chapter 22

36 1 0
                                    

Janine's pov

Nagmamadali akong magbihis ngayon para pumasok, tinanghali kasi ako ng gising. Ilang araw na akong puyat dahil sa mga exams ko. Tapos lagi pagod pa ako sa trabaho. Feeling ko konti nalang ay bibigay na ang katawan ko. Ilang araw na akong may sipon at inuubo na din ako. Masama ito.

Ilang araw na akong hinahatid sundo ni Tyron , nanliligaw daw sya sakin iyon ang sabi nya na ikinagulat ko talaga. Syempre naman kakasabi nya lang na gusto nya ako ngayon naman ay nanliligaw na sya, hindi ko na tuloy alam kung nababaliw na ba sya o ano. Pero alam nyo bang sa ilang araw na yun ay napakasweet nya sakin pakiramdam ko nga ay napakaespesyal ko dahil sa trato nya sakin, ngayon tuloy ay hindi na ako naiilang sa kanya, sanay na kasi ako na kasama ko sya halos araw araw.

"Hay sa wakas! Last day na ng exam." Sabi ni Angel habang nag iinat. Buti at nakarating ako ng university agad.

"Ok kalang ba?" Tanong sakin ni Angel ng matingin sya sakin. Tumango naman ako at ngumiti.

Dumating na ang prof. Namin at nagbigay na ito ng exam. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinagbuti ko at nagfocus ako para masagutan ang mga tanong.

"How was your exam?" Tanong ni Gino nang magkita kami dito sa canteen.

"Ayos naman, nakasagot naman ako. Ikaw ba?" Feeling ko ay lalagnatin ako. Pero may trabaho pa ako mamaya.

"Sisiw lang " mayabang na sabi nya kaya natawa ako. Sya din naman natawa.

"May trabaho ka ba mamaya?" Tanong pa nya, tumango naman ako.

"Bakit?" tanong ko, umiling naman sya.

"Muka kasing pagod ka. Magpahinga ka kaya" ngumiti ako sa kanya.

"Kaya ko pa naman. Tsaka tapos na ang exams kaya makakapagpahinga na ako" umiling lang sya at sumimangot sakin kaya natawa ako.

Matapos ang exam ko ay umuwi na ako. Kaylangan ko pang maglaba dahil marami na akong damit. Buti nalang at maaga ako nakauwi ngayon .

Nagtext lang ako kay Tyron na nakauwi na ako, baka kasi mamaya sunduin nya ako sa university eh.

"Oh Janine, ang aga mo ah" sabi ni Anna ng madatnan akong naglalaba.

"Eto nalang panuoorin natin babe" narinig kong sabi ni Axle, pagharap ko ay nandoon na sya sa tabi ni Anna at may hawak na bala.

"Oh, hi bestfriend , nandito kana pala" ngumiti ako sa kanya.

"Kumain kana?" Tanong ni Anna.

"Oo " sagot ko at tumango naman sya tapos ay nagpatuloy na ako paglalaba.

tawa ako ng tawa habang naglalaba dahil naririnig ko ang sigaw ni Anna at mga tawa naman ni Axle. Mukang horror ang pinapanuod nila minsan ay dumadaing pa si Axle kaya natatawa ako, siguradong bugbog sya kay Anna.

"Alis na ako" sabi ko ng makapag ayos ako.

"Wag kana kaya pumasok, mukang masama pakiramdam mo" kanina pa kasi ako bahing ng bahing. Mukang nalamigan lang naman ako paliligo kaya ganito.

"Ok lang ako Anna. Kaya ko" sabi ko ng nakangiti. Umiling nalang sya at tsaka kumaway.

Paglabas ko ay nakaabang na si Tyron, nakasandal sya sa kotse nya.

"Hi" bati nya ng nakanggiti. Bumati din ako at ngumiti.

"Let's go" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto. Pumikit muna ako habang nasa byahe.

"You ok?" Tanong ni Tyron kaya iminulat ako ang mata ko at tinignan sya.

"Oo naman " sabi ko ng nakangiti. Ngumiti din sya at tumango nalang.

