Chapter 32: Part 1

1.1K 38 0
                                    

JANA

Tito asked me na maging usherette muna dahil we're about to start in 10 minutes. Medyo marami pa ang bisita na nasa labas ng venue, nahirapan rin siguro sila sa paghahanap ng parking space.

"This celebration shouldn't start without Ada." I was surprised to hear this, ayon pala sina kuya Adrien, ate Adreline at Charlotte. May kasama silang tatlo pang babae na ngayon ko pa lang nakita.

"Hello po, designated po kayo doon sa table beside the stage." I told kuya Adrien.

They just nod and smile. Bumalik ang tingin ko sa labas ng venue. They're right, this shouldn't start without Ada.

Nakita ko nanaman yung dilaw na kotse. Is it just me or weird talaga 'tong gabi na 'to? From this car, to Tito Adrian, back to this car. I asked a guard to check kung sino ba yung nasa loob ng kotse, baka kasi bisita ni Tito tapos may struggle sa kotse. Pero sobrang weird kasi nung lalapit na yung guard, humarurot ng takbo paalis yung kotse.

Hindi ko na lang pinansin at tumingin na lang sa langit. Ada, kung nasaan ka man dyan sa California, sana mag ingat ka dyan. I hope nandito ka ngayon para makita mo yung pinaghirapan mong event. Everything is perfect, just like how you want it. Super proud ang Dad mo dahil sa event na ito kahit 'di pa man nagsisimula. Syempre, proud din ako sa'yo. Sayang lang 'di mo nakikita 'to ngayon. I'm sure sobrang saya mo kung nandito ka at nasasaksihan yung pinaghirapan mo.

Ang weird nga ng Dad mo e. May isang vacant seat sa table ng family niyo. Nakalaan yata yun para sa'yo. Dadating ka kaya? Pero imposible e. Ang layo layo mo. Ikaw dapat yung MC di'ba? Sabi mo pa nga partner tayo para pag napagod ka magsalita, I'll take over. Ayun, nahirapan tuloy kami maghanap ng MC. Tinanggihan ko kasi nung inalok ako ng Dad mo. Papayag lang ako kung ikaw yung partner ko na maging MC.

Mag start na yung programme. Buti na lang may nahanap yung Dad mo na MC. Actually, ka-boses mo nga siya e--- WAIT, WHAT?!

Naialis ko ang tingin ko sa langit at bigla akong humarap sa stage. Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Ada 'yon.

Tumakbo ako papunta sa seat ko para i-check kung si Ada ba talaga yung nag microphone and sound check. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nabibingi ako sa mismong heartbeat ko.

"Sound check.. Hello?" Sabi ulit nung boses na hindi talaga ako pwedeng magkamali, si Ada 'yon.

Hindi titibok ng ganito yung puso ko kung hindi si Ada 'yon.

Hindi ako mapakali sa upuan ko, nasa backstage pa kasi yung nagsasalita kaya hindi ko ma-confirm kung si Ada 'yon. Pero sure talaga ako e, siya 'yon.

My world crushed when the person behind that voice came out. Hindi pala si Ada..













































































Or so I thought.

Thank God! Ada Gaile came home.

~*~

ADA

Dad told me na maunang pumunta sa venue dahil nga ako ang MC. Naka-plan na 'yon even before ako mag runaway. Hehehe. I asked kuya Adrien na isabay sila ate Ayla papunta sa event place.

Sabi ko kay Dad, kailangan ko ng kapalitan sa pagsasalita lalo na kapag mag i-speech na ako. Hindi na lang ako mag speech kung walang kapalitan. Sabi ni Dad, siya na raw bahala.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon