Chapter 26: Part 2

2.3K 92 11
                                    

JANA

Wala na talaga siguro ako sa katinuan dahil sa sobrang pag-aalala kay Ada. Baka kasi may masamang nangyari kaya 'di niya sinasagot ang phone niya.

Ilang beses kong sinubukan na kontakin siya pero naka-off na talaga ang phone niya. Kaya ilang beses na rin akong naghe-hesitate na tawagan na si tito Adrian, baka sakaling may balita siya kung nasaan si Ada.

Kaya nagdadalawang-isip ako, baka kasi ako ang mayari kung pati siya hindi alam kung nasaan ang prinsesa niya.

Hindi ako papatulugin ng pag-aalala ko kaya tuluyan ko ng tawagan si tito.

Sa unang try, ring lang ng ring. Mag tatay nga sila ni Ada. Sa pangalawa, wala pa ring sumasagot. Mag gi-give up na sana ako, naisip ko na baka busy kaya hindi sumasagot. Pero sa pangatlong pagkakataon, he picked up the call.

"H-hello, tito Adrian?" Bungad ko rito. Halatang kabado ako.

"Oh, Jana. Napatawag ka yata. May problem ba?" Tanong nito sa akin.

Gusto ko sabihing "meron po, malaki po tito. Sing-laki ng anak niyo." Pero syempre 'di ko ginawa.

"A-ah e, wala naman p-po. May g-gusto lang po sana ako i-tanong?" Nauutal kong sabi.

"Ano yon, anak?" Malambing ang tono nito.

Naku tito, wag mo ako daanin sa ganiyan. Baka maging dragon ka pag nalaman mo ang problema.

Fini-figure out ko kung ano bang idadahilan ko kung sakaling hindi niya rin alam kung nasaan yung anak niya. 'Di ko naman kasi pwedeng sabihin na baka nag hangout kasama friends niya, wala dito sa bansa yung mga kaibigan niyang englishera gaya niya. 'Di ko rin naman pwedeng sabihin na nasa school or office dahil kung doon ang punta niya, dapat kasama ako, magtataka lalo si tito. Hay, ano bang idadahilan ko? Tulungan niyo naman ako.

Mag-isip ka, Jana Sherry. Isip. Isip. Isip. Is--- teka nga lang.

Bakit ba ako kinakabahan sa sasabihin ni tito? E hindi ko naman responsibility yung anak niya na 'yon. Tsaka malaki na 'yon, kaya niya na buto ni---

"Hello? Jana, nandyan ka pa ba?" Tanong mula sa kabilang linya.

Kausap ko nga pala si tito. Hehehe.

"Ahm.. opo, tito." Tipid kong sagot. Kinakabahan kasi talaga ako. Baka maihi ako ngayon 'pag nasabi ko na yung dapat kong sabihin.

"So, ano nga yung itatanong mo?"

"A-ahm, tito... Alam niyo po ba kung n-nasaan yung a-anak niyo?" Kabado kong tanong.

"Sino bang anak, Jana? Tatlo sila e. Sino sa kanila yung hinahanap mo?" Tanong naman nito pabalik.

Oo nga naman, self. May mga kapatid si Ada. My gahd, use your brain.

"Si Ada p-po, tito. Alam n-niyo po ba kung nasaan s-siya?" Kabadong-kabado pa rin ako.

"Si Ada?" Paglilinaw nito.

Naku, ito na nga ba yung sinasabi ko e. Sasabihin niya "bakit mo sakin tinatanong? Di ba dapat magkasama kayo by now?" Oh my gahd. Anong isasagot ko sa kaniya?!

"Ah o-opo, tito." Yung tibok ng puso ko nag times four, kung possible man iyon.

Ang tagal na hindi sumasagot ni tito Adrian. Naisip ko tuloy na baka busy talaga siya tapos inistorbo ko pa.

Pero ilang segundo pa ang nag tagal, may naririnig akong ibang boses mula sa kabilang linya. Boses ito ng isa pang lalaki at isang babae. Para silang nagbubulungan.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon