Third Person's POV
May isang taon ang lumipas noon bago mapag desisyunan ni Ada na umuwi ng Pilipinas at ipakilala si Jad sa mga pamilya nila. Halos mag a-apat na taon na ang bata noong mga panahon na iyon. Lumipas ang ilang buwan matapos ang hindi inaasahang pagkikita nina Ada at Jana. May ilang linggo rin bago silang magkita ulit para pag-usapan ang magiging set up para sa anak nilang si Jad.
Tahimik naman na ang lahat. Noong una ay nahirapan sa pag a-adjust si Jana dahil nga bago lang sa kaniya ang pagiging magulang. Pero 'di kalaunan ay nagamay niya rin, hindi rin naman kasi mahirap alagaan si Jad.
Minsan ay naiisip ni Jana na nahihirapan din sa adjustments si Jad, tinanong niya ito kung minsan...
"Jad, anak... isn't it difficult to be in this kind of family?"
"It's not naman po. I am surrounded by people who love me e. Mommy is explaining things to me, little by little, since I was two and a half. She even made sure that I was ready and do understand the family that I have before going home here in the Philippines."
Doon naman thankful si Jana. Na kahit pa hindi lumaki ang bata sa tabi niya ng ilang taon, parang kilalang-kilala siya nito. Alam niyang hindi madamot si Ada kaya sa ganoong paraan niya pinalaki ang anak nila.
May mga pagkakataong nahihirapan kausapin ni Jana ang bata. Kahit kaka-limang taon lang nito ay para bang matanda ang kausap. At isa pa, sobra rin kung mag English.
~*~
JANA
Aaminin kong hindi na maalis sa akin ang care para kay Ada. Masyado kaming maraming pinagdaanan at pinagsaluhan para mawala 'yon sa akin. Naniniwala akong ganoon din naman siya sa akin. She'll always have a special place in my heart.
Noong una ay oo, nagalit ako sa kaniya kasi ilang taon din bago naging malinaw ang lahat. Isama mo pa na may anak pala kami. Pero hindi ko siya magawang sisihin sa lahat ng nangyari.
Ako siguro ang higit na nakakaalam kung paano ba si Ada bilang partner dahil nga hindi rin naman ganon-ganon lang ang tinagal namin. Sa mata ng nakararami, siya ang mali. Siya ang may kasalanan ng lahat. Kahit siya nga mismo ganoon ang naging pananaw. Pero para sa akin, may parte man siya o wala sa dahilan ng paghihiwalay namin, walang sisihan na dapat mangyari. Hindi rin naman ako naging perfect na partner sa loob ng pagsasama namin.
Siguro ay may mga dahilan siya na hindi ko maiintindihan kasi kung ako iyon ay iba ang magiging decision ko. Pero magkaiba kami kaya hindi dapat iyon kinukwestyon ng sino man o kahit ako mismo. Thankful pa rin ako sa kaniya sa kabila ng lahat dahil malaki ang naging role niya sa kung sino at ano na ako ngayon.
Thankful ako na naging matapang siya sa mga decision niyang ginawa. Somehow, naniniwala rin akong mabuti ay hindi pa kami kinasal. Kasi paano na lang kung kinasal kami bago nangyari ang mga ito diba? May plano at dahilan talaga Ang Diyos sa lahat.
Forever akong magiging thankful na kinaya ni Ada ang lahat ng ilang taon para kay Jad. Sa ngayon, si Jad talaga ang focus naming dalawa, ito naman din talaga ang gusto namin noon pa man. Hindi namin ginagawang hadlang ang kahit ano pa man pagdating sa bata.
Hindi ko ipagkakaila na patuloy pa rin akong naghi-heal. Pero hindi ko rin sinasara ang puso ko. Deserve ko naman na maging masaya ulit. Deserve namin ni Ada 'yon parehas kahit hindi na sa piling ng isa't isa.
~*~
ADA
Sa mata ng marami, siguro ng lahat, masama ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay iniwan ko si Jana na walang pasabi. I even promised that I will never do it again, but I failed to keep it. I know it was difficult for her since it took some years that all she's looking for and wanted was answers. Hindi sa pagiging selfish, pero hindi rin naman madali para sa'kin to come up with my decisions.
Maraming beses kong pinag-isipan iyon kahit mukhang out of impulsiveness lang kung bakit ako umalis ulit. I have sacrifices, too, especially the pleasure to be with Jana for the rest of our lives.
Mali ko talaga ang akuin yung kasalanan na hindi naman ako ang gumawa. Pero kung iisipin ay wala naman ibang puno't dulo ito kung hindi ako. I don't know if I can forgive my mom after all the things she did, kasi parang kahit sarili ko ay 'di ko pa rin napapatawad sa lahat ng sakit at hirap na naidulot ko. Lalong-lalo sa mga taong wala naman ibang ginawa kung hindi mahalin ako, lalo na si Jana.
Siguro ay wala akong karapatan i-share kung ano ba yung mga hirap na pinagdaanan ko rin, dahil nga ginusto ko naman ito. Kailangan kong panindigan ang decision ko. Kung titimbangin, magmumukhang mababaw ang dahilan ng pag-iwan ko sa taong mahal ko. Pero magkakaiba tayo kung paano natin tanggapin ang mga bagay.
Let's say we can't control things, pero ako ang higit na nakakaalam na hindi ako makabubuti para kay Jana. Sa loob ng pagsasama namin, oo may mga lapses din siya, pero mas maraming pagkakataon ang sakit at hirap lang ang nabigay ko. Kahit anong gusto ko, kahit anong subok kong maging better para sa kaniya, hindi ko nami-meet yung dapat na deserve niya. It's not that she's asking for it, pero sobra ko siyang mahal kaya ayaw kong mag settle siya sa less ng deserve niya.
Sobrang laking blessing ni Jad. When I got to know na dinadala ko siya, I badly wanted to go home and tell the news to Jana. Pero hinding-hindi ko gagawing rason ang pagkakaroon namin ng anak para lang mabura ang mga pagkakamali at kasalanan ko sa kaniya. Pinangako ko noon sa sarili ko na kakayanin ko dahil ito na lang ang pinaka mabuting magagawa ko, ito yung nakita kong way para masuklian lahat ng naibigay sa akin ni Jana.
I knew I needed to be strong for our son. Laking pasasalamat kong matalino ang bata, hindi naging mahirap para sa akin na ipaintindi ang pamilyang meron siya, pamilyang meron kami. Iba man ang nakagisnan niyang katuwang ko sa pagpapalaki sa kaniya, hindi ko itinago kay Jad kung sino si Jana sa buhay niya.
Being in a relationship again will never be my priority. Ilang beses ko na rin inaalam sa sarili ko if ready na ba ako ulit, but I think it will take a lot of time pa. Right now, kay Jad lang talaga ang focus ko. I know mukhang may relationship kami ni Lian because of how we treat each other. I am very thankful when Lian came into my life. Pero kaibigan ko lang talaga siya, ewan ko lang sa kaniya baka totoo na pala yung mga biro niya. Chos. But kidding aside, alam naman din niya na hindi pa talaga ako ready ulit. Hindi ganoon kadali magmahal ulit.
Sometimes, we still got our hopes up especially when we are spending time as a family for Jad. Pero the situation is too complicated to get back together. Jad once told me na may bisita ang Mamu niya, he calls her Tita Erich. Sabi ng anak ko, baka raw bagong partner ng Mamu niya. Observant si Jad, hindi niya naman iyon sasabihin basta lang. Yes, may kirot somehow kasi I should be that woman e. Pero ayon nga, wala naman na rin akong ibang gusto kung hindi makahanap si Jana ng talagang deserve nila ang isa't isa.
I'm happy that everyone is happy and at peace now. I can say na ito talaga ang rason kung bakit nangyari ang lahat. We needed to separate our ways so that we can have genuine happiness. Ito rin naman talaga ang gusto kong maging results ng mga sacrifices ko.
In life, there will be circumstances that we can't avoid. It includes sacrifices, to a great extent of it. But have you heard of the famous saying that goes "Everything happens for a reason"? Kasi totoo pala talaga iyon. We may not know right now kung ano ba talagang rason, pero eventually malalaman din natin yung kasagutan.
It's not a maybe anymore. You really can't be with the antagonist of your life.
I was, once, and I guess forever will be, the antagonist of her life.
It is still a sweet ending after all.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
De TodoIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...
