chapter 5

49 1 0
                                    

Janine's pov

Nagulat ako ng may dalawang pares ng sapatos ang tumigil sa harap ko.

"Bakit ka nakayuko? Sino ba kausap mo?" Napapikit ako ng marinig ko ang boses nya. Huminga ako ng malalim tsaka lakas lood na tinignan sya.

May damit na sya ngayon pero bakit naiilang pa din ako tignan sya.  ,ang gwapo nya, pero mas gusto ko pa din ang simpleng suot nya kanina.

"S-Sorry Sir" sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Pakiramdam ko hinihigop ng malalim nyang mata ang lakas ko tuwing tititig ako doon.

"Sige Sir, labas na po ako" tumalikod na ako at handa ng umalis kaso nagsalita sya ulit.

"Wait " sabi nya kaya tumigil ako. Pagharap ko ay sya ring harap nya sobrang lapit namin sa isa't kamuntik pa malaglag yung tasa ng kape na pinagkanawan ko kanina.

Nagkahawak kami ng kamay at para akong nakuryente. Nakatingin sya sakin at ganun din ako. Hindi ko alam pero gustong gusto kong tinititigan ang mata nya kahit na parang nanghihina ako.

Tumikhim sya tsaka nagsalita.

"Isabay mo na ito, you can leave now" sabi nya at binitawan na sa akin ang tasa, tumango ako tsaka lumabas na. Paglabas ko ay nakahawak ako ng dibdib ko.

Huminga ako ng malalim tapos nataranta ako ng makita yung isang bucket ng alak, hala! Nakalimutan ko na yung order nina Charles! dalidali kong nilagay sa kusina yung tasa at dinala na agad sa table nina Charles yung alak.

"Sorry, natagalan" sabi ko sabay lapag ng alak, yung lalaking tahimik lang ang nandoon, ngumiti sya sakin.

"Ayos lang" sabi nya at tsaka binuksan ang isang bote ng alak, pumihit na ako para umalis kaso nakita ko si Sir na palapit. Kumalabog na naman ang puso ko, inantay ko muna syang makarating bago ko umalis. Hindi ko na sya tinignan dahil nahihiya ako sa nangyare.

"Janine!" Tawag sakin ni Miya sa nasa counter ngiting ngiti sya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko ng makalapit ako.

"tignan nyo, nakatip ako" masayang sabi nya. Nangiti naman ako. Malaking dagdag din iyon sa sweldo namin.

"Ikaw na talaga" sabi ni Ailah, ngumisi naman si Miya.

"Sabi sayo eh, iba ang kamandag ko!" Naiiling nalang si Ailah sa sinabi ni Miya tapos umalis na, ako naman ay natatawa kay Miya.

Naging busy ulit kami dahil sa dami ng tao, hindi man lang ata ako nakaupo dahil sa dami ng tao, ang sakit na ng sakong ko dahil sa heels. Kinuha ko ang isang tray na puno ng pagkain.

"Ano kaya pa? " tanong sakin ni Cj.

"Oo naman, masakit lang sakong ko" sabi ko tapos tumingin sa paanan ko.

"Ganun ba? Maupo ka muna, ako na magdadala nyan" tatanggi sana ako kaso inagaw na nya sakin ang tray at umalis na.

Uupo na sana ako gaya ng gustong mangyare ni Cj, kaso tumawag si Charles at sakin sya nakatingin, kaya lumapit ako sa kanya. Nakangisi sya habang may nakahilig na babae sa kanya at sya naman ay nakaakbay dito. nalipat naman ang tingin ako sa lalaking nakaupo at nakapikit na nakasandal. Tulog na ba si Sir Tyron?

"Yes Sir?" Tanong ko kay Charles, tinignan ko ulit si Sir Tyron na ngayon ay nakamulat na. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Isang bucket pa" sabi nya lang, tumango ako . Napangiwi ako ng halikan sya ng babae sa labi. Tumalikod na ako at umalis para kunin ang order nila.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon