chapter 3

65 1 0
                                    

Janine's pov

Kinabukasan maaga akong nakarating sa restobar 5 pm palang nandoon na ako, mahirap na baka malate ako eh, mas maganda na ang maaga.

"Good evening po"bati ko kay manong guard, ngumiti naman sya sakin at tsaka bumati din.

Pumasok ako sa loob na si manager palang ang tao at tsaka isang waiter. Agad akong nilapitan ni manager.

"Buti at maaga ka, sumunod ka sakin" mataray na sabi nya, nakita kong nakatingin yung lalaki at ngumiti, kaya nginitian ko din.

"Eto ang kontrata, basahin mo tapos pirmahan mo dito" sabay turo nya sa bandang baba ng papel, tumango naman ako at nagsimulang magbasa.

Ayos naman ang mga nakalagay dito, malaki din ang sweldo hindi ko inaasahan iyon. Napako ang mata ko sa pangalan ng isang tao.

Tyron Villaruel

Sya ba ang may ari nitong restobar? Yung lalaking gwapo kahapon na nakausap ko? Tyron, ang ganda ng pangalan nya, bagay na bagay sa isang misteryosong lalaki.

Nang matapos kong basahin ay pinirmahan ko na, agad nyang kinuha iyon tapos pinasunod nya ako sa kanya.

"Dito ang kusina, doon naman ang locker" turo nya sa bandang dulo sa right side.tapos lumabas sya kaya sumunod ulit ako.

"Counter, then table 1, 2..." nakatingin lang ako sa tinuturo nya, at tsaka tumatango. Nagulat ako ng humarap sya sakin.

"Ayoko ng nalelate, ayoko ng mabagal kumilos, ayoko ng nakikipagtsismisan sa oras ng trabaho...dahil hindi ito pipitsuging restobar.." nakakatakot sya, masyadong syang istrikto.

"O-ok po" tumango sya tapos umirap. Pumunta sya sa kusina kaya sumunod ako.

"Ito ang uniform mo" sabay abot nya sa akin ng uniform, buti at nasalo ko. "Magbihis kana at tumulong ka paglilinis" agad agad akong kumilos papuntang locker.

Habang naglalagay ako ng gamit sa locker eh may dumating na babae.

"Oh, hi! Bago ka?" Ngumiti ako at tsaka tumango.

"I'm Miya, ikaw ba?" Kinuha ko ang kamay nyang nakalahad.

"Janine" ngumiti naman sya . At nagpatuloy na paglalagay ng gamit sa locker.

"Halika sabay na tayo magbihis" sabay hatak nya sa akin. Nakakatuwa naman mukang magiging magkaibigan kami ni Miya.

"Natarayan ka ba ni Manager ? " tanong nya habang naglalagay ng makeup. Ako naman ay inaayos ang skirt ko ang iksi kasi hindi ako sanay. Nag iisip ako kung paano ko ito maibaba, kaso sakto sa bewang ko eh.

"ah hindi naman masyado" napatingin sya sakin tsaka tumaas ang kilay.

"Talaga? Bago yun ah...mataray kasi iyon lalo na sa mga babae, inggit ata matandang dalaga kasi" tapos tumawa sya. Ganun ba pag matandang dalaga? Ngumiti nalang ako kay Miya.

Mayamaya pa ay lumabas na kami, naglinis muna kami ng resto tapos inayos ang mga upuan. Ganito pala ang gagawin ko tuwing papasok ako, maglilinis muna bago magbukas ng resto. Malapit na kami matapos ng makumpleto lahat ng employees. Nagpakilala na rin sila saakin isa isa.

Bumalik ulit kami sa locker para daw magretouch. Sila lang naman dahil hindi naman ako nag memake up.

"Swerte dito Janine, biruin mo laging madaming gwapo kang makikita, mayayaman pa. Tapos ang hot pa ng boss natin. Nameet mo na naman siguro sya noh?" Sabi ni Miya habang ngiting ngiti.

"Oo kahapon nakausap ko sya"

"Ang pogi noh? Bata pa yun, kaya nga ginagawa ko ang lahat mapansin nya lang. " agad naman syang binato ng pulbos ni Ailah isa din sa mga waitress.

"Sira ka talaga Miya, di yun papatol sa kagaya natin" inirapan ni Miya si Ailah.

"Ang nega mo talaga.psh! Iba ang kamandag ko noh" natawa nalang kami ni Ailah sa sinabi nya. Actually maganda naman talaga si Miya, para syang model maputi, matangkad, gusto ko ang ganda nya.

"Dalian nyo dyan! Malapit na tayo magbukas!" Nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Manager kaya dalidali akong tumayo. Nagpulbos lang ako at ipinusod ang buhok ko.

"Hi Janine" ngiti ni Joey sakin. Bartender sya dito, gwapo din sya lalo pag ngumingiti dahil lumalabas ang kanyang dimple. Tumango lang ako tsaka ngumiti!

Mayamaya naging busy na ako dahil sa nagsimula ng dumami ang tao. Buti nalang at ginagabayan ako ni Miya. Hindi ko kasi alam minsan kung saan yung table. O kaya naman yung bill ay nakakalimutan ko buti nalang at nakamasid sakin si mIya.

"Tulungan na kita" sabi ni Cj at kinuha ang tray sakin na puno ng mga baso. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.

Nagpunta ulit ako sa table para linisin ito, biglang may sumipol ng nagpupunas ako ng mesa. Agad akong umayos ng tayo at hinatak pababa ang skirt ko. Bakit kasi ang iksi ng palda!

"Oh hi! Ikaw pala yan miss beautiful" napatingin ako sa lalaking may pilyong ngiti. Sya yung lalaki kahapon. Tinignan ko ang kasama nya at nakita ko doon si Sir.

"G-Good evening Sir" bati ko. Hindi nya ako pinansin at umupo lang sa couch. Sumunod naman yung isang lalaki, pero itong pilyo eh nandito pa din sa tabi ko.

"By the way I'm Charles" sabay lahad nya ng kamay habang nakangiti .napatingin ako sa likod nung pilyong lalaki, nakita ko ang matalim na tingin ni Manager sakin. Umiwas ako ng tingin at binalik ang tingin kay Charles, Ngumiti ako sa kanya.

"Pasensya na Sir, pero may trabaho pa po ako...excuse me" sabi ko at umalis na. I don't want to be rude. Pero umiiwas lang ako sa gulo kabago bago ko palang dito.

pagbalik ko sa counter eh, muka agad ni manager ang nakita ko.

"Maglinis ka doon sa kusina" sabi nya, hindi na ako nagreklamo dahil mukang bad shot ako sa kanya. Kaya agad akong pumunta sa kusina.

Nginitian ko ang mga tao na nandoon, tsaka nagsimulang maglinis. Tumutulong din ako pag huhugas ng pinggan.

"Oh Janine, anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay Miya na biglang sumulpot.

"Ah naglilinis?" Nagtaka naman sya sa sagot ko.

"Waitress ka di ba? Di ka janitress , duon ka sa labas pagagalitan ka dito" sabi nya at hinatak ako paalis ng lababo.

"Pero pinapunta ako dito ni manager" napatigil sya paghatak at tumingin sakin.

"Bakit? Anong ginawa mo?" Umiling naman ako sa tanong nya. Wala naman talaga akong ginawa .

"Kinausap lang ako ng isang customer na friend ata ng boss natin" napaisip si Miya sa sinabi ko tapos ay umirap.

"Tigas ng bungo ng matandaang dalagang yun ah, yun lang eh pinapunta ka na dito? Insecure yun ng bongga sayo , kaya ka pinag iinitan" mataray na sabi ni Miya, napangiwi naman ako sa sinabi nya.

"Yaan mo na, sige na bumalik ka na dun baka mamaya mapagalitan kapa" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Aish!" Sabi nya lang at umalis na.

Bumalik na ulit ako sa paghuhugas,Nagligpit din ako at nag mop. Pinawisan ako sa dami ng ginawa ko. Hindi ko namalayan na alas dose na pala.

"Manager, mag out na po ako" tumingin sya sa relo then tumango lang sya. Sinenyasan ko si Miya ng magtama ang mata namin na uuwi na ako. Tumango sya sa akin.

"Uwi na ako " sabi ko kay Ailah ng matapos akong mapalit ng damit.

"Oh sige, ingat" tumango ako at ngumiti.

Lumabas na ako ng resto, dito ako sa backdooor dumaan syempre. naglakad ako hanggang sa sakayan ng jeep, matagal pa ako nghintay bago makasakay. Pagkadating ko ng bahay, kumain ako ng kaunti tsaka natulog na. Nakakapagod ang araw na ito pero masaya naman.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon