chapter 38

34 1 0
                                    

Janine's pov

Ilang araw na ang lumipas at ganun pa din kami ni Tyron, hindi pa din kami nakakapag usap. Halos araw araw syang nasa coffee shop, nakatitig sakin at parang inaabangan ang mga kilos ko. Ako naman ay pinapabayaan lang sya ganun lang naman sya eh, hindi naman nya ako kinakausap ,hindi rin sya nagtatanong kung gusto nya kaming mag usap, basta nakabantay lang sya.

Sa mga lumipas na araw halata ko ang lungkot nya madalang syang ngumiti at magsalita lagi lang tahimik, payat din sya grabe na ang lalim ng eyebags nya.

"Here's your order sir" sabi ko kay Tyron at nilapag ang order nya, nakatingin lang sya sakin hanggang matapos ako. Aalis na sana ako kaso napatigil ako ng hawakan nya ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay nyang mainit na nakahawak sakin. Tapos ay tumingin na din ako sa kanya.

"B-Bakit Sir?" Tanong ko kay Tyron na nakatingin lang sa kamay nyang nakahawak sakin.

"N-Nothing" mahinang sabi nya tapos ay binitawan ang kamay ko.

Tinignan ko lang sya ng ilang saglit, ganun lang sya nakatungo kaya umalis na ako. pagdating sa kusina ay napabuntong hininga nalang ako. Tama na siguro nasasaktan akong nakikitang ganun si Tyron. Kaylangan na naming mag usap, handa na akong harapin ang mga sasabihin nya, kung maganda o hindi ang kalalabasan ay mabuti ng napakinggan namin ang isa't isa!

Maya maya lang ay wala na sa coffee shop si Tyron halos hindi nya nabawasan ang inorder nya.

"Grabe talaga si Pogi, lagi nalang hindi inuubos ang order nya. Tila may sinisilayan lang dito yun eh" nakangiting sabi ni Gail , ako naman ay umiwas ng tingin. Ayoko namang sabihin na may something samin ni Tyron.

Matapos ang shift ko ay sabay kaming umuwi ni Gail . Lagi naman kami magkasabay eh, hindi na rin naman kami sinundan ni Tyron lagi ko lang sya nakikita sa malayo nakamasid. Katulad ngayon nasa kabilang kalsada sya nakasandal sa kotse nya.

"Gail, mauna kana , hindi muna ako sasabay sayo" sabi ko ng makarating kami sa sakayan ng jeep. Nagtataka man ay tumango nalang si Gail tapos ay sumakay na ng jeep.

Ako naman ay napatingin kay Tyron na papasakay na ng kotse, akala nya siguro ay sumakay na ako ng jeep. Nagmadali akong tumawid buti nalang at walang sasakyan.

"Tyron" tawag ko ng makalapit ako, napatigil naman sya pagsara ng pinto at tumingin sakin.

"Janine?" Gulat na tanong nya, tumango naman ako. God! Namiss kong tinatawag nya ang pangalan ko.

Lumabas sya ng kotse at nag alangang lumapit sakin kaya malayo ang agwat namin.

"Pwede ba tayong mag usap?" Sabi ko habang nakatingin sa malalim nyang mga mata.

"A-Ah of c-course" nauutal pa na sabi nya. Kinagat ko ang labi ko ng pagbuksan nya ako ng pinto. Pumasok naman ako. Kita pa din sa muka ni Tyron ang pagtataka o pagkagulat, hindi ko alam sa dalawa.

Tahimik lang kami sa byahe habang si Tyron ay pasulyap sulyap sakin. Namiss ko ay amoy ng kotse nya, kaamoy nya kasi ito mas malakas nga lang ang amoy ng pabango nya.

Lumabas ako ng kotse at natigilan ako ng makita kung na saan kami. Nandito kami sa seaside kung saan nya ako dinala nung araw na sinagot ko sya. Nakatingin lang ako sa paligid tapos ay dumiretso sa bench na nakaharap sa tabing dagat, umupo naman si Tyron sa tabi ko.

