Tyron on the side! Wafu! *_*Janine's pov
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa gwapong mga lalaki na nasa harap ko. Matangkad sila pero alam kong hindi nagkakalayo ang mga edad namin, siguro matanda sila ng isa o dalawang taon sa akin.
"Bakit ano bang problema?" Tanong nung lalaking nasa gitna. Hindi ko alam kung customer sya na laging kumakain dito o sya ang may ari. Pero parang ang bata pa nya para maghandle ng business na ganito, sabagay mayaman kasi walang imposible sa may mga pera.
"Kasi po sabi ko hindi tayo tumatanggap ng part timer" paliwag nung manager. Humalakhak naman ang isa sa mga lalaki.
"Dude tanggapin mo na, look she's gorgeous and sexy" sabi ng isang lalaking may pilyong ngiti. Napangiwi naman ako sa sinabi nya.
"Shut up!" Mariing sabi nung lalaking nasa gitna, inilahad nya ang kamay nya sa manager at agad naman nya binigay ang resume ko.
Ilang segundo syang nakatitig sa resume ko tapos bumaling sakin . Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Nakakakaba ang mga tingin nya. Ang lalim kasi ng mata nya, pakiramdam ko tumatagos hanggang kalooban ko yung tingin nya.
"Follow me" sabi nya lang at tsaka lumakad na. Nagtaka naman ako kaya nanatili ako sa pwesto ko, hindi ko kasi alam kung ako ba ang pinapasunod nya o yung manager eh.
"Sumunod ka daw, he'll make you scream!" Nagulat ako ng magsalita sa gilid ko ang pilyong lalaki. nakangisi sya sa akin.Ano daw sabi nya?
"Ha?" Yun lang ang nasabi ko , humalakhak naman sya dahil sa sagot ko, bakit ba parang enjoy na enjoy itong lalaking ito sakin?. Lumapit na din sakin yung isang lalaking tahimik at nginitian ako ng bahagya.
"Let's go dude" sabi nya lang dun sa pilyong lalaki, kinindatan muna ako nung pilyo tsaka umalis kasama nung lalaki.
"I said follow me!" Napaiktad ako ng marinig ko yung boses nung lalaki na may ari ata nitong resto. Agad akong bumaling sa kanya at patakbong tinungo ang distansya namin.
Pumasok sya sa isang kwarto, kinakabahan ako sumunod sa kanya.
"Sit " sabi nya at tsaka sinara ang pinto, umupo naman ako kagaya ng sinabi nya. Umupo sya sa tapat ko at muling tingnan ang resume ko. Binuklat pa nya ang pangalawang page.
"So mag aaral ka? Kaya part time lang ang pinapasukan mo, what School?" Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya. Ang seryoso naman ng taong ito.
"Our Lady of Fatima University" tumango sya sa sagot ko.
"Ok, your hired" halos nabingi ako sa sinabi nya. Totoo ba narinig ko?
"You need to work here from 6 pm to 12 midnight...... "usap pa sya ng usap pero yung utak ko, hindi pa tapos iproseso yung sinabi nya kanina. oh? Talaga? Tanggap na ako? Hindi pa din ako makapaniwala, he said i'm hired. napangiti ako, ngayon lang naproseso sa utak ko. akala ko ba di sila tumatanggap ng part time? Bakit nya ako tinanggap?
"Miss Hernandez, are you listening?" Napakurap ako ng maglean forwand si Sir..uhm?
"Y-Yes sir" pero ang totoo hindi ko naman narinig ang sinabi nya.
"Kaylan po ako magsisimula?" Pinaling nya ang ulo nya na parang may nasabi akong mali. Bakit kaya?
"Akala ko ba nakikinig ka? Ang sabi ko bukas kana magsimula, bukas mo na din pirmahan ang kontrata dahil magpapagawa pa ako" ahhh, tumango naman ako. Kaya naman pala, sinabi na pala nya iyon kanina. Nakakahiya tuloy.
"Ok po Sir"
"That's all, you may leave" ngumiti ako tsaka tumayo.
Lumabas ang ng opisina nya ng nakangiti. Yes! May trabaho na ako. Nawala lang ang ngiti ko ng makita ang masamang muka nung manager. Nakakatakot sya. Pero muka naman mabait, istrikto lang talaga ata.
"Ahm, tanggap na po ako" nahihiyang sabi ko sa kanya.
Pero hindi nya ako kinausap, inirapan nya lang ako at tsaka umalis na. Nangiti nalang ako. Alam kong magkakasundo din kami.
"Sige manong, uwi na ako" nakangiti kong sabi kay Manong.
"Tanggap ba?" Tumango ako sa kanya, nangiti naman si Manong.
Hayy! Thank you lord! May trabaho na ako. Naglakad ako papuntang sakayan, Alam kong kaya kong makasurvive dito sa maynila. Marami naman kasing makukuhang trabaho dito, hindi katulad sa probinsya.
Alam ko laking maynila si Mama, taga maynila talaga ang mga magulang nya. Pero lumipat sila ng probinsya dahil naghirap sila. Nalugi ata ang negosyo nila noon. At natira ay ang lupa nila sa probinsya, ginawa nila iyong sakahan at doon na namalagi.
Kaya nagkakilala ang Papa at Mama ko.Hagang sa mamatay si Papa , kaya kami nalang ni Mama ang natira nag iisang anak kasi ako. Nagtrabaho si Mama sa isang kumpanya na bagong tayo doon para makapag aral ako ng high School, naging maganda ang buhay namin. Nagtataka ako noon kung bakit maganda lagi ang ngiti ni Mama pero natutuwa din ako dahil sa wakas nakuha na ulit nyang maging masaya. Hanggang isang araw, umuwi si Mama ng maaga na may Kasamang lalaki, pinakilala nya iyon sa akin. Gwapo sya at mukang disente Kaedad lang nya si Mama kaya naging masaya ako para kay Mama. Hindi ako humadlang sa relasyon nila kasi nakikita ko naman na masaya si Mama kaso isang araw may sumugod sa bahay na babae kaedad ni Mama, galit na galit ito.
Dinuro at sinampal nya si Mama ako naman ay inaawat sila, hanggang sa dumating ang lalaki at inawat sila. Sinampal din ng babae ang kinakasama ni Mama. Nalaman namin na asawa pala ng babae ang kinakasama ni Mama. Hindi namin iyon alam ,kaya ganun nalang nasaktan si Mama sa nangyare , dahil sa problema naging malungkot at palaging walang kibo si Mama noon. Hanggang sa nagresign sya sa tabaho at hindi na sila nagkita nung lalaki.
Ngayon galit na galit ako sa lalaking iyon, kundi dahil sa kanya sana magkasama pa kami ni Mama ngayon. Nakita ko, sinagasaan ng asawa nung lalaki si Mama. Naubos ang ipon ni Mama na para dapat sa pagkokolehiyo ko ng maospital sya nacomatose si Mama dahil sa walang awang babaeng iyon. Biktima lang naman kami hindi naman namin alam na may pamikya pala ang lalaking iyon.
Nakuyom ko ang kamao ko sa naalala ko. Dapat masaya ako ngayon dahil nakahanap ako ng trabaho, bawal muna ang badvibes.
"Anna!" Nakangiting sabi ko ng dumating ako sa bahay.
"So how was it? May nahanap ka ba?" Excited na tanong nya sakin, hinila nya ako para maupo sa sofa.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko, hindi ko kasi mapigilang mangiti. Tumango nalang ako kay Anna na ngayon ay masayang masaya.
"Wow! That's good, so saan yan? Kaylan ka magsisimula?"
Sinabi ko naman sa kanya, naikwento ko na din ang nangyare sa akin maghapon.tahimik lang syang nakikinig habang nagkwekwento ako.
"Swerte ka pa din kahit papano, biruin mo gwapo ng boss mo, mabait pa tanggapin kaba naman kahit na hindi naman sila tumatanggap ng part timer" napaisip naman ako sa sinabi nya, ang totoo nagtataka nga ako eh, sa itsura nya kasi mukang may iba pang dahilan kung bakit nya ako tinanggap. Pero hindi ko naman sya kilala, ngayon ko nga lang sya nakita. Bakit ba ganun ang pakiramdam ko? Baka naman naawa lang talaga sya sakin.
"Oo nga eh" sabi ko nalang. Kung si Anna naman hindi nagtataka so bakit ako magtataka? Mabait nga siguro yun.
Pagbubutihin ko ang trabaho ko, dahil nakakahiya naman kung hindi maganda ang maging trabaho ko eh kinonsider na nga nila ako eh.
Eto na ang simula ng buhay ko, pangako Mama magtatapos po ako. Wag po kayong mag alala sakin, kaya ko pong harapin ang buhay. Basta lagi nyo lang po ako gabayan.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?