JANA
"ADA GAILE!"
Yan ang huling salita na lumabas sa bibig ko bago humandusay si Ada sa harapan ko. Akala ko, perfect na ang gabing ito. Pero dapat nagtiwala ako sa instincts ko.
Hindi pa man ako nakakaalis ng bahay kanina, ayoko ng tumuloy sa event. Yung mga weird na pangyayari gaya nung encounter ko sa dilaw na kotse, pati na yung pakiramdam na may nagmamanman sa akin. Signs 'yon pero binalewala ko.
The unfamiliar sound came from a gun. Nabaril si Ada dahil sa akin. She saved me from the gunshot. Iyon din ang rason kung bakit bigla na lang natapos ang event.
Hindi ko man lang nakita agad na may nagtangkang bumaril sa akin. Hindi na sana nabaril si Ada. Ang pinaka masakit pa sa lahat, nakatakas yung suspect ng hindi man lang nalalaman kung sino siya o anong motibo niya.
Kapag natukoy na kung sino siya, hinding-hindi ko papalagpasin ang pagkakataon para mabigyan siya ng karampatang parusa.
Mabuti na lang at mabilis na dumating ang ambulansya para madala si Ada sa hospital. Si kuya Adrien yung nakasama sa ambulance para dalahin si Ada sa Emergency Area ng hospital. Si Tito Adrian ay inasikaso saglit yung mga bisita kasi baka bumalik yung gunman, mas maraming buhay pa yung malagay sa panganib. Nagbigay lang siya ng command sa mga tauhan at pinuntahan si Ada sa hospital.
Hindi naman sa inuna pa ni Tito yung mga bisita kaysa sa anak niya. Masamang damo naman daw anak niya so 'di pa mamamatay. Charot. Alam niya raw na hindi bibitaw si Ada, isa pa, kasama naman daw ni Ada ang kuya niya.
Kasabay kong pumunta sa hospital sina Tito Adrian, pati na yung pamilya ni Ada at pamilya ko. Tinawagan ni Tito si Kuya Adrien para itanong kung saang hospital dinala si Ada. Pero sa sobrang panic ng nasa kabilang linya, hindi maintindihan ang sagot niya. Pumunta na lang kami sa pinaka malapit na hospital since doon posibleng dinala si Ada.
Pagdating namin sa Emergency Entrance, agad na nagtanong si Tito sa nurse na nakasalubong namin.
"Kamusta na po yung babaeng nabaril na dinala rito? Nasaan po siya?" Tanong ni Tito.
"Ah, yung victim ng gunshot, sir? Kayo po ba ang relative ng patient?" Tanong naman ng nurse.
"I am her father. Nasaan na siya at kamusta ang lagay niya?" Nagpapanic na tanong ulit ni tito.
"Ay hindi po halata na tatay ka na, akala ko binata ka pa. Ang pogi mo kasi. Hihihi." Kinikilig na sabi ng nurse.
Napa-facepalm na lang ako. Ano bang klaseng hospital 'to bakit may ganitong staff?
"Nurse, pwede ba sabihin mo na lang nasaan yung anak ko?" Nag aalala ang tono na pakiusap ni tito.
"Aba, malay ko. Anak mo 'yon tapos sa akin mo hinahanap. E hindi naman tayo magkakilala." Sagot ng nurse.
Alam ko namang may saltik si Ada pero bakit parang sa mental hospital agad dinala, e gunshot naman yung nangyari sa kaniya? Ito namang nurse, nurse ba talaga 'to o naka-costume lang. Ang sakit sa bangs e.
"Nurse! Yung anak ko nga e yung dinala rito, yung nabaril!" Pagtataas ng boses ni tito doon sa nurse.
"Oh, wag ka sumigaw. Ayon pala yung hinahanap mo? Yung babae na dinala rito kasi nabaril?" Tanong ng nurse.
Walang ganang tumango si Tito bilang sagot.
"Dead on arrival na nung paglabas ng ambulansya e." Sabi ng nurse at umalis na.
Dead on arrival
Dead on arrival
Dead on arrival
Gumuho ang mundo ko dahil sa paulit-ulit na pagpe-play ng mga salitang iyon sa utak ko. Hindi pwedeng mawala si Ada! Kauuwi niya lang, mag-uusap pa kami. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Nagulat din ang lahat ng kasama namin dahil sa ibinalita ng nurse. Sabay-sabay na lumuha ang bawat isa, ramdam ang sakit sa bawat hikbi. Ayoko sanang tignan si Tito dahil nagi-guilty ako sa nangyari. Kung hindi dahil sa akin, nandito pa si Ada ngayon.
Nakita ko sa mga mata ni Tito kung gaano kawasak ang puso niya dahil sa nangyari kay Ada.
"Si Ada.. ang bunso ko.." pag-iyak ni Tito.
Natigil ang mga iyak nang mag ring ang phone ni Tito.
"Hello, Adrien? Nandito na kami sa hospital. Nasa morgue na ba kayo? Pupunta kami riyan." Patuloy sa pag-iyak na sabi ni Tito.
Ni-loud speaker niya ang phone para marinig namin ang usapan nila.
"Ha? Anong morgue? Sinong patay? Nasaan na ba kayo, dad?" Nagtatakang tanong ni kuya Adrien.
"Nandito sa Emergency Area ng Fortune Hospital. Nasaan ka ba banda? Pupuntahan ka namin." Tanong ni Tito.
"Anong ginagawa niyo riyan? Dito sa Love and Hope Hospital dinala si Ada. Pumunta na nga kayo rito, patapos na yung operation na ginawa sa kaniya." Napa-piksi pang sagot ni kuya Adrien at nag end na yung call.
All along, nagsayang kami ng luha. Iniyakan namin yung tao na nasa kasagsagan pa lang ng operation.
Bwisit na hospital 'to. Lalo na yung nurse na nakausap namin. Parang nakawala sa mental amp.
Nagmadali na kaming pumunta sa hospital kung nasaan talaga si Ada. Pagdating namin ay nasa ICU na siya.
Maayos naman daw ang vital signs niya pero hindi pa ganoon ka-stable. Kung hindi magiging maayos ang lagay niya, 'di ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Matindi ang tama ng bala sa balikat niya. At kailangan din ng matinding pahinga ng katawan niya dahil sa ginawang surgery sa kaniya. Sabi ng doktor, anytime pwede na siya magising pero hindi pa siya pwede ilipat sa regular room.
Salamat naman at buhay si Ada. Sabi na e, masamang damo talaga. Hehe joke.
"Dito nagtatrabaho si CK, dad. Yung kapatid ni kuya Chandler. Siya yung nag assist kay Ada pagkadala sa Emergency." Nag-uusap usap yung family ni Ada at na-share yon bigla ni kuya Adrien.
Si kuya Chandler ay ang kanilang brother-in-law. Asawa ni ate Adeline, yung panganay nilang kapatid.
Kung sinoman si CK, thank you sa kaniya kasi inasikaso niya si Ada.
Napanatag na ang loob ng lahat dahil sobrang laking relief na buhay si Ada. Gusto na kaming pauwiin ni tito para makapag pahinga na dahil ang haba ng araw na ito. Ayoko sana dahil mas okay kung makikita ako ni Ada kapag nagising na siya. Pero hindi pumayag si Papa na hindi ako uuwi.
Don't worry, Ada. Babalik ako rito bukas ng maaga para bantayan ka. Kapit lang, ha? Magiging okay ka rin at mahuhuli rin ang salarin.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...