Janine's pov
Hirap na hirap akong bumangon kinabukasan. Maaga kasi ang pasok ko ngayon at hindi ako makatulog kagabi kaya antok na antok ako.
Sa unang dalawang suject ay wala akong masyadong naintindihan dahil pumipikit talaga ang mata ko. Kaya pagdating ng break time ay imbis na kumain ay nagpasya akong umidlip muna.
"Ok na siguro dito" sabi ko tsaka umupo sa bench na nasa ilalim ng puno, tumungo ako at umidlip.
Nagising ako ng makaamoy ng pagkain, nagugutom na pala ako. bumangon ako at nilingon ang pinaggagalingan ng amoy.
"Gising kana pala" nakangiting sabi ni Gino.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko habang nag aayos ng buhok. Umiling naman sya.
"Hindi naman, mga 20 mins palang" napakunot ang noo ko sa sinabi nya, tinignan ko ang relo ko at nakitang 20 mins akong nakaidlip. So nandyan lang sya habang natutulog ako?
"Oh, kain na alam kong hindi ka pa kumakain" sabay abot nya ng burger at isang juice.
"Salamat" nakangiting sabi ko. Kumain na ako at ganun din sya.
"Mukang pagod ka ah" tumango naman ako.
"Daming customer kagabi eh" sabi ko nalang pero ang totoo ay hindi lang naman talaga ako nakatulog dahil sa nangyare.
"May pasok ka ulit mamaya?" Tumango naman ako.
"Bakit hindi ka nalang humanap ng ibang trabaho? " nanliit naman ang mata ko sa sinabi nya. Napasin nya ata kaya nagsalita ulit sya.
"Don't get me wrong, hindi naman sa iba ang tingin ko sayo sa trabaho mo , ang iniisip ko lang ay delikado doon dahil laging mga lasing ang kaharap mo"
"Ah, ok lang naman sakin wala pa namang nangyayare masama kaya don't worry" tumaas ang kilay nya sa sagot ko
"So iintayin mo pang may mangyare sayong masama?"
"Hindi naman sa ganun, ok naman ako sa trabaho ko, mababait nga sila at tsaka ngayon lang naman ako nagkaganito dahil siguro sa pagod " in the end ay sumuko na rin si Gino pagpipilit sakin na maghanap ng ibang trabaho.
Hindi ko namalayan ang oras nakita ko nalang na tapos na ang next subject ko at hindi ko iyon napasukan. Tawa ng tawa si Gino dahil sa nangyare naiinis tuloy ako at nahampas ko sya. Hindi na nga ako nakapasok tinawanan pa ako. Nagpaalam na ako kay Gino dahil baka hindi na naman ako makapasok sa next class ko dahil sa kadaldalan nya. Matapos ang klase ko ay umalis na ako ng room. Nang makarating ako sa gate ay nagkakagulo na naman ang mga kababaihan.
Siguro ay nandyan na naman si Migs. Isip ko dahil ganyan sila ng dumating iyon dito. kaya naman pumunta din ako doon para makita sya. Pero nanlaki ang mata ko ng si Tyron ang makita ko doon. Nakasaldal sya sa kotse nya at nakapamulsa, hindi katulad ni Migs na nakangiti sa mga tao , sya ay nakasimangot,tila ba inip na inip. Nakita nya ako at umayos sya ng tayo.
"Ang tagal mo" seryosong sabi nya, tinignan ko lang sya at hindi nagsalita. Ano bang ginagawa nito dito?
"Let's go?" Sabi nya sabay hinawakan ang kamay ko at hinatak sa kotse nya, nakaramdam ako ng kuryente sa hawak nya.
Ang mga tao ay masama ang tingin sakin yung iba naman ay hindi ako pinanapsin at kay Tyron lang nakatingin.
"Ano bang ginagawa mo? Tsaka san tayo pupunta?" Tanong ko ng makapasok sa kotse nya. Tinignan nya ako sa mata ng ilang segundo bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?