chapter 22

43 0 0
                                    


Janine pov

Matapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan at naghugas ng pinggan.

"Hayaan mo na yan" sabi ni Tyron pero hindi ko sya pinansin. Tinuloy ko lang ang paghuhugas.

"Ang kulit" narinig kong sabi nya. Nilingon ko sya at ngumiti lang ako. Sumimangot sya at umupo sa stool.

Matapos kong mag urong ay nandoon pa din sya. Lumapit ako sa kanya at tinanong.

"Hindi mo pa ba ako ihahatid?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at sumimangot.

"Akala ko dito ka matutulog" ako naman ang kumunot ang noo. Ayoko nga pangit tignan.

"Ayoko, hindi pwede" seryosong sabi ko. Tumango naman sya.

"Ok ihahatid kita pero mamaya na" ngumIti ako at tumango.

Nagpunta kami sa sala at nanuod. Nakatingin sya sa tv habang ako ay nakatingin sa kanya. Nasan kaya ang parents nya? Bakit wala manlang picture na nakadisplay.

"Nasan parents mo?" Tanong ko, napatingin sya sakin tapos ay nagstiff sya. para syang nagulat sa tanong ko.

"Wala, nasa Amerika" seryosong sabi nya. Napatango naman ako.

"Bakit wala man lang picture nila? Hindi ba sila dito nakatira?" Tumango naman sya.

"Ako lang ang nakatira dito, this is my own house" sabi nya habang nakatingin sa tv. Hindi na ulit ako nagtanong nanuod nalang din ako.

Nagulat ako ng humiga sa lap ko si Tyron. Nakatingin sya sakin ng seryoso. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.

"May problema ba?" Tanong ko, pero umiling lang sya tapos ay kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"I love you!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, nung nakaraan ay gusto nya lang ako ngayon naman sinabsabi nya na mahal na nya ako.

"Ano ka ba. Wag mo nga sabihin yan" seryosong sabi ko, napakunot Naman ang noo nya sa sinabi ko.

"Why? Totoo naman ang sinabi ko ah" napatitig ako sa mata nya at nakita ko naman na seryoso sya pero parang masyadong mabilis! Ako nga ay hindi ko pa alam ang nararamdaman ko sa kanya, tapos sya ay nasasabi nya agad, paano nya nalalaman iyon?

Hindi nalang ako sumagot at tinuon ang atensyon sa tv. Sya ay seryoso lang nakatitig sakin , naiilang talaga ako sa tuwing tititigan nya ako. Mayamaya ay bumangon sya tapos ay lumapit sakin.

"Look at me" seryosong sabi nya, kaya napatingin ako na dapat ay hindi ko naman gagawin.

Hinahawakan nya ang magkabila kong pisngi , napasinghap ako sa kuryenteng naramdaman ko. Kakaiba ang epekto nya sakin tuwing hahawakan at lalapitan nya ako. Nakatitig lang ako sa mga mata nyang malalalim. Sya ay palipat lipat ang tingin sa labi at sa mga mata ko.

"Seryoso ako Janine, mahal kita. I'll do everything to protect you, no matter what happened dahil mahal kita" feeling ko ay nanghina ako sa mga narinig ko sa kanya. Sa wakas ay may tao na uling magproprotekta sakin. Sana lang ay mapanindigan nya ito. Dahil hindi ko ata kakayanin kung may mawala na namang importanteng tao sakin.

Naramdam ko ang labi nya sakin. Pakiramdam ko ay gustong sumabog ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Bakit ba sa kanya ko lang ito nararamdaman, posible bang mahal ko rin sya?

Napapikit ako ng mas hinalikan ako ni Tyron, hindi ko alam kung anong gagawin kaya napapikit nalang ako. Mayamaya ay tumigil na sya pAghalik, pinagdikit nya ang noo naming dalawa kaya napapikit ulit ako.

"Siguro ay dapat na kitang ihatid, baka hindi pa kita pauwiin kung magtatagal ka pa dito" then he chuckled kaya napatingin ako sa kanya. Anong ibig nyang sabihin?

Tumayo na sya tapos ay kinuha ang kamay ko para makatayo na din ako. Sa byahe ay tahimik lang kaming dalawa, nakikita ko sa gilid ng mata ko na pasulyap sulyap sya sakin.

"Galit ka ba?" Tanong nya ng tumigil kami sa tapat ng bahay. Tumingin ako sa kanya at umiling.

"You sure?" Natawa ako sa kanya at tsaka tumango. Ngumiti din sya at hinawakan ang kamay ko.

"Goodnight" sabi nya habang nakatingin sakin.

"Goodnight din, ingat ka" sabi ko at bumaba na ng kotse. Kumaway ako ng umalis na sya. Tapos ay pumasok na ako.

Tanghali na kami nagising ni Anna kinabukasan kaya sya ay halos magmadali para lang makahabol sa first subject nya, buti nalang ako at sakto lang ang gising ko. Nagkwentuhan kasi kmi kagabi eh ko naman ay nakatulog kaya hindi talaga ako makatulog samantalang si Anna ay inaantok na pero dahil gusto nyang malaman ang nangyare ay nagpakweto sya sakin. Kaya inabot kami ng anong oras bago matulog.

"Bye Janine, una na ako" sigaw nya habang papalabas ng gate. Napailing nalang ako. Naghanda na din ako pagpasok.

Nagbabasa ako ng text ni Tyron habang nasa byahe papuntang university.

Goodmorning, sayang hindi ka dito natulog sana magkasabay tayong magbreakfast ngayon.

Nasa university na ako, ikaw? You take care, ok?

Damn, i missed you already!

Para akong sirang nakangiti habang nakatingin sa phone ko. Ilan lang yan sa mga text ni Tyron, nireplayan ko lang sya na nasa university na ako.

Hindi pa ako napupunta sa university nila, siguradong maganda at napakalaki noon. Puro mayayaman ata ang nag aaral doon.
Dumiretso ako sa klase ko tapos ay nakinig lang ako.

"Hi Janine!" Nakangiting bati ni Gino sakin . Ngumiti din ako sa kanya. Kaktapos lang ng klase ko at oras ng tanghalian ngayon.

"Naglunch kana?" Tanong nya ng makalapit sakin. Umiling naman ako.

"Good, sabay na tayo. Let's go?" Aayaw sana ako kaso hinatak na ako ni Gino, nakita kong dumiretso kami sa parking.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makitang nasa tapat na kami ng kotse nya.

"Sa labas tayo kakain, my treat" sabi nya ng nakangiti. binuksan nya ang pintuan ng kotse nya.

"What do you think you're doing?" Napatigil ako pagpasok ng kotse ni Gino ng marinig ko ang boses na yun. Napalingon kaming dalawa ni Gino kay Tyron. Seryoso ang muka nyang nakatingin kay Gino.

"Ano na naman? Wag kang makialam dito" seryoso ding sabi ni Gino. Hinatak ako ni Tyron papunta sa tabi nya.

"Back off!" Matigas na sabi nya kay Gino. Nagsukatan ng tingin ang dalawa , umigting ang panga ni Gino at akmang lalapit kay Tyron. Napatingin ako sa paligid at nakitang marami ng nakatingin samin.

"Please, tumigil na kayong dalawa" sabi ko dahilan para mapatingin sila sakin. tinignan ko silang dalawa muka namang natigil sila, balak pa atang magsuntukan eh.

"Let's go " sabi ni Tyron tapos ay hinatak na ako, narinig ko pa ang pagtawag ni Gino sakin pero nakatuon ang atensyon ko sa galit na muka ni Tyron.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon