kaya hindi nila kasama si Tyron? O baka naman kasama nila? Nasa office siguro.

Nang mapunta ako sa kusina ay sumusulyap ako sa opisina ni Tyron , gusto kong kumatok para malaman kung nandyan sya, kaso paano pag nandoon nga sya? Anong sasabihin ko? Pinilig ko ang ulo ko para matigil sa mga iniisip ko.

Pagdating ko sa labas ay nagkakagulo, may grupo ng mga lalaki na kaaway ang dalawang lalaki. Lumapit ako dahil parang kilala ko ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mata ko nakita ko sila, si Migs at Charles iyon kasama si Miya . Hawak hawak sya ni Charles sa braso at inilalayo sa grupo ng lalaki. Napasigaw kami ng suntukin si Charles nung lalaking kaharap nya. Agad na umawat si Migs at ang grupo nung lalaki.

padabog na umalis ang lalaki kasama ng mga kasamahan nya, si Miya naman ay itinatayo si Charles. Nang makatayo ay hinatak sya ni Charles palabas ng Resto. Agad akong sumunod pero pinigilan ako ni Migs.

"Anong nangyare? Saan dadalhin ni Charles si Miya?" nag aalalang tanong ko,Ngumiti si Migs sakin.

"Mag uusap lang sila, don't worry" tumingin lang ako sa pintuan ng bar kahit na wala na sila at nakalabas na. Ano ba ang meron sa dalawang iyon?

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon