JANA
Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat. Mahirap. Masakit. Ang daming tanong. Ang daming paliwanag na gustong marinig.
Pero para saan pa?
Nakita ko kung paano siya ngayon. Iba yung aura na bumabalot sa kaniya. Hindi siya naging ganiyan kasaya nung nasa piling ko siya.
Nakita ko kung paano siya tignan nung kasama niya. Ganon ko siya tignan noon pero siguro mas lamang yung sa kasama niya ngayon.
Hindi na ako para maghabol sa relasyon namin. Sa buhay, kahit gaano kahirap at kasakit, talagang may mga sacrifices na kailangan kang gawin para sa ikatatahimik ng lahat.
Totoo pala talaga na kapag mahal mo, papakawalan mo. Pag mahal mo, hahayaan mong sumaya. Kahit pa hindi na ikaw yung kasama.
Yung bata, yung anak ko... Hindi na ako naghabol kasi anong alam ko sa pagpapalaki ng anak? Mas alam ni Ada yun. May tiwala ako kay Ada, alam kong kaya niya palakihin ng maayos at mabuting tao si Jad.
Alam kong kailangan din ako ni Jad. Kaya nga aayusin namin ang set up. Ayaw naming maramdaman ni Jad na sobrang weird at complicated ng pamilya at buhay na meron siya. He is a blessing, he's a product of love. Hanggat maaari, gusto naming iparamdam sa kaniya na kakaiba man sa paningin ng marami ang pamilya namin, hindi yon hadlang para maramdaman niyang punong-puno ng pagmamahal ang paligid niya.
Nung malaman ng mga magulang namin ang tungkol sa bata, siyempre nagalit sila kay Ada. Pero nakita nila kung paano naitaguyod ni Ada si Jad ng ilang taon habang mag-isa lang siya. Hindi na rin nangealam sa desisyon namin ang mga magulang ko kahit gaano sila kasabik sa apo nila. Pinaliwanag ko naman na kahit anong oras, pwede naming hiramin yung bata.
Pagtapos nung pag-uusap namin, wala na akong ibang gustong gawin kundi magtrabaho para maibigay sa anak ko ang buhay na deserve niya. Lahat ng ginagawa ko ay para na sa kaniya.
Yung pag-ibig, hindi ko priority sa ngayon. Masyado pang masakit. Hindi pa ako handang umibig ulit. Pero hindi ko isinasara ang puso ko. Kung pwedeng si Ada ulit, mas malugod kong tatanggapin. Pero alam ko na sa sarili ko, tanggap ko na, tama siya. Mas makakabuti para sa lahat ang ganito.
Wala akong pinagsisisihan sa mga pinagsamahan namin. Lahat 'yon habang buhay kong ite-treasure. Pero panahon na rin para piliin ko naman ang sarili ko, para na rin sa anak namin.
Natapos man ang kwento naming dalawa bilang mag partner, hindi naman matatapos ang role namin bilang magulang ni Jad. Doon ako nagpapasalamat. Hindi na kami "partners" na as in partners, pero magkatuwang pa rin kami bilang magulang nung bata.
Sobrang nagpapasalamat ako na dumating si Jad. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hanggang ngayon ay lugmok pa rin ako't naghahanap sa taong ayaw magpakita at naghahanap ng mga kasagutan.
Maybe, you can't really be with the antagonist of your life.
Or maybe, I am really the antagonist of her life.
So, this is how our ending looked like.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...