Update ulit ako dahil baka matagalan yung next UD ko. :-)
Janine's pov
Sinundan ko si Tyron na palabas ng Resto. Mabilis ang lakad nya habang ang kamay ay mahigpit na nakatiklop.
"Tyron" tawag ko sa kanya pero hindi sya tumigil. Dirediretso sya papunta sa sasakyan nya.
Binilisan ko ang lakad at pinigilan sya. Hinawakan ko ang braso nya ng maabutan ko sya kaya napatigil sya. Grabe ang kaba ko galit na galit siguro sya kaya ganun nalang ang ginawa nya sa lalaki.
"T-Tyron, saglit lang m-mag usap tayo" sabi ko habang naghahabol ng hininga, napapikit sya at tumingin sakin. Galit ang mga mata nya ng tumingin sakin.
"Sorry, hindi ko naman ginusto yung..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita na sya agad.
"Hindi mo ginusto? Eh bakit hindi mo tinatanggal ang pagkakahawak nya sayo?!" Galit na sabi nya. Napasinghap ako dahil sa sigaw nya.
"Nagulat kasi ako pero tatanggalin ko na dapat kaso ay dumating ka" nag iwas sya ng tingin at inis na hinawi ang buhok nya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kaba ko. Hindi ko alam kung paano aalisin ang galit nya sakin.
"Sabagay kahit naman kanino ka magpahawak, wala naman akong karapatan na pagbawalan ka, hindi naman kasi kita pag aari" seryosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. What? Akala ko ba pag mamay ari nya ako? Bakit ngayon ganyan ang sinasabi nya?
"Hindi totoo yan" diretsong sabi ko. Napatingin sya sakin. Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.
"Pag mamay-ari mo ako Tyron, nakalimutan mo na ba yun? " tanong ko pa. Nag iwas sya ng tingin sakin.
"Oo tama ka, ako lang naman ang nagdecide nun, pero alam mo ba sa sarili mo na pag mamay ari kita? Hindi di ba? Ako lang naman ang nag iisip ng ganun" Malungkot na sabi nya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya tapos ay iniharap ko sya sakin.
Nagtama ang mata namin, hindi ko alam kung ilang segundo ko syang tinitigan. gusto kong mabasa ang tumatakbo sa isip nya pero hindi ko magawa , masyado ata akong nalulunod sa tingin nya sakin.
"Sayo ako Tyron at Akin ka din dahil mahal kita" diretsong sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Nanlaki ang mata nya at parang hindi makapaniwala.
"W-What?" Gusto kong matawa sa reaksyon nya kasi hindi na sya cool kaso baka masira yung atmosphere.
"Sabi ko mahal kita, kaya sakin kana rin" nakangising sabi ko. Napakurap sya tapos ay tumingin sa mga labi ko.
"Damn! Wag mo nga akong biruin" tumingin na ako ng seryoso sa kanya. Ayaw nya maniwala?
"Seryoso ko Tyron, sorry sa nangyare kanina. Don't worry hindi na yun mauulit dahil napakapossessive mo pala" natatawa na ako dahil sa huli kong sinabi. Napairap naman sya tapos ay ngumiti na din.Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa batok nya. Nagulat ako ng hapitin nya ako sa bewang
"Damn! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya" nakangiting sabi nya. Pinagdikit nya ang noo naming dalawa kaya napapikit ako.
"I love you Janine" malambing na sabi nya. Grabe ang kabog ng dibdib ko halos lumabas na sa katawan ko.
"I-I love you too Tyron" pagkasabi ko noon ay naramdamn ko nalang ang labi nya sa labi ko. Feeling ko nakalutang kaming parehas. this feeling, napakasarap parang ayoko ng bumitaw pa.
Matapos ang ilang segundo ay tinigil na nya ang paghalik. Nakangisi syang nakatingin sakin . Ako naman ay nakagat ko ang labi ko at tumungo. Nakakahiya naman ito!
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?