JANA
May siyam na buwan siguro mula nung umalis si Ada bago mag decide si tito na ituloy yung anniversary celebration.
Kahit matagal ng planado yung event, kahit plantsado ni Ada yung preparation, syempre may minor things pa rin na kailangan ng improvement or revision. Tumagal rin ng 2 weeks bago ma-finalize lahat.
Parang research paper lang, may revision at may super final output. Nakaka-relate ba kayo dyan?
To sum it up, halos sampung buwan na mula nung umalis si Ada. Kahit wala siya sa paligid ko, lagi ko siyang naiisip. Mas lalo ko lang narealize kung ano ba siya sa'kin. Kung ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.
Nalulungkot rin ako kasi wala siya sa event. Natatakot rin akong makita siya ulit. Ang dami kong what ifs.
Paano kung pagbalik niya, may boyfriend na siya? Habang malayo siya sa'kin, na-realize niya rin kaya kung ano yung feelings na meron siya towards me?
Na-carried away lang ba siya kaya niya ko hinalikan ten months ago? Or sinadya niya 'yon kasi may something siya sakin?
Pero joke, ang assuming ko naman pala.
Walang araw na lumipas na 'di ko tinanong sa sarili ko kung kamusta na kaya si Ada? Kumain na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Masaya kaya siya? Naiisip niya rin kaya ako?
Ada, nababaliw na ako. Umuwi ka na kasi.
~*~
ADA
Noong pinapunta ako sa Pilipinas, gustong gusto ko na bumalik agad ng California. I didn't expect na mas mamahalin ko yung Philippines kaysa kung saan ako lumaki.
Hindi ko alam kung yung bansa ba yung minahal ko o yung mga tao roon.
Sobrang na-miss ko yung California pero parang hindi ako kumpleto pagbaba ko pa lang ng airplane nung bumalik ako dito.
May 10 months na rin yata akong nandito. 10 months na hindi buo yung pakiramdam. Ginawa ko na lahat ng pwedeng gawin, maging happy lang ako at makalimot pero wala e.
Sa 10 months, isang tao lang yung naiisip ko. Pag naaalala ko siya, napapangiti ako ng wala sa oras. 'Pag naaalala ko yung huling bagay na ginawa namin, na naging dahilan kung bakit ako bumalik ng California, may kung ano sa tummy ko at abnormal yung heartbeat ko.
Walang araw na 'di ko siya naiisip. Kinakamusta ko siya sa sarili ko as if sasagot 'tong konsensya ko.
I even enrolled myself sa cooking classes para lang may magawa ako sa life ko at 'di ko siya maalala kahit once lang, pero no effect. Naka-meet ako ng new friends, sina Ann, Russ, Loraine, Ella, and Grapes. Pero lagi ko pa rin naiisip yung kurimaw na nasa Pilipinas.
Madalas akong mag hangout together with my cousins and friends pero hindi naman ako nag eenjoy kasi namimiss ko lang siya lalo.
At first, I'm really confused with my own feelings for this human. But as time goes by, I realized that may be, I like this creature.
Ayoko pa sana aminin sa sarili ko 'to pero nandito na e. Hindi ko nakita yung sarili ko in this kind of situation, pero sabi nga nila, expect the unexpected.
The human being that I'm talking about is none other than Jana.
"Sino nanaman kaya iniisip ng bunso namin?" Ate Dyann asked.
"Oo nga, love. She's spacing out again." Ate Aila added.
I just rolled my eyes at them. Wala na silang ibang ginawa kundi baby-hin ako.
Ate Shayla Lewis Garcia, Aila for short, is my cousin, dito na rin siya lumaki sa San Diego pero never nakalimutan mag tagalog.
Si Ate Dyann Charlie Belleza, Dyann for short (pronounced as DAYAN), naman is ate Aila's wife. Yes, wife - as in asawa. Lintik.
Kaya rin siguro naging open akong makipag friends sa mga member ng LGBTQIA+ ay dahil sa kanila.
Same sila ng age, malapit na rin yata silang magkaroon ng baby. May food business sila na open for franchising, 'di ko alam paano sila naging successful at a very young age. Siguro networking, chour.
"I'm not spacing out. Iniisip ko lang bakit sasama kayo sa'kin pagbalik ko ng Pilipinas. Ano kayo? Buntot?" Mataray kong sabi.
"Correction! Sasabay lang kami, hindi sasama. Magkaiba 'yon." Sabi ni ate Aila.
"Whatever. Ang yaman niyo pareho tapos makikisabay lang kayo sa'kin. Dapat nga ilibre niyo na lang ako ng plane ticket e. Baka ako pa manlibre sa inyo in the end." Bubulong-bulong kong sabi.
"Sino ba kasi nagsabing kailangan mo bumili ng plane ticket? Sa Private plane tayo sasakay kasi we need to go to the Philippines ASAP." Sagot naman ni ate Dyann.
Parang kinabahan naman ako bigla roon. Bakit nagmamadali silang pumunta ng Pilipinas? E ako nga hindi pa ready, bagahe ko lang yung ready.
"'Wag kayong maglalandian while we are riding the plane, please lang. Baka sipain ko kayo palabas ng plane." Pagbabanta ko sa kanila.
"Scary." Sagot nila parehas, tapos they stick their tongues out at the same time.
I rolled my eyes for the nth time. Patience, Ada. They're five years old kids trapped inside those bodies.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...