chapter 8

52 1 0
                                    

Janine's pov

Mabilis na lumipas ang araw, ngayong araw ay pasukan na. Excited na nga ako eh. Sa trabaho ay ok naman naging pagod ako nitong nakaraang araw kasi lagi akong ot. Imbis na hanggang 12 lang ako eh minsan hanggang 2 o kaya ay sumasabay ako ng uwi kina Miya. Bigla kasi ang dagsa ng tao nitong nakaraang linggo siguro ay dahil magpapasukan na at hindi na masyadong makakagimik ang mga tao.

Si Sir Tyron naman ay mabait sakin. Minsan pinapasabay nya ako kumain sa kanya. Doon kasi sya natutulog minsan pag nalasing ng sobra. Naihatid pa nya ulit ako nung isang araw pauwi. Nagkakahinala na nga si Miya kung anong meron samin ni Tyron pero laging kong sinasabi na wala, dahil wala naman talaga. Dahil kung meron ay hindi sya makikipaglandian sa ibang babae.

Oo madalas ko syang makitang may kalapit at kaakbay na babae sa table nila, wala naman sa akin iyon dahil magkaibigan na ang tingin ko sa amin, hindi ko lang alam sa kanya.

Nandito ako ngayon sa university 7 am ang pasok ko tuwing MW and 10 am naman tuwing TTh at 8 am naman tuwing friday.

"Hi " nakangiting bati sakin ng katabi ko sa upuan, ngumiti ako sa kanya. Inabot nya sakin ang kamay nya at nagpakilala

"I'm Angel"

"Janine" sabi ko ng nakangiti, ang katabi ko ay morena, mejo maliit, nakapusod ang buhok nya at may makapal na salamin.

"Excited na ako sa mga subjects natin, ikaw ba?" Nakangiting tanong nya.

"Hmm excited na din naman, sana ay hindi terror ang mga professors. " natawa naman sya sa sinabi ko.

"Sana nga" dumating na ang prof. Namin kaya umayos ako ng upo. Tahimik akong nakinig sa introduction nya.

Hanggang sa hindi ko namalayan na tapos na ang klase at break time na. Tinext ako ni Anna na nasa baba daw sya ng building ko at naghihintay, siguro ay break time nya din. Kaya madali kong inayos ang gamit ako at lumabas.

"Hi bestfriend!" Nakangiting bati ni Axle , natawa ako sa kanya, si Anna naman ay siniko sya.

"Nakikibest friend ka dyan" ngumuso lang si Axle pero inakbayan din si Anna.

"Syempre bestfriend sya ng mahal ko kaya dapat bestfriend ko din sya. " agad na namula ang muka ni Anna kaya natawa ako lalo. Sinamaan nya ako ng tingin pero hindi ako tumigil pagtawa.

"Hay naku, tara na nga at gutom na ako" tinanggal nya ang pagkakaakbay ni Axle tsaka sya nagsimulang maglakad . Nagkibitbalikat si Axle ng tumingin sakin tapos ay sumunod na kami.

"Buti at natatagalan mo si Anna" pabiro kong sabi, mejo malayo naman ang agwat namin ni Anna kaya hindi nya maririnig.

"Mahal ko eh " napangiti ako sa sinabi nya.

"Boto ko sayo ha" sabi ko sakanya, nangiti naman sya.

"Salamat bestfriend!" Humalakhak sya pagkatapos sabihin iyon, kaya natawa na din ako. Ang kulit nitong lalaking ito.

Nakarating kami sa cafeteria ng university kaso madaming tao kaya sa labas nalang kami kumain. Sagot ni Axle ang aming kinain , tumanggi kami pero masyado syang mapilit kaya hindi kami nanalo.

Matapos ang klase ko ng araw na yun ay nauna akong umuwi kay Anna. Pagkarating sa bahay ay naglaba ako ng damit. Saktong matapos ako ay ala singko na kaya naman nagligo na ako para pumasok sa trabaho.

"Kamusta pasok?" Tanong sakin ni Miya pagkadating ko ng locker.

"Ayos naman, wala pa masyado ginawa" tumango naman sya.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon