Chapter 32: Part 2

1.3K 49 5
                                    

JANA

Nung marinig ko ang boses niya, alam kong kaniya yun kaya bumilis ang heartbeat ko. Pero nung makita ko na siya, dumoble ang bilis. Akala ko nga hihimatayin na ako.

Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko pero nangingibabaw yung kaligayahan kasi finally, nakita ko na ulit si Ada.

Tumakbo ang programme pero wala akong ibang ginawa kung hindi titigan si Ada. Hindi ko alam kung nagniningning ba talaga siya o dahil lang yun sa spotlight.

Masaya ko siyang pinapanood, sinusundan ko bawat galaw niya. Pero habang ginagawa ko 'yon, para ring may nanonood sa bawat galaw ko. Isinantabi ko ang pag aalalang iyon dahil wala na 'kong ibang gustong gawin kung hindi makausap si Ada.

Nang i-announce niya ang start ng dinner, nalungkot ako ng bahagya dahil pumunta na siya sa backstage.

I'm happy that she's here. Hindi dahil gusto ko siya makita, kung 'di dahil masaya ako para sa kaniya. Nasaksihan niya yung bunga ng paghihirap niya sa event na ito. Napaisip tuloy ako bigla, makakausap ko kaya siya ngayon? Baka hindi, masyadong busy dahil sa dami ng bisita. Pagtapos kaya nito, dito na ulit siya sa Pilipinas titira? Paano kung hindi? Kamusta na kaya siya? May nararamdaman din kaya siya para sa'kin? Sana wag na siya umalis ul---

"....hey, Jana, anak, are you even listening?" Tawag sakin ng tatay ko.

Yes, invited ang pamilya namin. Syempre, business partners sina Papa at Tito. At bukod doon ay matalik silang magkaibigan.

"Po?" Tanong ko sa tatay ko.

"Si tito Adrian mo, kanina ka pa kinakausap." Natatawang sagot nito.

"Hay naku, ang lalim yata ng iniisip mo, anak. Tara na at may ipapagawa ako sayo." Sabi ni Tito at hinatak na ako papunta kung saan.

"Uhm.. tito, bakit po tayo papunta sa backstage?" Naguguluhan at kinakabahan kong tanong.

"Alam mo naman kung gaano ka-arte iyong si Ada. May napag-usapan daw kayo, matagal niya ng nabanggit yon. Ikaw muna ang mag host dahil speech niya na ang susunod sa dinner..."  Tuloy-tuloy nitong sabi habang hatak pa rin ako.

Wala namang kaso sakin ang pagho-host. Pero bakit kailangan pa ako pumunta kung nasaan si Ada?

"...siya na yung mag o-orient sa'yo sa flow ng mga natitirang activities sa programme. Hindi ka na mahaharap ng mga tauhan dahil busy na sila sa pag asikaso ng mga bisita..." Pagpapatuloy nito.

Habang papalapit kami sa pupuntahan namin, para akong nabibingi at nawawala sa sarili. Para akong binubulungan ng isip ko na "yieeee makikita niya na si Ada". Badtrip di'ba pinapakilig ko lang sarili ko e.

"...iwan na kita dito ha, hintayin mo na lang siya matapos kumain. Siya na bahala sa'yo." Paalam ni Tito sabay kindat bago umalis.

Next thing I knew, nasa loob na kami ng tent house. At may babaeng nakatalikod mula sa amin. Ang likod na 'yan, kilala ko kung sino ang may-ari nito.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan kahit likod lamang ang nakikita ko. Halatang nag eenjoy siya sa pagkain niya. Wala pa ring pinagbago.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon