Tyron's pov
Agad kong sinundan si Janine ng lumabas sya ng bahay. Grabe ang kaba at takot ko, siguradong hindi nya papakinggan ang paliwanag ko lalo na't hindi nya mismo sakin nalaman yun. This can't be, ayokong mawala sya sakin dahil mahal na mahal ko sya.
"Janine! Wait please" sigaw ko para patigilin sya pero hindi nya ako pinakinggan, tuloy tuloy lang sya pagtakbo.
"Tyron! Let her leave! Tapos na tayo sa kanya" sabi ni Mom .
"Shut up! " naiinis na sabi ko, halatang nagulat sya sa pagsagot ko sa kanya ng ganun. Pero nagagalit ako sa kanya ngayon dahil sa mga sinabi nya kay Janine, sana kasi kinausap na muna nya ako bago sya sinabi ang mga yun!
"Tyron! Come back here!" Sigaw nya ng tumakbo na ako palabas.
I need to talk to her, i need to explain everything. Eto na nga ang kinakatakutan ko, ang panahon na malaman nya ang lahat ng ito. Sana pala sinabi ko na sa kanya bago pa nangyare ito.
Nanlumo ako ng hindi ko nahabol ang taxi na sinasakyan nya. Agad akong ng drive papaunta sa bahay nila ni Anna, sana dito sya dumiretso. Agad akong bumaba ng sasakyan.
"Janine! " sigaw ko mula dito sa gate, pero walang sumagot.
"Janine please! Let's talk!" Makalipas ang ilang pagtawag si Anna ang lumabas, tila kakagising lang.
"Anong problema Tyron? Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" Sabi nya habang binubuksan ang gate. Pumasok naman ako at mabilis na tinungo ang pinto at binuksan iyon.
"Janine! " tawag ko at tinungo ang kwarto. Si Anna ay nakasunod lang sakin.
"Ano bang nangyayare ha? Akala ko kasama mo si Janine?" Tuloy pa din ako paghagilap kay Janine habang nakasunod si Anna.
"Asan ba sya Anna? Sabihin mo na sakin, kaylangan ko sya makausap" naiinis na sabi ko. Hindi ako naniniwala na hindi nya alam kung nasan si Janine.
"Ano bang sinsabi mo? Hindi ko alam kung nasan sya , hindi pa sya umuuwi" diretsong sabi nya. Nakuyom ko ang kamao ko. Ugh!
Sinuntok ko ang pader dahilan para magulat si Anna.
"Alam kong alam mo kung nasan sya kaya sabihin mo na please!" Napahilamos ng muka si Anna sa inis nya sakin.
"Alam mo kinakabahan na ko sa inaakto mo ha, ano ba kasing nangyare? At pwede ba, hindi ko nga sabi alam kung nasan sya kakagising ko lang" nakasigaw na sabi nya. Nasuklay ko ang buhok ko dahil sa frustration. San pa sya pwedeng pumunta? Sa resto?
Hindi ko na sinagot si Anna at tumakbo na agad ako sa sasakyan.
"Hoy Tyron! Sagutin mo ako!"
Mabilis kong pinaharurot ang sasaknya papuntang resto. pero wala akong nakitang Janine doon ni bakas nya wala. Tinanong ko si Miya pero nagtataka lang rin sya sa nangyayare.
Nagdrive ako ng nagdrive nagbabakasali na makita ko sya sa daan, halos hating gabi na ay hindi ko pa din alam kung nasan sya, bumalik din ako sa bahay nil ni Anna pero wla pa din doon si Janine. Saan ko pa ba sya hahanapin?
Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay hindi rin naman ako nakatulog kaya maaga akong nagising. Kaylangan ko talaga syang makausap para maliwanagan sya sa nangyayare.
Yes, totoo yung plano na sinasabi ni Mom, pero that was may plan nung hindi ko pa nakikilala si Janine. But heck! Hindi ko na yun tinuloy dahil talagang nagkagusto at mahal ko sya.
Kilala ko si Janine sa muka dahil sinama ako ni Mom noon sa probinsya nila dahil nga sabi nya na may babae daw si Dad doon. Hindi ako naniwala dahil idol ko si Dad, he's a good father kaya parang imposible ang sinasaabi ni Mom,pero nung makita ko syang umiiyak ilang gabi na, nagpasya ako na sumama sa kanya para makita ko kung totoo nga.
Nang makarating kami doon ay saktong lumabas sa isang hindi kalakinghang bahay si Dad kasama ang isang babae hinalikan pa ni Dad ang babae sa pisngi na tila naglalambing tapos ay biglang sumulpot ang isang babae na nakabagpack at nagmano kay Dad. Nakuyom ko ang kamao ko. So, totoo nga may babae si Dad.
Susugurin sana sila ni Mom, pero pinigilan ko sya at niyaya nalang syang umuwi. Mula noon ay hindi na kami masyadong nagkakausap ni Dad. Madalang din naman kasi syang umuwi tapos kung umuwi pa ay wala silang ginawa ni Mom kundi mag away. Gabi gabi naririnIg kong umiiyak si Mom, that's why i hate my Dad.
Pati pag aaral ko naapektuhan dahil nga sa nangyayare sa pamilya, dapat ay first honor ako nung highschool pero napabayaan ko ito kaya napunta ako sa third. But it's ok to me, ang mahalaga ay kumpleto ang pamikya ko sa araw ng graduation ko but may Dad didn't came. After that naging malayo na ang loob ko sa kanya.
Years pass akala ko tuluyan ng mawawasak ang pamilya namin pero nung kinasal si Kuya ay nabuo itong muli. Pero hindi na ganung kasaya si Mom , hindi matigil ang paghihinala nya kay Dad.
Bago pa makabalik samin si Dad ay pinakiusapan na ako ni Mom na maghiganti sa pamilyang iyon, winasak nila ang pamilya namin, araw araw umiiyak si Mom kaya napapayag nya ako dahil galit din ako sa nangyare sa pamilya namin.
Yes tinanggap ko sya sa trabaho para maisagawa ang plano, tinawagan ko noon si Mom at sinabi kong nagtratarabaho doon ang anak ng babae ni Dad. Then she said na saktan ko ang babae at paibigin. But nung makilala ko si Janine, nalaman ko ang ugali at pingadaanan nya ,nahirapan ako para kasing mali ang ginagawa ko. Umiwas pa ako sa kanya , nilibang ko ang sarili ko sa ibang babae pero hindi ko na sya maalis sa sistema ko lagi ko syang naiisip at lagi kong gustong titigan ang muka nyang maamo at inosente.
Hanggang sa nakalimutan ko na ang tungkol sa plano, ginagawa ko ang lahat mapalapit sa kanya dahil gusto ko, dahil masaya ako , dahil mahal ko sya. Totoo lahat ng pinakita ko sa kanya, lahat ng pinaramdam ko sa kanya totoo, dahil mahal na mahal ko sya.
"Hey" natigil ako pag iisip ng may tumapik ng balikat ko, nandito ako sa resto at nag iinom.
"What?!" Naiinis na sabi ko. Hindi ko pa din makita si Janine. Ialng oras ako sa university na pinapasukan nya pero walang dumating na Janine. Asan na ba sya? Nag aalala na ako ng sobra.
"What's the matter?" Tanong ni Migs at umupo sa tapat ko. Hindi pa nila alam ang nagyayare samin ni Janine.
"Alam na nya" sabi ko lang.
"Ang ano? At sino?" Naguguluhang tanong nya.
"Janine" nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Alam kong nagets na nya.
"What?! Paano? Sinabi mo na?" Umiling naman ako.
"Bumalik na sila at saktong nasa bahay kami at nagkrus ang landas nilang tatlo" sabi ko at lumagok ng alak.
"Oh shit! Where's Janine?" Napapikit ako, yun na nga, asan ba sya? Mababaliw na ako kakaisip sa kanya.
"I don't know, hindi ko sya nahabol ng iniwan nya ako sa bahay. Now, pati sina Anna walang balita sa kanya" nasabunutan ko ang buhok dahil sa frustration.
"Are you sure na wala silang alam? Baka tinatago lang nila sya sayo dahil ayaw kang harapin ni Janine" napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun. naisip ko na din yan kaya nga kinukulit ko sya pero ayaw talaga nilang sabihin.
May naisip na ako.
"hey, saan ka pupunta?" Tanong ni Migs ng tumayo ako at pumunta sa kusina. Naramdaman ko namang sumunod sya sakin.
"Miya!" Tumingin sakin si Miya at kumunot ang noo.
"Bakit Sir?"
"Alam kong alam mo na hindi pa din umuuwi si Janine, but please kahit kalagayan nya lang sabihin nyo naman sakin, mababaliw na ako pag iisip kung ok lang ba sya o ano." Nagulat si Miya sa sinabi ko pero mayamaya ay nalungkot ang muka at tumungo.
"Pasensya na Tyron, pero ang alam ko lang ay hindi pa din sya umuuwi, pero tatanungin ko ulit si Anna at sasabihan kita" nakahinga ako kaunti sa sinabi nya tumango ako at nagsign sya na maghintay. Kaya sumandal ako sa pader habang tinatawagan ni Miya si Anna. Kami ni Migs ay nakatingin lang sa kanya.
Napaayos ako ng tayo ng bumalik na si Miya.
"Anong sabi?" Bungad ko agad sa kanya.
"Sabi nya ay ok lang naman daw si Janine, yun nga lang ayaw daw nito sabihin kung nasan sya. "napabuntong hininga ako , feeling ko ay kahit paano nabawasan ang pag aalala ko.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?