Chapter 19

2.4K 80 1
                                    

JANA

One month. Isang buwan na ang nakalipas mula nang maging cold ang pakikitungo sa akin ni Ada.

Hindi na siya pumupunta sa unit ko. Hindi na siya sumasabay sa akin tuwing papasok, nagpapahatid at nagpapasundo na lang siya sa driver nila o kung minsan ay nag ta-taxi.

Naiba rin ang hitsura ng opisina namin. Pinalagyan niya ng harang ang pagitan ng mga lamesa namin. Nagmukha tuloy cubicles ang mga pwesto namin.

Maging ang kwarto sa loob ng opisina ay nabago. Nagulat na lang ako ng makita kong may isang brand new sofa bed na katapat ng kama.

Ibang-iba na ang lahat matapos ang isang buwan. Hindi ba dapat, ako ang cold dito dahil iyon ang personality ko? Pero bakit lumambot ako pagdating kay Ada? Bakit parang gustong gusto ko siya suyuin para bumalik ang dating pakikitungo niya sa akin?

Hindi napansin ni tito Adrian ang sitwasyon namin ni Ada. Sa tuwing kaharap kasi namin ito, nagpapanggap si Ada na ayos lang ang lahat sa amin.

Napaka-awkward rin sa tuwing nagkakasabay kami, tuwing magkakatinginin at kung ano pa. Minsan pa nga, nag complement ang outfit namin sa isa't isa kahit di naman kami nag usap. Sobrang awkward talaga noon kaya si Ada, nagpalit ng damit niya.

Hindi ko na rin alam kung paano ako gagalaw maging sa opisina, sa school, at sa condo. Kahit saan kasi ako magpunta, nandoon siya. Mabuti na lang at bakasyon na. Nabawasan ang pagkikita namin.

Sunday ngayon at tumawag ang Mama ko. Umuwi naman daw ako sa bahay namin, nami-miss na raw nila ako. Hay Mama, miss ko na rin si Ada.

Ano ba 'tong sinasabi ko?

Nag impake ako ng ilang mga damit. Baka kasi mas okay kung doon muna ako sa bahay kaysa sa unit ko.

Paglabas ko ng pinto, papasok naman si Ada sa unit niya. Nagkatinginan kami at bago pa ako ngumiti, nag iwas na siya ng tingin.

Mukhang nahihirapan si Ada na buksan ang pinto niya. Pwede naman siya humingi ng tulong sa akin. Pero never niya ng ginawa iyon.

Hinila ko ang maliit na trolley upang tuluyang isara ang unit ko. Dumiretso na rin ako sa elevator para makauwi na at makapag pahinga. Siguro ay mag file muna ako ng 1 week vacation leave sa office para masulit ang oras kasama sila Mama.

Sa lobby muna ako nag tungo para sabihan ang staff ng condo na mawawala muna ako ng isang linggo. Magpapa-housekeeping ako bago bumalik.

Dumiretso ako sa parking at hinanap ang auto ko. Habang pinapainit ko ang engine, naisip kong 'wag muna isipin ang trabaho pati na si Ada. Kasi hindi ko naman talaga dapat siya iniisip. Ewan ko ba sa utak ko. Magrerelax na muna ako.

Pagdating ko sa bahay namin, si kuya ang sumalubong sa akin. Kakaiba ang vibes nito. Para siyang nanalo sa lotto dahil sa ngiti niya. Ganyan niya ba ako ka-miss?

"What's up my dear little sister?" Masiglang sabi nito habang tinulungan akong ilabas ang mga gamit ko.

"I'm not 'little' anymore. I'm good by the way." Walang gana kong sagot sa kaniya.

"Hoy, Sherry kahit gaano ka pa lumaki, kahit magka boyfriend ka pa, little sister pa rin kita at baby ka pa rin namin nila Mama." Pag sermon ng kuya ko.

Ganon sana kuya. Boyfriend sana.

"Whatever." Yun na lamang ang nasagot ko.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Inexpect ko na hindi ko makikita si Papa dahil napaka workaholic din niya kaya naman na-surprise ako nang makitang naglalambingan sila ni Mama sa sala.

"I'm home." Walang gana kong sabi.

"Buti naman at umuwi ka. Nagluto ako ng paborito mo. Sige na, magbihis ka na muna at kakain na tayo." Saad ni Mama.

Napatigil ako dahil pinigilan ako ng mga magulang ko nang makita nila ang trolley na bitbit ni kuya.

"Hep hep. Jana Sherry, anong ibig sabihin nito? Naglayas ka ba sa sarili mong condo?" Tanong ni Papa.

"Papa, hindi naman yata pwede maglayas mula sa sarili kong condo tapos ako lang nakatira." Muntik na akong mapa-irap dito.

"E bakit ka may dala kang mga gamit mo?" Tanong ni Mama.

"Mama, Papa, last time I checked, dito rin naman nakatira si Sherry. Nagkaroon lang siya ng sarili niyang condo, pero bahay niya rin to." Pag singit ni kuya.

I mouthed 'thanks' to kuya. Tumingin muna ulit ako sa mga magulang ko bago tuluyang umakyat sa kwarto ko.

Kasunod ko si kuya dahil bitbit niya pa rin ang ilan sa mga gamit ko.

"Bumaba ka agad ha? Gutom na ako e. Tsaka may sasabihin kami sayo." Kuya said then winked.

Inirapan ko lang siya at kinuha ang mga gamit ko bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Kanina pa kami magkasama, sana sinabi niya na agad. Pero teka, ano naman kaya yung sasabihin nila sa akin?

Gaya ng sabi ni Mama, nagbihis lang ako at bumaba na rin. Nasa dining na silang lahat pagbaba ko.

Naglaway naman ako nang makita ang mga paborito kong ulam na nakahain sa mesa. Birthday ko ba?

"Hindi mo birthday. Hinain lang talaga 'yan para sa'yo kasi ngayon ka na lang ulit namin makakasabay kumain." Nasabi ko yata ang nasa isip ko kaya sinagot ako ni Mama.

"1 week bang ganito yung ulam, Mamsh? Mag stay ako dito ng 1 week e." Tanong ko kay Mama.

"Gusto mo 1 month pa e." Sabi naman ni Papa.

Napangiti na lang ako. Nakakamiss nga silang kasabay kumain.

"Ano nga po pala yung sasabihin niyo?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Magkakaron ka na ng bunsong kapatid, anak. Buntis ang mama mo." Seryosong sabi ni Papa.

Sabay na tumawa si Mama at kuya. Minsan talaga, itong si Papa, puro kalokohan.

Napa-iling na lang ako.

"Mabuti pa siguro si Josh ang magsabi sayo." Parang nae-excite na sabi ni Mama.

Tumingin ako kay kuya at nakitang namumula ang tenga nito. Teka, kinikilig ba siya?

Hindi ko na iyon pinansin dahil mukhang wala naman siyang balak magsalita. Nagsalin ako ng juice sa baso ko at uminom.

"Ikakasal na ako, bunso." Nabuga ko ang iniinom kong juice dahil sa pagkabigla sa sinabi ni kuya.

Kaya ba bigla nila akong pinauwi?

Kanino naman ikakasal itong kuya ko? Kawawa naman yung magiging sister-in-law ko.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon