Janine's pov
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Hala tinanghali ako ng gising. Ugh! Ang sakit ng ulo ko ah, konti lang naman nainom ko kagabi ah.
Babangon na sana ako ng maramdamang may nakayakap sa bewang ko, agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Tyron na namahimbing ang tulog. Napangiti ako ng makita sya, matitigan ang muka nya, grabe ang gwapo talaga nya, ang swerte ko lang dahil sya ang boyfriend ko, mabait, sweet at gwapo.
Dahan dahan kong hinawakan ang muka nya, mula sa pisngi papunta sa ilong tapos ay sa labi. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil parang gusto ko syang halikan. Wala naman sigurong masama hindi ba? Dahan dahan akong lumapit tapos ay hinalikan sya sa labi. Pfft! Buti hindi nagising.
Tumayo na ako at bumiretso sa Cr para maligo, kumuha ako ng tshirt nya na gamit na, suot nya ito kagabi, mabango pa naman kaya ok na sakin ito. Pagtapos ko ay tulog pa din si Tyron kaya lumabas na ako para magluto ng breakfast.
Nang naghahain na ako ay nagulat ako ng may yumakap sakin.
"Goodmorning, how are you? Masakit ba ulo mo?" Bulong nya sa tenga ko. Hinarap ko sya at tinignan, bagong ligo sya at gulogulo pa ang buhok. God! Ang gwapo nya lalo.
"A-Ah, ayos naman hindi na masakit ulo ko" napangiti sya tapos ay kinurot ang ilong ko.
"Bakit iyan ang sinuot mo? Ginamit ko na yan eh, pwede namang yung bago ang gamitin mo" sabi nya habang umupo sa upuan, ako naman ay ipinagkanaw sya ng kape.
"Ayos lang naman sakin ito tsaka mabango kaya , hindi nga ata napawisan" sabi ko, kasi naman sandali lang nya ito sinuot kahapon.
Inilapag ko na ang kape sa harap nya tapos ay umupo na din ako para kumain. Habang kumakain ay naisip ko kung kaylan namin kakausapin ang parents nya, natatakot ako sa totoo lang pwede kasing hindi maging maganda iyon para samin ng Mom ni Tyron, pero wala naman masama kung itatry namin .
"Tyron, may lakad ka ba mamaya?" Tanong ko sa kanya, tumingin naman sya sakin.
"Hmm wala naman , bakit?" Ngumiti naman ako sa kanya.
"That's good, may puputahan tayo mamaya" nagtaka sya sa sinabi ko.
"Whoah! Bago yun ah, ikaw nagyaya? Hmm excited na ako. " natatawang sabi nya. Akala nya siguro ay magdedate kami. Hmm ano kaya magiging reaksyon nya pagnalaman nyang sa parents nya kami pupunta.
Matapos namin kumain ay naghugas ako ng pinggan, pinipigialn pa ako ni Tyron pero hindi sya nanalo sakin hehe. Kaya ayun nanunuod lang sya habang nagkwekwentuhan pa din kami. Parang masyadong maraming nangyare nung nawala ako ng isang linggo at hindi kami maubusan ng kwento.
Nandito na kami sa sala at nanunuod, ako naman ngayon ang nakahiga sa lap ni Tyron. Iniisip ko pa din kung anong mangyayare sa paghaharap namin ng parents nya. Hindi ko alam ang mga sasabihin o gagawin mamaya pag nagkaharap na kami. Pero wala ng atrasan yun, mas maaga, mas mabuti para maayos na ito.
"Anong iniisip mo?" Nawala ang iniisip ko ng magsalita si Tyron, napatingin ako sa kanya na nakangiti.
"Anong ano? Sino kaya" napakunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.
"Sino? Siguraduhin mong hindi lalaki yan ha" halos matawa ako sa itsura nya. Para kasing umuusok yung ilong eh.
"Hm actually lalaki nga sya" lalong nagsalubong ang kilay nya dahil sa sagot ko.
"Sino yun ng mabalian ng buto!" Naiinis na sabi nya, natawa naman ako kaya lalong sumama muka nya.
"Sige nga balian mo ng buto sarili mo" sabi ko habang natatawa. Natigil naman sya saglit tapos ay napakunot ang noo.
"Ako iniisip mo?" Tanong pa nya. Tumango naman ako.
"Bakit sino bang akala mo?" Agad akong umupo habang nakaharap sa kanya, kaya bali nakatalikod ako sa tv at nakaharap sa sandalan ng sofa, nakasandal kasi sya doon.
"Wala, bakit ano bang iniisip mo sakin?" Tanong nya habang nakatingin sakin, ngumiti naman ako at umiling.
"Secret" sagot ko na ikinangisi nya, kanina lang halos umusok na ang ilong ngayon naman nakangisi na.
"Siguro naiisip mo na, nasa cr ako tapos nagshoshower na walang....." nanlaki ang mata ko at agad syang hinampas sa dibdib, kaya hindi na nya natapos ang sasabihin nya. Ang bastos eh.
"What? Hindi ba ganun? " natatawang sabi nya. Inilapit nya ang muka nya sakin at parang nang aasar. Namula naman ang muka ko.
"H-Hindi noh!" Lalo syang ngumisi tapos ay tumingin sa labi ko. hinawakan nya ako sa bewang tapos ang isa naman nyang kamay ay nakahawak sa muka ko.
"Oh di hindi, ako naman ito naiisip ko" sabi nya tapos ay hinalikan ako sa labi ng marahan , agad naman akong napapikit at tumugon sa halik nya.
Ng tumagal ay lumalim na ang halik na namamagitan samin hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nasa lap na ni Tyron. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Tyron!" Sabi ko ng tangkang bababa ang halik nya sa leeg ko. Napatigil naman sya at parang natauhan din. Agad nya akong niyakap.
"Shit! Sorry babe, sorry" sabi nya sakin, napangiti naman ako. Atleast may respeto sya sakin.
"It's ok don't worry" sabi ko at umalis na sa lap nya. Agad naman syang tumayo at mabilis na pumunta ng kusina.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hay! Ok lang wala namang nangyare. Nang bumalik si Tyron ay mejo basa ang buhok nya, mukang naghilamos.
"Sorry again" sabi nya ng makaupo sa tabi ko. Ngumtii anamn ako to assure him.
"Ok lang"
Pagdating ng gabi ay nag ayos na kami ni Tyron para sa lakad namin, nakawhite simple dress pa ako at dollshoes, Na binili namin ni Tyron nung hapon sa mall. Sya naman ay nakadark blue polo na nakatubi hanggang siko ang sleeves, nakajeans then shoes. ang gwapo talaga ng boyfriend ko.
"Let's go? " yaya nya ng matapos kami mag ayos, tumango naman ako ng kinuha ang kamay nyang nakalahad sakin.
May dala akong regalo para sa parents ni Tyron, ngayon ko palang sasabihin sa kanya kung saan ng punta namin.
"So, saan tayo babe?" Nakangiting tanong nya.
"Sa bahay mo" napakunot ang noo nya.
"Don't tell me" sabi nya na nagtataka. Tumango naman ako.
"I want to talk to them , sabi mo sasamahan mo ako di ba?" Nakangiting sabi ko kahit na kinakabahan na ako.
"Yes, but i didn't know na ngayon na agad, are you sure? Ready kana ba? Hindi mo naman kaylangang magma..." pinutol ko na sya sa sasabihin nya dahil mukang sya pa ang kinakabahan samin dalawa.
"Sshhh i'm sure about this Tyron, para naman ito satin eh " sabi ko habang hawak hawak ang kamay nya. Nagbuntong hininga sya tapos ay sumagot.
"Ok if that's what you want" napangiti naman ako.
"I love you" sabi ko na ikinangiti sya.
"I love you more"sabi nya at pinaandar na ang kotse.
This is it, kaya ko ito, kaya namin ito ni Tyron. Tiwala lang at ang pagmamahal namin sa isa't isa makakaya namin ito.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romansaano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?