JANA
Makalipas ang ilang araw mula nang i-save ako ni Ada, hindi pa rin ako tinitigilan ni Lucy. Kaya napagkasunduan namin na kapag nandyan si Lucy, magpapanggap kaming dalawa. Pero salamat na lang dahil habang lumilipas ang araw, madalang na lang ang pang gugulo niya.
Dahil kay Lucy, naging mas malapit ang loob namin ni Ada sa isa't isa. Madalas siya sa unit ko, kulang na nga lang ay doon na siya matulog. Marami na rin kaming napag kwentuhan.
Dalawang linggo na lang, bakasyon na at panibagong school year nanaman ang nag hihintay. Pinaki-usapan ako ni tito Adrian na mag full time ako sa special task ko habang bakasyon. Pumayag naman ako dahil nakakabagot rin kung wala akong gagawin. Workaholic pa naman ako. Inalok pa ni tito ang increase sa sahod pero tinanggihan ko. Hindi naman na iba ang pamilya Garcia sa akin.
*Knock..knock*
"Come in." Saad ko.
"Ms. Jana, pinapatanong po ni Mr. President kung tapos niyo na raw po ba yung inventory report. Kailangan niya raw po i-check para ma-discuss sa meeting." Pahayag ng secretary ni tito.
"Inventory report? Kay Ada 'yan naka-assign. Ada?" Tawag ko sa babaeng kanina pa busy. Busy magtingin sa isang online shop.
"Yes?" Sagot nito na hindi man lang nagtapon ng tingin.
"Yung inventory report daw sabi ng Dad mo." Sagot ko at bumalik na ang focus sa laptop ko. May tinatapos rin kasi akong file at kanina pa nga ako nai-stress.
"Oh shoot!! Pasabi kay Daddy hindi ko pa tapos pero sisikapin ko matapos within this day." Sabi nito sa secretary.
Hindi ko na alam ang iba pang nangyari dahil naiinis na talaga ako sa tinatapos ko. Kanina pa may mali.
"Jana, could you help me with this?" Tawag-pansin ni Ada sa akin.
"Ada, I couldn't. May isang report pa akong tinatapos and I'm starting to lose my patience." Totoong sabi ko.
"I'll help you with that later. Unahin natin ito kasi kailangan sa meeting." Sabi niya naman.
"I really can't help you right now, okay?" Bakas na sa tono ko ang pagka-inis.
"Or if you want palit na lang tayo. Maybe that report would be easier for me." Suggestion naman niya.
Ano ba? Hindi ba siya nakaka-intindi? Lagi na lang siyang naka-kontra sa lahat ng sasabihin ko. Nakilala ko na yata ang antagonist ng buhay ko.
"Kung ako nga nahihirapan, ikaw pa kaya?" Sabi ko.
Napa-oh lang siya.
Mali yata ang nasabi ko. Hays, bahala na. Ang kulit niya naman kasi.
Hindi naman yata tama na ako ang tumatapos ng mga gawa ni Ada kapag may hindi siya naintindihan. Mukhang nasanay siya sa ganoon.
"Ada, hindi porque ako ang tumatapos ng reports na hindi mo maintindihan, magagawa ko na palagi. Kaya nga tine-train kita rito di'ba? Kaya nga ako nandito. 'Yan ang hirap sa'yo. Nasanay ka kasing umaasa palagi sa iba." Napataas ang boses ko out of frustration.
Nagulat siya sa naging reaction ko. Kahit ako, nagulat sa mga nasabi ko.
"I'm sorry. Frustrated at preoccupied lang ako." Napayuko na lang ako dahil sa nakita ko.
Nakita ko ang sakit na naramdaman niya. Kita iyon sa mga mata niya. Sumobra yata ako sa mga nasabi ko. Nangingilid yung luha sa mga mata niya. Ilang ulit rin siyang tumingin sa itaas para pigilang lumabas yung mga luha niya. Napa-kuyom ako ng kamao.
"What's the matter with you? Did I ask you to finish this fucking report? I am just asking if you could help me with it." Sakit na ang nababakas sa tono niya at nagsimula ng tumulo ang ilang luha na pinigilan niya.
"You can just say you couldn't. And you did. So, I suggested another option that maybe we could exchange.. but what did you do? You belittled me. Jana, you were the least person I know who will do that. But I guess I'm wrong." Ilang luha pa ang nag unahang lumabas sa magagandang mata ni Ada.
"You don't have to apologize tho. Totoo naman lahat ng sinabi mo. I am too dependent. Sa Dad ko, sa kuya ko, sa'yo. Sa mga taong nasa paligid ko." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya kasabay ng pagbitaw niya sa mga salita niya na halatang nasaktan.
Sinubukan niyang punasan at pigilan ang mga luha niya pero hindi niya nagawa. "Don't worry. This will be the last time na hihingi ako ng help sayo." Ngumiti siya ng mapait.
Umalis siya sa table at pumasok sa kwarto na nasa loob ng office namin.
Nice one, Jana. Nice one.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RastgeleIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...