Janine's pov
"Janine, table two" sabi ni Manager kaya dalidali akong lumapit doon. Kinuha ko ang order nila at pumunta sa counter.
Madami na namang tao ngayon, sikat talaga ang bar na ito. Buti nalang at nakapants ako kumportable pati ako. Nakita ko sina Migs sa table nila.Kinawayan nya ako at ngumiti.
"Parang may bago sayo ah" nakangiting sabi ni Migs.
"Huh? Wala naman, maliban sa hindi ako nakapalda ngayon" tinignan naman nya ako at tumango sya. Biglang dumating si Tyron at binati ang mga kaibigan nya. Bumaling sya sakin at ngumiti.
"Sige balik na ako" sabi ko at ngumiti. Sinundan pa ako ng tingin ni Tyron pero hindi ko na sya pinansin.
"Bakit nakaganyan ka? Chaka kaya" sabi ni Miya ng makasalubong ko sya. Tinignan ko naman ang suot ko, ayos naman ah.
"Ayos naman eh, try mo kumportable kaya" ngumiwi sya sakin at umiling.
"No thanks! Sayang ang legs ko kung hindi ipapakita," natawa nalang ako sa sinabi nya.
Nakita kong tinawag ni Charles si Miya pero hindi nito pinansin iyon. Parang mainit ang ulo ni mIya kay Charles ah.
Nagseserve ako ng may biglang nabasag sa katapat kong table. Nandoon si Miya at sya ata ang nakabasag ng mga baso at alak. Napasimangot sya at agad na humingi ng paumanhin sa customer. Agad syang nilapitan ni Manager at pinagalitan. Lumapit naman si Cj para linisin ang kalat. Gusto kong lumapit pero hindi ko magawa, nakatungo lang si Miya habang kausap ni manager yung customer. Matapos ay dinala nya si Miya sa locker.
Susunod na sana ako dahil alam kong papagalitan sya ni Manager kaso may humawak sa braso ko, pagtingin ko ay si Charles iyon.
"ako na" nakangiting sabi nya, tumango ako at ngumiti sa kanya.
Kaya na siguro ni Charles iyon, kaya umalis na ako at nagtrabaho na ulit.bumalik na ulit ang ingay ang bar. Si Tyron ay lagi kong nakikitang nakamasid sakin, nakakailang ang ganoon kaya minsan ay muntik na akong madapa o kaya ay makabasag. magagaya ako kay Miya nito kung ganyan ng ganyan si Tyron.
Nagbuntong hininga ako ng mapunta sa counter. Gusto kong lapitan si Tyron at sabihing tigilan nya ang pagmamasid sakin kasi hindi ako makapagtrabaho ng ayos kaso ay nahihiya ako. Boss ko pa din naman sya.
"There you are!" Napalingon ako sa nagsalita, nakita ko si Gino na nakangiti.
"Oh Gino, sinong kasama mo?" Umiling naman sya.
"Ako lang, mejo kanina pa ako hindi lang kita makausap dahil busy ka" ngumiti naman ako sa kanya.
"Oo nga eh, daming tao eh" pinagmasdan naman nya ako kaya nailang ako.
"Good thing hindi ka nakapalda ngayon" nagkibit balikat naman ako sa sinabi nya at ngumiti.
"Nga pala, invite kita manuod ng laban namin bukas after ng class mo" oh ngayon ko lang sya mapapanuod kaya gusto ko sana kaso baka malate ako, siguro ay sisilip nalang ako. Sasagot na sana ako kaso ay may nagsalita sa likod ko.
"Hindi sya pwede" nilingon ko si Tyron at seryoso ang muka nya.
"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko" seryoso ding sabi ni Gino. Hala mukang mag aaway pa ata ang dalawang ito.
"I don't care, di ba oras ng trabaho ngayon? Bakit nakikipag usap ka dito?" Baling nya sakin, tumingin ako sa kanya at yumuko.
"Wala naman atang masama doon, customer naman ako dito" sabi ni Gino kay Tyron, nagtiim bagang si Tyron na halatang mong naiinis na kaya pumagitnan na ako.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?