JANA
Abot langit na talaga yung pagdadasal ko. Hindi ko na maintindihan yung kaba.
Matapos magbitiw si tito Adrian ng mga salitang iyon, halos gusto ko na umiyak. Naguguluhan ako, sa pagkaka-alala ko kasi, siya ang nag push sa amin ni Ada na marealize kung ano ba kami sa isa't isa.
Baka nagbago ang ihip ng hangin kaya ngayon ay hindi niya kami matanggap.
Matagal na nabalot ng katahimikan ang kwarto sa pangalawang pagkakataon. Alam ko this time, wala na yung maliit na boses na babasag sa katahimikan.
Nag aalangan nga ako kung dapat ba tanggalin ko yung magkahawak naming kamay ni Ada. Ang awkward naman, hindi kami tanggap ng Dad niya pero harap-harapan magka-holding hands kami.
Gusto ko rin sana makita ang reaksyon ni Ada, pero hiyang-hiya akong iangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
Naramdaman kong hinihimas ni Ada ang likod ng palad ko gamit ang hinlalaki niya. Napapisil ako sa kamay niya. Gusto kong sabihin sa kanya na nandito lang ako, at sana naintindihan niya 'yon through what I did.
"Love.." Natatawang tawag sa akin ni Ada.
Kung hindi ba naman abnormal 'tong girlfriend ko. Hindi na nga kami tanggap, nakuha pang maging masaya.
"Love, look at Daddy.." this time, hindi na niya napigilan ang sarili sa paghagikhik.
Sinunod ko ang sinabi niya, tinignan ko ang kanyang ama. Siguro kung may iniinom ako ngayon ay naibuga ko na. Sobrang pula ng mukha ni tito Adrian. Hindi dahil sa galit. Kundi dahil sa pagpipigil ng tawa.
"It's a prank." Saad ni Tito at tuluyan na ngang humalakhak.
Kung kanina ay mabigat ang sitwasyon, ngayon naman ay para bang nanalo sa lotto ang hitsura nito.
"But on serious note, disappointed talaga ako sa inyong dalawa. Kasi bakit late niyo na na-realize kung ano ang halaga ninyo sa buhay ng isa't isa? Kinailangan pang magkalayo kayo bago niyo makuha na nagmamahalan pala kayo. Kung walang magkukusa, parehas kayong naghihintayan." Mahabang sabi nito.
Galak ang nangingibabaw sa akin ngayon. Hindi ko akalain na buong pusong tatanggapin ng pamilya ni Ada ang tungkol sa amin.
"Ngayong nandyan na kayo, gusto ko lang sabihin na masayang-masaya ako. Anak na rin ang turing ko sa'yo, Jana, malaki ang bilib at tiwala ko sa'yo noon pa man. Pero sana 'wag mong i-take for granted 'yon. Alagaan, mahalin, at respetuhin mo si Ada, 'yon lang ang hiling ko.." pagse-seryoso nito.
"Opo, tito. Makakaasa po kayo." Sagot ko naman na may ngiti sa labi.
"Ada, anak.. ganoon din ang hiling ko sa'yo. Alagaan, mahalin, at respetuhin mo si Jana. Buo ang suporta ko sa inyong dalawa. Kahit pa sabihin niyo sa akin na magpapakasal na kayo bukas, ngayon pa lang ay ako pa ang hihila sa inyong dalawa para magpakasal na. Wala akong ibang gusto kung hindi maging masaya ang mga mahal ko sa buhay, lalong-lalo na ang mga anak ko, ang bunso ko." Pahayag nito.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...