Mabilis dumami ang mga tao dito sa resto, siguro dahil friday ngayon at walang pasok bukas o kaya nagcecelebrate ang iba dahil tapos na ang hell week. Ilang beses akong nagpabalik balik para kumuha ng order ganun din naman si Miya at ang iba pa.

Nakita ko ang tatlo, sina Tyron, Migs at Charles sa isang table na nakatingin samin ni Miya. May ialng lumalapit na babae sa kanila pero hindi nila ito pinapansin. Napangiti nalang ako. Naalala ko yung pag iinarte ko nung nakaraan.

Kinindatan ako ni Tyron ng makitang nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. Umiwas nalang ako ng tingin kaya natawa sya.

"Patulong naman Janine" sabi ni Ailah, at kinuha ko sa kanya ang isang tray at dinala namin sa isang mesa.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Nanunuyo kasi ang lalamunan ko, nahihilo pa ako. masama na ata ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa oras. Konti nalang naman tapos na ang trabaho ko eh. Kaya ko pa.

"Sorry po" sabi ko ng may mabangga ako, buti nalang at wala akong dalang tray. Napahawak ako sa noo ko at naramdaman ang init nito. Nangangainit na din ang mga mata ko.

Naging mabagal din ang kilos ko kaya ang ibang customer ay nagagalit na. Napatingin ako kay Tyron , nakita kong nakatingin sya sakin na nakakunot ang noo. Nagbuntong hinga ako at pumunta sa kusina.

Hindi ko na ata kaya, bibigay na ako. Gusto ko na umuwi. Magpapaalam na sana ako kay Manager ng biglang may humatak sa braso ko.

Napakunot ang noo ni Tyron pero biglang napalitan ng pag aalala ang tingin nya.

"You're not ok, you're sick" sabi nya ng malumanay at hinaplos ang pisngi ko. Bigla akong nanlambot at napapikit na.

"Shit!" Narinig kong sabi ni Tyron. Buti at nasalo nya ako. Gusto ko na talaga magpahinga.

"Pasaway! " narinig kong sabi nya at inayos ang pagkakabuhat sakin.

Nagising ako ng maramdamang may dumadampi sa noo ko, hindi ako makamulat dahil mabigat ang mga talukap ko. Ang sakit ng ulo at katawanan ko.

"Pinag alala mo ako" narinig ko ang boses ni Tyron sa tabi. Tingin ko ay nasa isang kwarto ako. Ospital? Kaso mabango ang amoy eh. Kasing amoy nya.

Pinilit kong imulat ang mata ko, nakita ko si Tyron na nag aalala. Ngumiti ako sa kanya. Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Anong masakit sayo?" Tila nagcollapse ako kanina. Nandito na pala ako sa kwarto nya. Hindi ko namalayan.

Hindi ako sumagot at tumitig lang sa kanya. Bakit ba ang gwapo gwapo ng lalaking ito. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may gusto sya sakin. Imposible naman kasi. Isang simpleng babae lang naman ako. Nothing special para magustuhan ng tulad nyang mataas.

"Hey, say something lalo akong nag aalala sayo" ngumiti ako sa kanya.

"Sorry " mahinang sabi ko. Nagbuntong hininga sya tapos ay binitawan ang kamay ko.

"Kumain kana para makainom ka ng gamot " sabi nya at inalalayan akong umupo. Kinuha nya ang pagkain sa side table.

"Ako na" sabi ko pero inilayo nya ang pinggan.

"Let me" sabi nya nalang at wala na akong nagawa.

Matapos kong kumain ay pinainom nya ako ng gamot. Ginaw na ginaw ako kaya nahiga na ako pagkatapos. Naramdaman kong tumabi sakin si Tyron.

"A-anong ginagawa mo?" Takang tanong ko.

"Ssshh, just sleep You'll be ok" sabi nya tsaka ako niyakap. Nakaramdam naman ako ng init dahil sa ginagawa. Unti unti ay nawala ang ginaw na nararamdaman ko tapos ay nakatulog na ako.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon