Tyron's pov
Kagaya ng napag usapan namin ni Migs bigyan ko daw muna ng panahon si Janine, siguro ay nag iisip isip daw sya at nagpapalipas ng galit . Sinunod ko ang sinabi nya dahil parang gusto na din bumigay ng katawan ko dahil sa ilang araw na walang tulog at walAng tamang kain.
Ngayon isang linggo na kaming hindi nagkikita, miss na miss ko na sya. Kahit na tumigil ako paghahanap sa kanya ay nakikibalita pa din naman ako kay Anna at Miya. Minsan ay sina Charles at Migs ang nakikibalita at sinasabi nalang sakin. Hindi pa din ako makatulog ng ayos dahil namimiss ko na talaga sya, tuwing pipikit ako ay muka nya ang nakikita ko.
Asan ka na ba Janine? Miss na miss na kita.
"Tyron, malapit na kaming bumalik ulit ng Dad mo sa Amerika pero ngayon ka lang ulit nagpakita?!" Sabi ni Mom ng makita nya akong umuwi sa bahay ko, sa condo kasi ako ng stay dahil ayoko silang makita dahil sa kanya nagkahiwalay kami ni Janine.
"Simple, kasi ayoko kayong makita" diretsong sabi ko na ikinagulat ni Mom. Nitong nakaraang mga araw ay naalala ko ang mga sinabi ni Janine nung nagkaharap sila ni Mom. May nabubuo akong conclusion pero parang ang sakit kung totoo man ang naiisip ko.
"Anong bang nangyayare sayo? Dahil ba sa walang kwentang babaeng iyon ha?" Nagpantig ang tenga ko sa tinawag nya kay Janine.
"Don't you dare call her like that. Mahal ko si Janine Mom" nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko, umakyat ako ng hagdan st sinundan nya ako.
"Ano bang sinasabi mo? Baka naman naawa kalang sa kanya, come on son! Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa ng malandi nyang ina satin, at sinisugurado ko sayo malandi rin ang ba...."
"SHUT UP!" umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay, naramdan kong lumabas na ng kwarto si Dad at nakita kami ni Mom.
"Ano bang nagyayare sa inyo?" Hindi ko pinansin ang tanong nya. Sa halip ay sinagot ko si Mom.
"hindi sya ganoong babae! Matino sya, mabait at simple. Hindi mo sya kilala kaya wag na wag mo syang huhusgahan. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa plano mo, nag sisisi ako dahil ginawa ko iyon dahil doon sobrang nasasaktan ang babaeng mahal ko!" Galit ako kay Mom at pati na rin sa sarili ko.
"Naghiganti lang tayo Tyron, tayo ang unang nasaktan bumabawi lang tayo sa sakit na binigay nila satin! "
"Mom, maghiganti? Di ba parang tayo dapat ang paghigantihan nya dahil sa ginawa mo sa Mama nya?!" Namutla si Mom dahil sa sinabi ko. Tila tama nga ang hinala ko. Naalala ko kasi nuon na nanginginig syang umuwi sa bahay nung nanggaling sya sa probinsya.
Ilang araw din syang tulala at para laging nagmamasid sa darating sa bahay namin. Akal ko nga ay mababaliw sya ng mga panahon na yun. Naalala ko na sabi ni Janine ay hindi aksidente ang pagkamatay ng Mama nya, nakita nya ang buong pangyayare.
"Ano bang s-sinabi mo? " kinakabahang tanong nya.
"Ikaw ba ang pumatay sa Mama ni Janine?" Nanlaki ang mata nya sakin. Lumapit na samin si Dad at tinignan si Mom.
"How dare you accusing me like that? I'm your mom!" Galit na sigaw nya.
"Pagnalaman ko ang totoo hinding hindi ako magdadalawang isip na iwanan kayo, ipaglalaban ko si Janine kahit anong mangyare. Kahit pa itakwil nyo ako." Diretsong sabi ko at pumasok na ng kwarto.
Napahilot ako sa sentido ko ng makapasok ako. Kaya ko ito, i'll do everything tanggapin lang ulit ako ni Janine sa buhay nya.
Habang nagshasahower ako ay may biglang tumakbo sa isip ko. Ang lahat ng bagay ay may dahilan, bakit ba hindi ko naisip na posibleng may dahilan si Dad kung bakit nya pinagpalit si Mom. Na kay Dad ba ang diperensya o nakay Mom? Kung totoong si Mom nga ang pumatay sa Mama ni Janine, hindi na ako magtataka kung bakit ipinagpalit sya ni Dad. Mukang nakay Mom ang diperesya kung bakit nangbabae si Dad. I know that Dad is a good man, may rason kung bakit nya iyon ginawa.
Matapos magshower ay nakatulog ako. Nagising nalang ako nang may marinig na kalabog. Agad akong bumangon, agad kong narinig ang boses ni Mom na sumisigaw. Tumapat ako sa pinto ng kwarto nila at balak ko na silang awatin dahil alam kong nag aaway sila ni Dad pero nabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi ni Mom.
"Oo, ako ang pumatay kay Jana! Sinagasaan ko sya, dahil malandi sya, mang aagaw ng asa.." hindi na natapos ni Mom ang sinabsabi nya dahil nakarinig ako ng isang sampal.
"Napakasama mo! Paano mo nagawang kumitil ng buhay? Bakit?! Sino bang may kasalanan kung bakit kita pinagpalit kay Jana, di ba ikaw? Dahil kahit kaylan hindi mo ibinigay sakin ang pagmamahal mo, samantalang ako minahal kita ng sobra. Kay Jana ko naramdaman lahat ng gusto kong maramdaman mula sayo. Ang hirap kasi sayo masyado kang makasarili!" Narinig ko ang hagulgol ni Mom. Gusto kong pumasok pero kaylangan din nilang mag usap na dalawa.
"She's a good person, malayong malayo sayo, pero ano ikaw pa din ang mahal ko, sayo pa din ang balik ko. Hindi pa ba sapat yun? Bakit kaylangan mo pang gawin ang bagay na yun?! Napakasama mo! "
"I'm sorry Fernan, please! Sorry,wag mo kong iwan please! " napapikit ako sa narinig ko.
Umalis na ako at nagpunta sa resto. Tingin ko ay hindi na naman ako mapapalagay nito, matapos ang mga nalaman ko. Ang gulo gulo na ng isip ko. Pagod na akong mag isip. Ang gusto ko nalang ay makita si Janine. Pero hanggang ngayon wala pa din sya.
"Hey dude! Di ka nagyaya ah" sabi ni Charles ng makita nila ako dito sa resto, nkanina pa ako nag iinom dito sarado palang nandito na ako.
"Whoah! Nakakarami kana ah, tama na yan" sabi naman ni Migs. Inilayo ko ang boteng dapat ay aagawin nya.
"Pabayaan mo ako, anong balita kay Janine? Nakabalik na ba sya?" Agad nagtinginan yung dalawa tapos ay umiling. Natawa nalang ako pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko.
"Baka naman wala na syang balak bumalik, ni hindi man lang ako pinag explain." Natatawang sabi ko pero may lumalabas ng luha na mata ko. Fuck!
"Babalik din yon, maghintay ka pa"
Tumungo ako at tahimik ng umiyak, fuck! Ayaw kasi tumigil pagpatak ang luha ko. Damn!
Miss na miss ko na sya, gusto ko na syang yakapin. Gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong makita ulit ang mga tawa nya. Ang pamumula ng mga pisngi nya.
Please Janine! Come back! Mababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?