chapter 10

51 1 0
                                    

Janine's pov

Sa sumunod na araw ay wala pa din namang ginawa sa university. Nagpaphotocopy lang ako ng ibang lessons sa ilang subject dahil ayokong bumili ng libro dahil may nahihiram naman sa library, mas makakamura ako kung ganun ang gagawin ko.

Sa trabaho naman ay madami ako laging ginagawa dahil sa nangyare nung nakaraan ay maiinit ang dugo sakin ni Manager, lagi nya akong pinupuna at hindi nilulubayan ng tingin.

Sa mga sumunod na araw ay ganun pa din, lagi akong madaming ginagawa inis na inis na nga si Miya kay Manager dahil sa pagpapahirap sa akin , hindi naman ako makaangal dahil alam ko naman na kasalanan ko talaga iyon.

Si Tyron naman ay ilang araw na akong hindi pinapansin, hindi ko talaga alam kung anong problema. Hindi ko naman sya matanong dahil mas ok naman na ginito kami dahil empleyado lang naman nya talaga ako. At naisip ko na mali yung mga nangyare sa amin nitong nakaraang araw.

"Hindi ka pa din ba tinitigilan ni Amanda?" Natawa ako sa tawag ni Migs kay Manager, wala man lang paggalang.

Nilapitan nya ako dito sa counter , kasalukuyan akong nagliligpit ng mga baso.

"Hindi pa eh, nag eenjoy pa sya" natatawang sabi ko, kaya natawa din si Migs. Nakita ko kanina na kasama nya si Charles at Tyron na parehas may kasamang babae sa table nila.

Ilang araw ng ganun si Tyron laging may kasamang babae, minsan ay nakikita ko pang nag hahalikan sila, napapangiwi ako tuwing makikita ko ang ganoon.

"Yaan mo kakausapin ko sya para tigilan kana nya" agad naman akong umiling sa sinabi nya.

"Wag mong gagawin yan Migs, kasalanan ko naman kaya dapat lang sakin ito." Napailing din si Migs sakin.

"Hindi mo kasalanan, bastos lang talaga ang lalaking iyon" ngumiti nalang ako sa kanya. Kaylangan ko ng magtrabaho at baka makita pa ako ni Manager.

"Sige dyan kana muna, baka makita pa ako ni manager eh" sabi ko habang nakangiti. Ngumiti din sya at kumaway. Pumunta na sya sa table nila.

Nakasalubong ko si Miya na galing sa kusina. Sinenyasan nya ako sa nandoon daw si Manager , napakunot tuloy ang noo ko.

"Akina yan, ako na magdadala bumalik kana doon" napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Napansin nya ata dahil nagsalita syaa ulit

"siguradong paghuhugasin ka noon ng pinggan kaya doon kana dali" tinulak tulak pa nya ako . Nakalingon pa din ako sa kanya habang naglalakd palabas ng biglang mabunggo ako.

Napatingala ako para makita kung sino ang nabunggo ko, natigilan ako ng makitang si Tyron iyon. Nagtama ang mata namin at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

"S-Sorry Sir" sabi ko habang nakatungo. Hindi sya sumagot at umalis nalang sa harapan ko, pinanuod ko ang kanyang likod habang papasok ng kanyang opisina.

Ganyan lagi ang eksena namin tuwing mag kakasalubong o babatiin ko sya ay hindi nya ako pinapasin. Blanko ang kanyan expression kaya hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Pakiramdam ko ay may problema sya sa pamilya o kaya ay sa eskwela.

"May problema ba kayo ni Sir Tyron?" Tanong ni Miya ng maaga kaming pumasok ng sumunod na araw. Nandito kami sa locker at kumakain ng biko na dala ni Kristine birthday nya kasi ngayong araw.

"Wala naman , bakit mo natanong?" Tumigil sya pagsubo at tumingin sa taas na parang may inaalala.

"Alam mo kasi napapansin ko kaya kayo ni Sir, mejo close kayo eh lagi ikaw ang tinatawag nya tuwing may iuutos sya, tapos ngayon iba na, parang hindi ka nya nakikita ganun. Nagkaaway ba kayo?" Bumuntong hininga ako sa tanong ni Miya. Magkaaway? Hindi ko alam, wala naman akong maisip na pinag awayan namin, bigla nalang syang naging ganyan ,kaya hindi ko talaga alam.

"Hindi, kahit nga ako naninibago sa mga kilos nya. Pero iyon naman talaga ang dapat di ba? Empleyado lang maman nya ako kaya wala akong karapatan kwestyunin ang trato nya sakin" napangiwi naman sya sa sinabi ko.

"Akala ko pa naman may something na sa inyo ni Sir, kaya kay Sir Charles nalang sana ako, yun pala wala " natawa ako sa sinabi nya. Maloko talaga sya.

Matapos ang chikahan ay naghanda na kami para magtrabaho. Sa isang linggo ay sabay kami ng day off ni Miya, kaya balak nya ay magbonding kaming dalawa.

"Here" nagulat ako ng biglang may naglapag ng pera sa tray na dala ko. Tumingin ako sa lalaking nakangiti sakin.

Naglalagay kasi ako ng order nya sa mesa ng maglapag sya ng 500 pesos sa tray ko.

"Ano po ito?" Takang tanong ko, ngumisi naman ang lalaki.

"Your tip, baka pwedeng umupo ka muna saglit dito" sabay tapik nya sa tabi nya. Agad akong napangiwi doon.

"Sorry Sir pero hindi po pwede" sabi ko tsaka ibinalik ang pera sya kanya pero inilayo nya iyon sa kanya.

"It's ok, sayo na yan but gusto ko ikaw ang magserve sakin, alright?" Nakangiting sabi nya. Ngumiti nalang ako tsaka tumango.

Nung bumaling ako para umalis na doon ay nakita ko si Tyron na nakatingin sakin. Seryoso ang kanyang tingin pero agad na bumaling sa katabi nyang babae at hinalikan ito. Agad kong inalis ang tingin ko doon at mabilis na lumakad papaalis.

Bakit ba unti unti na akong naiinis sa nakikita kong pinaggagagawa ni Tyron? bakit ba naaapektuhan na ako sa mga nakikita ko. Kainis!

"Oi ano yan? Tip?" Pag uusisa ni Miya sakin, tumango naman ako.

"Wow! Bago pa nakatip ah" natatawang sabi nya kaya nakitawa na din ako. At pilit na inaalis ang isip ko sa nakita ko kanina.

What's wrong Janine? Karapatan nyang humalik ng kahit na sinong babae, bakit parang apektado ka? Hindi ka pa ba nasanay ha?

"Seryoso mo ah" nabaling ang atensyon ko sa lalaking nagsalita. Nakita ko Si Migs na nakangiti sakin.

"Umiinom kana naman? " lalo syang nangiti sa tinanong ko.

"Shot lang ito, hindi naman ako naglalasing ,kaya nga lumayo ako sa dalawa para hindi ako malasing" tukoy nya kina Charles at Tyron ,ngumiti ako at tumango sa kanya. gusto ko na din sanang iwasan si migs pero naisip ko na mabait sya at hindi naman sya ang boss ko kaya wala naman sigurong masama kung maging mag kaibigan kami.

"Hatid kita mamaya ha" nakangiting sabi nya.

"Ano ka ba, hindi na noh"

"Hayaan mo na ako, ngayon nalang naman ulit eh" dahil sa mukang hindi naman sya magpapapigil ay tumango nalang ako sa kanya.

Naging maayos naman ang gabing iyon hindi na ako masyadong pinag iinitan ni Manager pero matalim pa din ang tingin nya sakin pag nakatigil ako at walang ginagawa.

Matapos ang shift ko ay umuwi na ako, nakita ko si Migs na nakasandal sa kotse nya , nang makita nya ako ay agad nya akong sinalubong ng ngiti.

"Let's go?" Tumango ako tsaka sya sinundan. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya pumasok na ako.

Sa byahe ay mejo nagkwentuhan kami hanggang sa matigilan ako sa tanong nya.

"Kamusta kayo ni Tyron?" napatingin ako sa kanya, ng hindi ako makasagot ay sinulyapan nya ako saglit. Bumaling ako sa labas bago magsalita.

"Kami? Bakit ano bang meron samin ? " mejo natigilan din sya sa tanong ko.

"I mean bilang boss, kamusta sya?" Ngumiti ako ng tipid sa kanya kahit na hindi nya nakikita.

"Ayos naman, mabait" tipid na sabi ko,napatango nalang sya sa sagot ko at hindi na nagsalita pa.

Pagdating sa bahay ay nagpasalamat ako aky Migs. Tumango sya at ngumiti sa akin tsaka kumaway bago pinaharurot ang kotse.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon