After this update, isang chapter nalang at tapos na sya. Hihihi ang galing lang, di ko akalain na magiging maganda yung feedbacks ng story na ito. Thank you sa support. Enjoy guys! Saranghae!
Janine's pov
Nagkwekwentuhan kami dito ni Tyron sa garden nila habang inaantay ang parents nya. Sa totoo lang ay hindi pa din ako napapalagay mejo maayos na ang pakikitungo sakin ng Mom ni Tyron pero gusto ko pa din sya makausap para maayos na talaga namin ito. Alam ko namang hindi agad agad iyon kaya Naiintindihan ko sya , ang gusto ko lang ay makasigurado na magkakaayos kami.
Natigil na kami pag uusap ni Tyron ng makita naming papalapit na ang parents nya. Kinakabahn na naman ako, nakakaindimidate kasi talaga ang Mom nya.
"Mukang nag eenjoy kayo ng kwentuhan ah , sali naman kami" parang batang sabi ng Dad ni Tyron, napangiti naman si Tyron ako naman ay nahiya baka kasi sabihin nya yung tungkol sa kasal.
"Sure Dad, i'd love to share to you what we're talking" pilyong sabi ni Tyron, ayan na nga sinasabi ko eh.
"Uy! Tumigil ka nga" bulong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at ngumiti lang. Aish!
Nawala nnaman ang simangot ko ng makitang nakatingin ang Mama ni Tyron sakin. Napalunok tuloy ako.
"Magkwentuhan na muna kayo, Tyron hihiramin ko muna si Janine" biglang sabi ni Mom nya kaya naman nagulat ako kahit sina Tyron ay natigilan din.
Tumingin sakin si Tyron na parang tinatanong kung ok lang sakin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
"Ok Mom, just don't pull her hair nor slapped her ok?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tyron.
"Tyron!" Saway ko sa kanya, tumingin sya sakin at kumindat habang nakangiti.
"I was just joking" sabi nya ng natatawa. Tumawa din naman ang Mom nya tapos ay umiling. Sumenyas lang ang Mom nya na aalis kaya naman sumunod na ako.
Hindi naman kami nagpakalayo, nandito lang kami sa gilid ng pool tanaw pa din naman si Tyron at ang Dad nya. Ilang segundo na ay hindi pa din nagsasalita ang Mom ni Tyron.
"Do you really love my son? " nagulat ako ng magsalita na sya at iyon agad ang sinabi nya. Nakatingin lang sa pool kaya napatingin din ako doon.
"Opo, kahit na nalaman ko ang totoo hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya, tapos nung nagkaayos kami at nalaman ko na mahal nya talaga ako ay lalo ko lang syang minahal. " nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sya sakin pero diretso lang ang tingin ko sa pool.
"I'd love my son so much, kaya kung saan sya masaya i'll support him, they are mylife hindi ko kakayanin na mawala sila sa akin." this time ay napatingin na ako sa kanya nakatingin sya kina Tyron. Nababakas ang lungkot sa mga mata nya.
"I know this is too late but gusto ko pa din sabihin, i'm really sorry for what i've done to you and to your mother. Masyado lang akong nabulag ng galit kaya ko nagawa iyon,sana hindi pa huli ang lahat para mabago ang tingin mo sakin" ngumiti ako sa kanya.
"Ang totoo ay napatawad ko na po kayo, biktima lang naman po tayo ng tadhana kaya ganito ang nangyare. Kaya sana po makapagsimula tayo ng bago" sabay abot ko ng kamay sa kanya. Nakatingin sya doon at parang nagtataka. Ang lakas ng loob ko dahil nawala na ang nakakintimidate na tingin nya at napalitan ng lungkot.
"Janine Hernandez po Girlfriend ni Tyron" nakangiting sabi ko sa kanya. Kinuha naman nya ang kamay ko.
"Stella Delos Santos, your future mother in law" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya tapos ay biglang uminit ang muka ko. Aish! Nagulat ako ng tumawa sya kaya naman napatingin samin sina Tyron na nagtataka.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?