Janine's pov
"Huy Janine!" Tawag sakin ni Anna, nandito ako sa bahay sunday eh kaya walang klase at mamaya pa naman ang trabaho ko kaya nag aaral ako ngayon.
"Hmm?" Tanong ko ng hindi sya tinitignan. Umupo sya sa tabi ko.
"Nakakaloka ka panga, lagpas isang buwan kana dito sa manila pero ni isang beses hindi ka man lang naglaboy" bumaling ako sa kanya at tiningnan sya.
"Madali lang naman maglaboy kaya hindi ko minamadali iyan, isa pa wala akong alam na gagalaan" tumaas ang kilay ni Anna sakin . Ako naman ay tumuon ulit sa binabasa ko.
"Kung ganun , sumama ka nalang samin, magma mall kami ni Axle ngayon"sabi nya, tumingin ako sa kanya at napaisip.
"Ano tara? Mag eenjoy ka doon, you need a beak , you know!" Nakangiting sabi nya. Tumango ako at tsaka ngumiti. Pumalakpak naman sya at tsaka tumayo.
Inigpit ko ang gamit ko tsaka nagpunta sa kwarto para maghanda sa pag alis namin. Nakasuot ako ng jeans at plain black long sleeves tapos ay doll shoes. Si Anna naman ay naka jeans din at hanging blouse then pumps.
May narinig kaming busina kaya napatingin si Anna sa orasan."Sya na yan, let's go?"
"Teka ,hindi ba mukang istorbo ata ako sa inyo nito?" Tumingin sya sakin tsaka inangkla sa braso ko,
"Ano ka ba, lagi na kaya kaming magkasama noon. Tsaka matutuwa pa yun pagkasama ka" sabay kindat nya. Ngumiti lang ako at tumango.
Nang makalabas kami ay tama nga si Anna na si Axle iyon, agad syang pumasok sa passenger's seat, ako naman ay sa likod.
"Whoah! Mukang naisipan mong lumabas sa lungga mo besfried-aw!" Hinampas sya ni Anna sa balikat kaya napatigil si Axle. tumawa lang ako sa kanila.
"Wag mo na punahin at baka magbago pa ang isip" sabi ni Anna, na parang hindi ko naririnig.
Nagsimula ng magdrive si Axle , ako ay tahimik lang na nakatingin sa dinaraanan namin. Panay ang kulitan nilang dalawa at minsan ay sinasali pa nila ako.
"Don't worry bestfriend mag eenjoy ka duon sa mall" sabi ni Axle sakin.
"Anong akala mo kay Janine ngayon lang makakatapak ng mall?" Halos matawa ako sa sinabi ni Anna, masyado kasi sya mag isip.
"Babe , hindi iyon ang ibig.." hindi nya pinatapos pagsasalita ni Anna si Axle.
"Wag mo sabi akong tawaging babe! Hindi ako baboy!" Naiinis na sabi ni Anna.
"Oh sige, patatabain nalang kita para maging baboy ka at matawag na kita- aw! Shit!" Sabay himas ni Axle sa braso na kinurot ni Anna. Napangiwi ako dahil siguradong masakit iyun.
"Eto naman, di mabiro. Ang sakit nun ha" grabe, bilib na talaga ako kay Axle, ni hindi sya nagalit ng kurutin sya ni Anna. Mahal nya talaga ang bestfriend ko, dahil kung hindi matagal na syang nagsawa sa kakasakit sa kanya at sa palaging pagsigaw ni Anna sa kanya.
Pero alam ko namang mahal ni Anna si Axle, hindi nya lang maiparamdam o mapakita iyon kay Axle, siguro ay natatakot sya na baka masaktan lang sya sa huli pag binigay nya ang gustong makita ni Axle.
Nakarating kami sa mall at talagang namangha ako sa laki nito at dami ng tao. Linggo nga pala ngayon kaya dagsa ang tao sa mall.
"Gutom na ba kayo? O gusto nyo muna na magsine tayo?" Tanong ni Axle habang hawak hawak ang kamay ni Anna.
"Maglibot na muna tayo, tara Janine" ngumiti ako at tsaka sumabay sa kanila. Nag tingin tingin kami sa mga stall. Pero masyadong mahal ang mga damit at kung ano ano pa kaya hindi ako nakabili ng kahit ano. Si Anna naman ay naibili ni Axle ng isang dress. Ayaw panga ni Anna pero mapilit si Axle. Gusto din akong ibili ni Axle pero tumanggi ako , nakakahiya yun. Hindi nya ako napilit kaya tumigil na din sya.
Nanuod kami ng sine pagkatapos. Nakakainggit ang dalawa ang sweet sweet ni Axle kay Anna. Si Anna naman ay nahihiya siguro dahil sakin. Kaya tinatawanan ko nalang sya.
"Saan nyo gusto kumain?" Tanong ni Axle samin. Naglingon lingon kami ni Anna pero halos lahat ay punuan.
"Greenwich nalang tayo" tumango kami at tsaka nagpunta duon.
Matapos umorder at kumain na kami, buti at makahanap kami ng pwesto dahil punuan talaga. Nang kumakain ako ay halos mabulunan ako ng makita ko si Tyron , may kasama syang babae, hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ito sa pwesto namin.
"Ok kalang Janine? Ito tubig" sabay abot saakin ni Anna ng tubig, tinanggap ko ito at ininom.
"Salamat" sabi ko at tumingin ulit kina Tyron, nagtatawanan sila nung babae . Posible bang si Dianne iyon? Pero mukang maliit ang babae kumpara kay Dianne.
"Sino bang tinitignan mo?" Nagtatakang tanong ni Anna. Tumingin ako sa kanya at umiling,
"Wala" sabi ko at yumuko, pero kilala nya ako kaya hindi sya naniwala sa sinabi ko. Lumingon sya sa likod nya na syang tinitignan ko.
"Oh? Teka si Boss mo yun di ba? Sino nga ba yun? Hmm Tyron?" Lumingon din si Axle sa tinitignan namin ni Anna. Hindi ako sumagot kay Anna at kumain nalang.
"Girlfriend ba nya ang kasama nya? " tanong nya pa.
"Siguro" sabi ko nalang at kumain na ulit.
Tahimik kaming kumain na tatlo. Tsaka lang ulit ako napatingin sa table nina Tyron ng tumayo sila. Inakbayan nya ang babae na nakumpirma kong hindi si Dianne ng silay umalis. Napangiwi ako sa nakita ko.
Matapos kumain ay nag arcade kaming tatlo, kalaban namin ni Anna si Axle sa basketball, pero kahit na dalawa kami ay natalo nya pa din kami. Sa pangalawang try ay natalo namin sya kaya todo sigaw kami natinginan pati samin ang mga tao.
Nag sawa kami duon at nang matignan ko ang relo ko ay malapit ng mag ala singko. nagyaya na akong umuwi sa dalawa at pumayag naman sila. Sa parking lot ay nauunang maglakad ang dalawa. Nung papasok na kami sa kotse ay muli kong nakita si Tyron di kalayuan sa pwesto namin, pinagbuksan nya ang babae ng pinto sa passenger's seat. Nang umikot sya ay napatingin sya sa gawi ko. Natigilan sya paglalakad at umawang ang bibig. Ngumiti ako ng kaunti tsaka pumasok ng kotse ni Axle.
Siguro nga ay girlfriend nya iyon. Masaya kasi sya pagkasama ang babae. Weird. Hindi maganda ang pakiramdam ko, dapat ay masaya ako ngayon pero bakit parang nawala dahil sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?