chapter 26

56 0 0
                                    


dahil kakabunot ko lang ng kilay, mag aupdate ako! Hahaha enjoy guys!


Janine's pov

Sa mga sumunod na araw ay naging ok naman , mejo naging busy lang si Tyron sa pag aaral kaya hindi kami nagkakasama ng matagal. Naihahatid at nasusundo nya lang ako. umaangal nga ako dahil ang dating ay naging driver ko na sya, kaso ayaw nyang pumayag na hindi ako maihatid.

Nitong nakaraang mga araw din ay may laging nakamasid saking lalaki sa resto. laging ako ang pinapagserve nya at lagi nya akong kinakausap pero iniiwasan ko iyon dahil tingin ko ay hindi maganda kung kakausapin ko sya.

"Ang dami na namang tao" reklamo ni Miya, natawa nalang ako sa kanya. Si Miya at Charles ay sobrang sweet, tingin ko ay sila na nga, ayaw pa kasi magkwento ni Miya sakin.

Nagpunta na sya sa mga customer para kumuha ng order. Nagpunta naman ako ng counter.

"Hi" nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko, pagtingin ko ay yung lalaki na naman na laging nakatingin sakin.

Ngumiti lang ako ng konti dahil customer pa din sya at kaylangan pakitaan ng maganda kahit na ayoko. Aalis na sana ako kaso ay humarang sya.

"Wait, dito ka na muna samahan mo muna ako, babayaran ko ang oras mo" sabi nya nakapagpainis sakin. Hindi ako isang bayarang babae.

"Sorry Sir, pero hindi po ako nagpapatable. Hindi rin po pwede yan dito" malumanay na sabi ko. Pero parang wala syang narinig at ngumisi lang.

"Oh come on, wag ka nang maarte" sabi pa nya at tangkang hahawakan ako pero umilag ako. Kinakabahan ako oo, pero mas naaaig sakin ang inis .

"Excuse me Sir, may trabaho pa po ako" sabi ko at umalis na, buti at hindi na nya ako pinigilan.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng order tapos ay dinala ko sa table 4. Nakasalubong ko si Cj at mataman akong tinignan.

"Mag ingat ka sa lalaking iyon, kaylan ko pa napapansin na lagi syang nakatingin sayo" sabi ni Cj habang nakatingin doon sa lalaki kaya napatingin ako doon. Pero sabay din kaming nag iwas ng tingin ni Cj nang makitang babaling ng tingin sa pwesto ko yung lalaki.

"Salamat Cj, tatandaan ko iyan" sabi ko nalang kahit na alam ko naman na iyon. Ngumiti ako at umalis na.

Naging busy ako hanggang matapos ang shift ko, buti nalang at hindi na din ako kinulit ulit nung lalaki, nakuntento na sya sa pagtingin tingin sakin. Pero sana ay tinigilan na nya ako. Dahil talagang kinikilabutan ako sa presensya nya.

Paglabas ko ng resto ay imbis na si Tyron ang makita ko ay si Migs ang nandoon. Ngumiti sya ng makita ako at kumaway.

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit hindi ka sa loob" Sabi ko ng makalapit ako.

"I'm here kasi sinusundo kita" napakunot ang noo ko sa sinabi nya, bakit sya? Asan si Tyron?

"Bakit ? Nasan si Tyron?" Natawa naman sya sakin.

"Pagtyagaan mo muna ako ngayon, kasi hindi ka masusundo ni Tyron dahil knock down na" natatawang sabi nya, napakunot tuloy lalo ang noo ko.

"Huh?"

"Busy sa thesis eh, kaya wala masyadong tulog" sabi lang nya, kaya tumango ako. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman ako.

Umalis na din kami at tahimik lang ako sa byahe.

"Kamusta kayo ni Tyron? Kayo na ba?" Seryosong tanong nya habang ang tingin ay nasa daan.

"Ang totoo ay hindi ko alam, naguguluhan din ako sa relasyon namin" kung umasta kasi kami ay parang kami na pero hindi naman namin dineclare na kami na nga talaga. Kung baga wala kaming label.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon