JANA
Matagal nakabalik ng bahay si Mama nung araw na 'yon kaya labis ang kaba ko. Posible kasing nag stay siya roon dahil isasagawa na yung nga test kay Ada, posible rin namang dahil gising na si Ada.
Sobra ang takot na nararamdaman ko, dasal lang ako ng dasal. Muntik na akong umabot sa punto ng pag question kung naririnig ba ang prayers ko, kasi hindi ko na alam kung anong kasalanan ang nagawa ko't pinarusahan ako ng ganito.
Pero mabuti talaga ang Diyos. Limang araw na mula nang nagbago ang ihip ng hangin at tila sumang-ayon na sa amin ang tadhana.
Kaya natagalan si Mama nung araw na 'yon ay dahil nagising na si Ada. Pinag stay siya ni kuya Adrien sandali dahil wala silang kasamang matanda. May mga tests pa rin namang ginawa kay Ada bago siya inilipat ng regular room, at maayos naman na ang lagay niya. Hindi pa siya pinayagang i-discharge dahil may mga natitira pang tests na gagawin, habang yung ibang test naman na gawa na ay results na lang ang kinakailangan.
Kinabukasan naman, kusang sumuko sa kapulisan ang gunman na nagtangka sa buhay ko. Ngunit ang inamin lang nito ay napag utusan siya kaya niya 'yon ginawa. Ayaw niyang aminin kung sino ang nag-utos kaya hindi pa rin panatag ang lagay ng buhay ko ngayon. Patuloy naman ang imbestigasyon at kinukumbinsi nila yung suspect na umamin ng tuluyan kapalit ng kaligtasan niya at ng pamilya nito.
Nabanggit ni Mama na nag hire ng personal nurse si Tito Adrian para kay Ada. Napanatag naman ako sa balitang 'yon, dahil alam ko namang 'di malalagay sa alanganin si Ada dahil ang Dad niya ang pumili ng nurse.
"Sherry, anak.. kasama ko ulit yung psychologist na sinuggest ng tito Adrian mo. Baka sakaling nagbago ang isip mo at gusto mo ng magpa-consult?" Maingat na tanong ni Papa.
Nasa kwarto ako at sumilip lang siya mula sa pinto.
Nung nangyari kasi yung insidente, gusto nila akong ipakonsulta sa psychologist. Baka raw na-trauma ako o stressed at kung ano-ano pa. Pero tinanggihan ko, hindi naman ako yung kailangan ng konsultasyon niya.
"Pa, ayos nga lang ako. Mas kailangan po ni Ada ang consultation niya dahil si Ada naman yung nalagay sa panganib." Mahinahon kong sagot.
Ngumiti lang si Papa at umalis na.
Sa ngayon, gusto ko na makita si Ada. Gusto ko ng matuloy ang kasal ni Kuya. At gusto ko ng malaman kung sino ang gustong pumatay sa akin.
~*~
ADA
"Nasaan ako? Who are you? Why am I here?" Tuloy-tuloy kong tanong habang naka-kunot ang noo.
"Tigil-tigilan mo ko sa mga drama mo, Ada Gaile. Sa balikat ka tinamaan hindi sa ulo." Natatawang sagot ni ate Aila.
"Limang araw ka ng gising, ngayon ka lang nagtanong ng ganyan, bitch." Napa-irap pero tumatawang sabi ni ate Dyann.
"Ano ba yan, akala ko pagkakataon ko na para itanong yung mga 'yon." Tumatawang sagot ko.
Masaya akong sila ang bumubungad sakin tuwing gigising ako, pero parang may hinahanap ako na tao.
"Ilang days ba ako hindi gumising?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
De TodoIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...