Chapter 38

666 25 0
                                    

JANA

Mga 6:30 PM na rin nung i-discharge si Ada. Tahimik lang yung naging byahe pauwi sa bahay nila dahil minabuti kong patulugin siya para makapag pahinga pa.

Pagkahatid ko sa kaniya sa bahay nila ay agad din naman akong umuwi sa amin, kahit pinapag stay pa ako ni Tito.

Pagkauwi ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para mag freshen-up. Pagtapos ay humiga na sa kama para sana magpahinga rin. Pero biglang tumunog yung phone ko.

1 new message
From: Ada Gaile
Thank you for taking care of me, and for driving me home.

Nagulat ako sa text na 'yon. Hindi ko kasi inaasahang ito pa rin yung number niya.

Bakit kaya 'to nag cellphone agad? Baka mabinat pa. Ang kulit talaga.

To: Ada Gaile
No biggies. 'Wag ka na muna mag phone, take a rest.
Message sent

Sana bukas, makabisita ako sa kaniya sa bahay nila.

~*~

ADA

After a long stay in the hospital, I am now able to move freely because I'm home. I had such a nice sleep.

Pag gising ko from my sleep last night, the sun is already bright. Para akong baguhan dito sa bahay, ang tagal ko yata talagang nawala. Nakakapanibago, but nothing felt like home.

Si Dad lang at isang kasambahay ang sumalubong sa amin ni Jana kagabi. Hindi na ako nagtanong pa kung nasaan yung ibang parte ng pamilya namin, naisip ko na kasing malalaman ko rin naman ngayong umaga.

Hirap pa akong ikilos yung part na tinamaan ng bala, hindi pa rin kasi tuluyang gumagaling yung sugat. Pagkaligo ay dumiretso na ako sa kusina para sa late breakfast ko.

"Gising ka na pala, kumain ka na riyan dahil kailangan mong inumin yung mga vitamins mo." Sabi ng isang kasambahay namin.

"Opo, nay. Nasaan po silang lahat?" Tanong ko rito.

"Ah.. ang daddy mo ay maagang umalis para asikasuhin yung imbestigasyon sa nangyari at sa pagsasampa ng kaso. Binilinan niya akong asikasuhin ka, babalik daw siya bago mag tanghalian. Ang kuya mo naman ay halos kaaalis lang bago ka bumaba rito." Pagpapaliwanag niya.

Si ate kasi siyempre sa sariling bahay na nila nakatira. Pero malapit lang naman 'yon dito. Kami nina Dad at Kuya lang ang nakatira rito. Si Mom? Baka bumalik na roon sa California.

"Ang mommy mo nga pala ay lumipad na pabalik ng California noong malaman naming gising ka na." Dagdag niya.

Tumango at ngumiti lang ako bilang tugon. Gets ko naman na ayaw talagang nag i-stay ni Mommy rito. Pero sana man lang binisita niya ako sa hospital. Mas nanay pa dating sa akin nung Mama ni Jana e.

Pagkaubos ng pagkain ay ininom ko na rin yung vitamins at hinugasan ang pinagkainan ko.

Paakyat na sana ulit ako sa kwarto when someone came. I almost fell from the stairs, surprised that this person is here.

Jana immediately run to me. Muntik lang naman akong malaglag, kung makatakbo naman 'to. Superwoman ka gorl? Charot. Oo, si Jana nga yung dumating.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon