ADA
"I love you, Sherry." I said that while looking at her eyes.
I finally said it. After fighting for that feeling not to grow, I finally said it.
Gusto kong pumikit pagtapos kong sabihin 'yon. Hindi ko alam kung gugustuhin ko bang makita yung magiging reaction niya.
Natahimik kami ulit after kong sabihin 'yon. Hindi ko siya magawang tignan pero nakita ko sa peripheral vision ko that she smiled really really wide.
"Ano ba sa tingin mo yung dahilan bakit kita sinama noon sa bahay namin?" Tanong niya sa akin.
"I don't know, sabi mo namiss mo lang yung bahay niyo." Sagot ko. That's what she really said before.
"Alam mo sa totoo lang, I wasn't really sure kung ano ba yung nararamdaman ko sa'yo noon. Mula nung magkasakit ka na ako yung nag-alaga sa'yo, lagi na akong inaasar nina Mama at Kuya. Kahit si Papa, panay ang asar sa akin. Naiinis talaga ako sa'yo noon kaya pikon na pikon ako kapag inaasar nila ako. But maybe, I was just guilty sa pang-aasar nila.." Natatawa niyang paliwanag sa akin.
"..nung naging close na tayo, hindi ko alam kung bakit wala kahit isang araw na nagsawa ako sa mukha mo at sa presence mo, e araw-araw naman tayong magkasama. Isa pa, hindi ko nakita yung sarili ko na magkakagusto sa kapwa ko babae. I'm not against that idea, don't get me wrong. Pero ayon, siguro dapat inexpect ko ang unexpected.. Kaya ayon, dinala na kita sa bahay. Balak ko noon ipakilala ka lang muna sa family ko. E si Mama mapang-asar, naging awkward tuloy. Doon ko na rin dapat sasabihin sa'yo na gusto kita higit pa sa kaibigan.." Seryoso niyang sabi.
"Your absence made my heart grow fonder.." Sabi niya habang saglit na hinawakan yung kamay ko.
"..yung pag-alis mo ang nagpa-realize sa akin na hindi lang pala kita basta gusto.." Patuloy niyang sabi.
"I love you, Ada Gaile. I really do." Jana said and kissed my forehead.
Hindi ko alam yung sasabihin. It's like a dream. I feel like my heart is ready to jump out from my chest.
"Actually, I.. I also felt that. I mean, nagtaka rin ako kung bakit hindi ako nagsasawa sa pagmumukhang 'yan kahit araw-araw na tayong magkasama. I don't understand myself kung bakit kinukulit kita, hindi naman ako ganoon sa ibang kaibigan ko, kahit sa mga kapatid ko o pinsan ko.." This time, ako naman yung nagtapat sa kaniya.
".. I also became hesitant at some point. I thought about avoiding you, kasi baka sakaling huminto yung weird feeling. But I guess, that weird feeling is not bad at all. Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko noon, kung bakit ganon ako pagdating sa'yo? Lagi kong iniisip na hindi naman kasi ako ganoon. It turns out, ayon pala talaga ako at sa'yo ko lang nalabas 'yon.." Nakangiti ako habang nagsasabi sa kaniya.
"I left because I was afraid that you don't feel the same. Natakot ako na baka masira lang yung closeness na meron tayo noon, and I didn't want that to happen. But really, I'm sorry for leaving you without saying anything. That was one of the biggest mistakes I've done in my life.." Sincere kong sabi.
"Thankful na lang talaga ako for the company's event. Kung hindi dahil sa pagpipilit ni Dad, baka hindi na ako bumalik dito." Nakangiti kong sabi.
"Alam mo, si Tito rin yung nagparealize sa akin kung ano talaga nararamdaman ko para sa'yo. Buti pala pinilit ka niyang umuwi. Kung hindi ka umuwi, hindi ko alam kung kailan kita makikita ulit.." Masayang sabi niya.
"At hindi ko malalaman na mahal mo rin pala ako." Sabay naming sabi.
Natawa kami dahil doon. Pagtapos ay nag-hug lang kami. Para bang ninanamnam namin yung moment.
"Do we have to court each other?" Tanong niya habang magkayakap pa rin kami.
"Crazy! We did that before, hindi lang tayo aware na nagliligawan na pala tayo." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Sabagay, at isa pa, hindi ako marunong non kaya wag na lang." Convinced niyang sagot.
"Yeah, right." Sabi ko pagtapos ay kumalas na sa yakap para harapin siya.
"Edi.." May gusto siyang sabihin pero parang nahihiya siyang ituloy.
Kumunot lang noo ko, ano bang sasabihin nito?
"Edi ano?" Tanong ko.
"T-tayo na?" Mahina niyang tanong.
"What?" Pagtatanong ko para lakasan niya yung boses niya.
"Tayo na ba? G-girlfriend na ba kita?" Mahina niya pa ring tanong.
"Ha?" Tanong ko ulit.
"Are we.. anak ng teteng, Ada Gaile. Tayo n--"
"How you like that?" Pagputol ko sa kaniya.
Tawa ako ng tawa nung makita yung reaction niya. Para siyang trinaydor ng buong mundo.
Inirapan niya ako at nanahimik na siya, habang ako patapos pa lang tumawa.
"Love." I said out of nowhere.
"Ha?" Tanong niya.
"I said, lo--"
"Hayskrim chillin' chillin'" Pagpuputol niya sa akin.
Pinalo ko lang siya. Tawa na kami ng tawa pagtapos noon.
Nung natapos na kaming tumawa, nagtanong na ulit siya.
"Ada, tayo na ba?" Seryos niyang tanong. This time, narinig ko na ng maayos dahil mas malakas niya ng sinabi.
Ngumiti muna ako bago sumagot. "Kiss me." Hamon ko sa kaniya.
Hindi ko naman inaasahang hahalikan niya talaga ako, baklang 'to.
Naramdaman ko ulit yung mga labi namin na magkalapat. Our lips are like puzzle pieces that fits perfectly for each other. This kiss is pure love.
"Are you ready?" Tanong ko, after namin magkiss.
"Ano?" Naguguluhan niyang tanong.
"Ano ulit yung tinatanong mo kanina?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
"Tinatanong ko kung tayo na ba." Sagot niya.
"Ako naman magtatanong ngayon." Sabi ko.
She just nodded as a sign for me to go on.
"Are you ready to let this antagonist be part of your life?" Nakangiti kong tanong.
"It's my pleasure, love." Sagot niya.
And with that, we are officially together. I am now her antagonist girlfriend.
T h e E n d
CHAROT LANG 🤣
BINABASA MO ANG
The Antagonist
De TodoIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...