Chapter 48

225 9 0
                                    

JANA

It's finally the day. The wedding.

Actually, Kuya's wedding. Grabe, sobrang emotional today pero it's all because of too much joy, celebration. Pure happiness.

Alam kong sooner or later, kasal ko naman ang gaganapin. Kasal namin ni Ada. Confident yern? Eme.

Siyempre, kung hindi lang din naman pala si Ada makakatuluyan ko, pwede na siya kuhanin Ni Lord-- este, wag na lang magpakasal kung ganoon.

Kuya was hesitant na ituloy yung wedding nila at first. Not because he wasn't sure kay ate Lj, but because he was afraid that another criminal would attack in this kind of situation.

Since hindi pa nga alam kung sino ang nag utos doon sa gunman na ngayon ay hawak na ng police, hindi pa rin kami nakakasigurado na safe na ulit kami.

Pero I pushed Kuya na ituloy na. Ilang beses ko na rin sinabi, ayaw ko namang ako ang maging cause of delay ng pinaka importanteng araw niya.

Hindi naman kami naging pabaya sa preparation at isinama talaga ang security ng lahat. Bali napapalibutan ng body guards at mga police na hindi naka uniform ang lugar ng kasal at reception.

Less ang tao ngayon compared sa anniversary event, pero hindi imposibleng kuhain nung criminal ang pagkakataon na to para umatake. Kaya naman sinabihan din kami ng mga police na maging alerto na lamang.

Minabuti ni Papa na sapat ang bilang nila para walang makalusot na hindi imbitado at 'di na maulit ang insidente. Lalo pa't nandito ako, ang pamilya ko, si Ada, at ang pamilya niya.

Medyo nahihiya tuloy ako kina kuya Josh at ate Lj. Araw nila to pero ang daming na-consider na para sa akin o ako ang root. Kaya naman para makabawi, ako ang bibili ng bed nila sa bago nilang bahay at nag book ako ng one week staycation sa Amsterdam para doon sila mag spend ng honeymoon.

Back to the wedding, halos napupuno na ang mga upuan dahil nagdatingan na rin ang mga bisita. Iniipon na rin sa likod yung part ng procession.

Nakakatuwa na nagsama-sama ngayon ang mga pinaka importanteng tao sa buhay nina kuya Josh at ate Lj. At kitang-kita sa mukha nila ang saya, tuwa, at galak.

Ipinatawag na nga rin kami nina Papa at Mama para tumungo na sa likuran dahil malapit na magsimula ang event.

Binali ni kuya ang tradisyon, instead na mamili ng best man, ako ang napili niyang best woman. At ipinilit niya na sasama lang ako sa procession kapag nag partner kami ni Ada. Napasapo nga ako sa noo dahil sa mga request niya. Pero hayaan mo na, kasal niya naman 'to.

Nang dumating si kuya ay doon ko lamang napatunayan na kapatid ko siya. Ang gwapo niya kasi ngayon. HAHAHAHA. Ganiyan ba talaga kapag ikakasal? Parang lahat ng positive aura mo sa katawan ay lalabas.

"Masayang masaya ako para sa'yo, kuya. Sa wakas ay magiging solong anak na ako sa bahay.." Saad ko nang mayakap ko siya noong makalapit ito sa akin. Sinapok pa ang ulo ko doon sa huling sinabi ko.

"..Charot lang. Malungkot man na aalis ka na sa bahay, at least dahil 'yon sa may sarili ka ng bahay at pamilya. Ingatan mo si ate Lj ha. At bigyan mo ko agad ng pamangkin. I love you, kuya." Maluha-luha kong pagtutuloy.

Wala pa man ay nangingilid na ang mga luha ni kuya. I wonder kung ganito rin ako kapag ako na ang ikakasal.

Pagkita naman namin kay Mama ay humahagulgol na. Nakayakap na nga si Papa sa kaniya at pinapatahan siya. At 'yan ang sigurado, ganiyan din si Mama pag ako na yung ikakasal.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon