ADA
Three months na rin since si Jana yung lagi kong kasama. Kaya look at us now, we look like some bitch bestfriends.
Masaya ako sa closeness namin ng babaeng 'to. I felt something nice and I don't know how to explain it. Basta, she is a comfy person.
Three months na kaming busy, 24/7 yun walang palya. Minsan nga nalilimutan na namin kumain e. Kaya may alarms and notes yung gadgets namin to remind us that we need to full our tanks.
Siguro naman, yung isang araw na pagpapahinga, pag liliwaliw ay hindi masama laban sa tatlong buwan na walang palyang trabaho.
I decided to encourage Jana to go to the mall.
"Sherry naman e. Minsan lang tayo mag fun time. Wag kang KJ."
"But we still have 25 pages to study." Diretsong sagot niya na hindi man lang ako tinitignan.
"Edi kung ayaw mo, ako na lang." Sabi ko at niligpit na ang module na hawak ko saka bumalik sa unit ko.
Talagang pupunta ako sa mall noh kahit mag-isa lang ako. Maloloka na ako, sobrang tagal ko ng hindi nag eenjoy sa life.
~*~
Nagbihis lang ako at dumiretso na sa mall. Mag isa lang ako kaya sa Timezone ako dinala ng mga paa ko. Mabuti na lang dala ko yung Timezone Card ko.
Hindi masyadong matao rito dahil exclusive lang 'to para sa mga village residents.
Napunta ako sa tapat ng magkakahilerang Claw Machine. Sa tanang buhay ko, kahit nung nasa California pa ako, never pa akong nakakuha ng prize sa machine na ito. Tanging tickets at candies lang ang kaya ng powers ko.
One machine caught my attention. It was a Hello Kitty inspired Claw Machine. Of course, everything in it has something to do with my favorite cartoon character.
Merong powerbank na Hello Kitty sa loob and I badly wanted to have it.
Some of you will say, kaya ko naman bilihin 'yon pero bakit mas pipiliin ko pang magsayang ng panahon at pahirapan pa yung sarili ko dahil sa machine na 'yon.
Guys kasi isa sa pinaka masayang idea sa mundo ay yung makukuha mo yung gusto mo dahil pinaghirapan mo. Yun bang dugo, pawis, libag yung binuhos mo para lang ma-achieve yung reward.
Ini-swipe ko na ang card para ma-activate ang game. First try, nganga. Nag swipe ako ulit. Dito na yata mauubos yung load ng card ko. Second try, wala pa rin.
Nung pangatlong swipe ko pakiramdam ko ito na yung chance ko para makuha yung powerbank.
Tinarget ko yung powerbank. Nasa center iyon ng claw kapag pinindot ko na ang button. Hinihintay ko lang na huminto yung pag shake ng claw nang biglang... MAY PUMINDOT NG BUTTON!!
SA SOBRANG INIS KO, HINARAP KO KAAGAD YUNG TAO NA PUMINDOT NG BUTTON! WALANG HIYA SIYA KUNG SINOMAN SIYA. SINIRA NIYA YUNG PAGKAKATAON NA MAKUHA KO YUNG POWERBANK!!!
Pero mas nakakagulat ang nangyari. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ng taong pumindot ng button. At alam niyo ba kung sino ito? Siyempre, si Sherry.
"Oh, bakit ka natulala?" Sabi niya.
Namuo nanaman ang puot at galit sa damdamin ko kaya tinapakan ko yung paa niya.
"Ouch! Ano ba?! Why did you do that?!" Inis na tanong nito habang pinapagpag ang bagong-bago niyang FILA shoes.
"I was about to catch my prize and you ruined it!" Sabi ko rito habang naka cross arms.
"Really?" Nakataas kilay niyang tanong.
"Yes! Cause you press the button while the claw's still shaking! And now I did not get my prize!" Sabi ko sa kaniya na naka kunot-noo.
"Are you sure you didn't get it?" Tanong niya.
"Obviously!" Sigaw ko naman.
"Why don't you turn around and check it?" Habang sinasabi niya iyon, pinihit niya ang buong katawan ko paharap muli sa machine. Hindi ko rin alam paano niya nagawa 'yon.
Laking gulat ko ng makita ang machine. Wala na sa loob ang powerbank pati na yung isang stuffed toy na hello kitty.
Chineck ko ang prize out at... Charan, she hits two birds with one stone.
Kinuha ko agad ang mga iyon at sa sobrang tuwa, tumalon talon pa ako. Hinarap ko siya tapos niyakap. I even kiss her cheek repeatedly.
"Thank you, Sherry." Sabi ko while smiling.
"Para kang bata." Umiiling-iling niyang sabi.
"Are you okay?" Tanong ko rito nang mapansin ang pamumula ng kaniyang mukha.
"Y-yes, of course. Tara, sama ka sakin." Yaya nito sa akin.
Hindi pa man ako nakaka-oo, hinila niya na ako palabas ng Timezone. Dumiretso kami sa kotse niya, pinagbuksan pa ako ng pinto at kinabit ang seatbelt para sa akin.
"Last time I checked, hindi pa naman ako disabled para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan at ikabit mo yung seatbelt para sakin. And where the hell are we going?" Mahaba kong sabi ng makabalik siya sa driver's seat.
Pinaandar niya agad ang sasakyan without answering my question.
Approximately 30 minutes later...
"We're here." Sabi niya.
Did I mention na naka ngiti siya ngayon at she's beautiful when she's smiling?
"Where are we?" Tanong ko naman.
"Ada, welcome to our home sweet home." Ngiting-ngiti niyang sabi.
Napako yata ako sa car seat. Nanigas buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...