JANA
Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng unit ko. Kahit nasa loob ako ng kwarto, rinig ito dahil sa sobrang lakas.
Sinulyapan ko ang digital clock sa side table ko. Ano ba ngayon? Tsaka anong oras na ba?
Tuesday pala ngayon. Sa office ang pasok ko. 6:30 AM pa lang. Sino ba yung katok ng katok?! Kung sino man siya, ang laki niyang epal. Sinira niya ang panaginip ko!! Magtatapat na sakin si Adrien e. Leche.
Sunod-sunod pa rin ang malalakas na mga katok mula sa pinto. Pinuntahan ko na ito at baka masira pa yung pintuan ko.
"Gosh!! I am knocking for the nth time! Can't you hear it?!" Sigaw ng dyosang nasa harap ko.
Napa-tss na lang ako. Maganda nga, ang sungit naman.
"Is it really your habit to check me out?!" Mataray na sabi nito with matching cross-arms at taas ng kilay.
"No, miss. Why are you here? You ruined my dream." Masungit ko namang sabi.
"I don't care about your dream!! I'm going to ruin your life! This is all your fault!! Look at my fist!! It hurts." Pasigaw nitong sabi at humina ang boses niya nang sabihing masakit daw ang kamao niya.
Ano raw? Kasalanan ko? Like, hello?! Who's knocking in the first place?!
"Seryoso, Ada? Isisisi mo talaga sa'kin 'yang kamao mo? Sino bang tatanga-tanga na katok ng katok sa ganitong oras?! Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa Dad mo, malamang tinanggihan ko na siya sa pag-train sa'yo." Napa-irap na lang ako sa ideyang yon.
"Hey, I'm not good in Tagalog but I understand you!!" Naiirita niyang sabi.
Oo nga pala, di siya masyadong marunong mag Tagalog.
"Nasa Pilipinas ka na, Ada, pwede ka na mag Tagalog. Marunong ka naman e, maarte ka lang." Tunay kong sabi.
"What?! I'm not!! What time are we going to the office? That was really my purpose why I'm here." Medyo mahinahon niyang sabi habang sinisipat yung nga kuko niya.
"8:00 pa. Company niyo yung papasukan mo tapos hindi mo alam kung anong oras? Anak ka ba talaga ni Tito? Jusko. At 6:35 pa lang kaya shupi!!" Sabi ko sabay sarado ng pintuan.
Bastos na kung bastos. Nakakabwisit siya. Panira na nga ng panaginip, panira pa ng umaga. Hay!!!
May kasalanan ba akong nagawa Kay Lord at pinakilala Niya sa akin si Ada? Lord, kung mayroon man, patawarin Niyo po ako.
Hindi ko yata kakayanin ang araw-araw na pagsasama namin ni Ada.
Wait, what did I just say? Kagabi pa parang may mali sa mga term ko ah.
Bumalik na lang ako ng kwarto at hinanda na ang sarili sa pagpasok sa opisina. Bwisit na Ada yan.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...