Ilang minuto kaming tahimik lang walang nagsasalita. Ninanamnam ko pa ang sariwang hangin eh. Pero nagsalita na din ako.

"Explain" sabi ko , napatingin sya sakin at tumikhim.

"First, i'd like to say sorry for making you cry, for giving you pain. Yes, it's true plano nga namin ni Mom na saktan ka, kaya kita tinanggap noon sa trabaho para magawa ko yung plano, but believe me nagbago lahat ng yun ng makilala kita. Nabulag ako sa mga sinabi ni Mom sakin kung gaano sya niloko ni Dad at kung gaano sya nasaktan kaya nung hiniling nya saking ipaghiganti ko sya tinanggap ko yun. " huminto sya saglit ako naman ay napapikit. Ang sakit pa din pala lalo na ng malaman mo mismo sa kanya.

"Pero nung nakilala kita nawala na sa isip ko yung plano, kasi nakita ko na mabuti kang tao, at isa pa masaya ako pagkasama kita. Pinilit ko naman umiwas sayo nung panahon na naguguluhan na ako pero wala eh, hindi kana mawala sa isip ko, gusto ko lagi kitang nakikita, until one morning nakalimutan ko na ang plano at nagseryoso na ako sayo kasi mahal kita Janine, yung mga pinakita ko sayo totoo, lahat yun ginusto ko. " this time ay napatingin na ako sa kanya, naiiyak ako dahil sa narinig ko. Wala akong masabi , gusto ko syang paniwalaan pero may takot na pumipigil sakin.

"Ilang beses kong gustong sabihin sayo pero natatakot ako hindi ko kasi kayang magalit ka sakin, na iwan mo ako pero nung nalaman mo na lahat , sobra ang kaba ko kasi dumating yung time na kinakatakutan ko, nung umalis ka hinanap kita ,halos mabaliw ako Janine, i'm wasted until now, kasi nandyan ka nga, nakikita nga kita pero pakiramdam ko ang layo mo pa din . Kaylan pa kita gusto kausapin pero natatakot ako na once gawin ko yun Umalis ka na naman, i don't want that to happen again, baka tuluyan na akong mabaliw" sabi nya habang nakatungo, halos mapiga ang puso ko ng makitang may tumulong luha sa pants nya. Agad akong yumakap sa kanya.

"Sorry! I'm sorry" sabi ko at naiyak na din. Pinunasan nya ang luha nya tapos ay humarap sakin.

"No, ssshh ako dapat ang nagsosorry sayo, sinaktan kita pero please maniwala ka na mahal talaga kita Janine, i really do" sabi ni Tyron habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Tumango naman ako habang umiiyak tapos ay niyakap nya ako.

Masayang malaman na mahal talaga ako ni Tyron, nung una i doubt it dahil sa nalaman ko, pero nung makita ko sya how miserable he was ng wala ako sa tabi nya. nakakalungkot isipin din na sobra ko din syang nasaktan dahil sa pag iwan ko sa kanya sa hindi ko pakikipag usap sa kanya. Masyado lang naman akong nasaktan ng sitwasyon namin kaya ganun ang nangyare. But i still do love him hindi naman nagbago yun.

"Thank you! God! I missed so much!" Sabi nya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin ganun din ang ginawa ko dahil miss na miss ko din sya.

"I miss you too Tyron" matapos kong sabihim yun ay lumiwalay sya ng yakap sakin at tinitigan ako sa mata.

"Do you still love me?" Malungkot na tanong nya. Hinawakan ko ang braso nya habang nakahawak sya ng magkabilang pisngi ko. Tinitigan ko din sya at ngumiti tapos ay dahan dahan akong tumango.

Napangiti naman sya at halos maiyak na naman pero hindi ko na nakita dahil mabilis nya akong hinalikan sa labi tapos ay niyakap na ulit nya ako.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon