chapter 31

41 1 0
                                    

Janine's pov

Nakabalik na kaming manila kahapon ng hapon. Tinanghali kasi kami ng gising kahapon kaya naman tinanghali kami nakaalis ng isla. hindi ako pinapasok ni Tyron sa work dahil pagod nga daw sa byahe. Inunahan na nya ako kasi alam nyang ipipilit ko ang pumasok. Pero sya pa din ang nanalo kaya eto bale tatlong araw na akong hindi pumapasok doon.

"Anna una na ako" sabi ko kay Anna na ngayon ay nag aalmusal , mas maaga sa kanya ang pasok ko ngayon.

"Bye, ingat " sabi nya at tinuloy na ang pagkain.

Umalis na ako at nagtext kay Tyron habang nasa byahe.

Goodmorning, pasok na ako

Text ko sa kanya, alam kong tulog pa sya ngayon dahil mayamaya pa ang pasok nya pero nagtext pa din ako.

Nang makarating ako sa university ay dumiretso muna akong library para humiram ng book. Tapos ay pumunta na akong room.
Agad kong nakita si Angel na nagpupulbos.

"Aw!" Daing ko ng tumama ang hita ko sa isang upuan na nasa unahan ng upuan ko.

"Ang laki ng space nabunggo ka pa" natatawang sabi ni Angel, natawa nalang din ako. Oo nga naman , clumsy lang?

"Kamusta ang outing ha?" Nakangiting sabi nya. Umupo muna ako bago sya sinagot.

"It was fun, ang ganda ng lugar"

Nagkwentuhan pa kami ni Angel hanggang sa dumating na ang prof. Namin.

Magkatext kami ngayon ni Tyron dahil hindi kami magkakasabay maglunch ngayon may tinatapos pa kasi sya. Ayos naman sakin , si Angel ang kasabay ko ngayon at nandito kami sa canteen.

May dala kaming tray at nauuna sakin si Angel. Naramdaman kong nagvivibrate ang phone ko,sinilip ko ang bulsa ko at kukunin ko na dapat ng maalala kong may hawak nga pala akong tray. Pagharap ko ay syang tigil ni Angel kaya naman tumigil ako bigla paglakad tapos ay nagulat nalang ako ng tumapon ang dala kong pagkain.

"Hala!" Sabi ko ng tumapon ang pagkain at inumin. Natapunan pa ang sapatos ko.

Bakit ba ang malas ko ata ngayon?

"Anyare?" Nagkibit balikat ako kay Angel dahil hindi ko naman alam kung bakit natapon , ang labo! Malas lang talaga siguro.

Wala na akong nagawa kundi linisin ang natapon tapos ay umorder na ulit ako. Inantay pa ako ni Angel bago kumain.

"Pasensya na" saabi ko ng makaupo ako sa tabi nya.

"Ok lang , ano ka ba" nakangiting sabi nya.

Kumain na kami at nasabi ko pa sa kanya na parang minamalaas ako, umiiling iling lang naman sya.

Matapos ng klase ko ng araw na yun ay nadatnan ko si Tyron sa gate, nakita pa atang nakasimangot ako. Paano ba naman magpapahontocopy sana ako ng lessons namin para bukas kaso ay wala ng papel yung xerox machine ng ako na ang magpapahotocopy, yung isa naman ay sira daw. Nakakahalata na talaga ako malas ko ata ngayon

"What's wrong?"nag aalalang tanong nya. Nagbuntong hininga ako.

"Wala naman, malas lang ako ngayong araw" sabi ko, pinagbuksan na nya ako ng pinto. pumasok naman ako.

"Why do you say so?" Tanong nya ng makapasok na din ng sasakyan.

Ikinuwento ko naman sa kanya ang nangyare habang nasa byahe. Tumatango tango sya tapos ay kukunot ang noo.

"Is that so, yaan mo na magbonding nalang tayo para mawala ang malas mo" natatawang sabi nya at itinaas ang supot ng plastik.

"Ano ito?" Tanong ko ng iniabot nya sakin yun.

"Ipagluto mo akong hipon, sa bahay kana kumain ng dinner" sabi nya ng nakangiti. Ngumiti nalang ako at tumango.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa kanilang bahay. May nakita akong isang kotse, hindi ata iyon napansin ni Tyron. May bisita ba sya? Itatanong ko na sana kaso ay nakalabas na sya at pinagbuksan ako ng pinto.

Hinawakan nya ang kamay ko tapos ay isang kamay nya ay hawak yung plastic na pinamili nya. Hindi ko sya matanong dahil panay ang kwento at tawa nya.

"Kung nakita mo ang muka ni Charles epic talaga..." sabi nya habang natatawa. Tumatawa din ako habang nakatingin sa kanya. Nakapasok na kami ng bahay nya ng may sumigaw mula sa sala.

"Surprise!" Sabay kaming napatingin sa babaeng sumigaw. Nakita ko ang isang babae at isang lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali! Kilalang kilala ko kung sino sila!

Nawala ang ngiti sa muka ni Tyron at humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Ako naman ay nakaramdam ng galit. Anong ginagawa nila dito? Kaano ano nila si Tyron?

"belated Happy Birthday son!" Nakangiting sabi ng babae. Son? Ibig sabihin, sila ang magulang ni Tyron? No!

"Son, what's the meaning of this?" Nagtatakang tanong ng lalaki habang palipat lipat ang tingin nya samin ni Tyron.

"Oh, so nagtagumpay ka pala son, i thought hindi mo susundin ang plano natin but you surprise me, nice job son" para akong nabingi sa sinasabi ng babaeng ito. Anong plano nila? Kasama ba ako doon?

Lumuwag ang kapit ko sa kamay ni Tyron pero sya ay hinigpitan ang kapit.

"Stella I told you, layuan nyo na sya, bakit ba hindi nyo sya pabayaan" sabi ng tatay ni Tyron sa babae nya pero si Tyron ay tahimik lang.

Sila ang magulang ni Tyron? Bakit hindi ko man lang nalaman? ang Tatay ni Tyron ang naging nobyo ni Mama, sya ang nanloko kay Mama ang sabi nya ay wala syang asawa. Ginulo nya ang tahimik naming buhay. Ang Babae naman na Stella ang pangalan ay ang pumatay kay Mama. Sya ang sumagasa sa Mama ko kitang kita ko yun at hindi ko malilimutan yun.

"Mom, stop it ...hindi iyon.." hindi na natapos ni Tyron ang sasabihin nya dahil nagsalita na ulit ang babae.

"Oh nahihirapan ka bang sabihin sa kanya? Ako ang magsasabi" sabi ng babae at dahan dahang lumapit samin. Nakatingin sya sakin at ako naman ay nanginginig sa galit.

Gusto ko syang sabunutan, sampalin pero masyadong masakit ang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Bakit? Bakit sya pa?

"Ginamit ka lang ng anak ko, pinaibig tapos ay iiwanan na lang din. Anak ko ang gumaganti sakin para sa ginawa ninyo ng walangya mong ina!" Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa pagtawag nya sa Mama ko. Ang kapal ng muka nya, kung wala lang akong respeto sa matanda kanina ko pa sana sya binastos!

"MOM! stop it!" Sigaw ni Tyron pero hindi sya pinansin ng babae.

"Anong akalA mo? Na magugustuhan ng anak ko ang isang gaya mo? kagaya ka nga ng malandi mong ina, hindi marunong lumugar" sabi pa nya. This time ay hindi na ako nanahimik.

"Para sa kaalaman nyo, biktima ho kami ng lalaking yan! At sa pagkakaalam ko kayo ang walanghiya at hindi kami, baka nakakalimutan nyo kung paano namatay ang Mama ko? Kapal din ng muka nyong maghiganti samantalang mas masahol pa ang ginawa nyo! " kalmado kong sabi kahit na nanginginig na ako sa galit. Nanlaki ang mata ng babae. Hindi nya siguro akalain na ganun ang sasabihin ko.

Binawi ko ang kamay ko kay Tyron. Naramdaman kong natigilan sya dahil sa ginawa ko.

"Nandoon ako, nakita ng dalawang mata ko kung paano namatay si Mama! Kitang kita ko kung sino ang pumatay sa kanya!" Namutla ang babae dahil sa sinabi ko. hindi nya alam na alam ko at nakita ko na sya ang pumatay.

"Ano bang sinasabi mo iha? Di ba ay aksidente ang pagkamatay ng Ma..." hindi ko na pinatapos ang lalaki at nagsalita na agad habang nakatingin pa din sa babae.

"Yun ang alam nyo! Pero alam ko at alam ng taong pumatay sa Mama ko kung ano talaga ang nangyare. Kaya ikaw ang matakot dahil mas matindi ang mangyayare kung hindi ka titigil" tumalikod na ako sa babaeng nakatulala ngayon. Hindi ko nilingon si Tyron at dirediretsong lumabas ng bahay.

Nakakaloko, para akong pinaglalaruan ng tadhana. Bakit? Bakit ganito ang nangyare? Napakasakit!

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon