Chapter 4

3.6K 113 10
                                    

JANA

I went directly to my cubicle. Sabi ni tito Adrian, 'pag nakuha ko na lahat ng gamit ko, bumalik ako sa office niya. Siguro ay ibibigay niya ang huling sahod ko.

Seriously, pinapahirapan niya ba ako? His office is located on the 9th floor, while mine is located on the 4th. Kahit na sabihing may elevator, mahihirapan pa rin ako.

My co-workers near my spot asked me why am I getting my things. I just  gave them a bitter smile. Akala nila, I resigned. Sana nga ganoon na lang.

Pasakay na ulit ako ng elevator ng madaanan ko ang bulletin board. Nakalagay rito ang activities ng team. Kahit ang employee of the month ay rito rin pinapaskil.

Seryoso ba talaga si tito sa pag tanggal sa akin? I am the best employee for five consecutive months.

Napailing na lang ako at tuluyan ng sumakay sa elevator.

Siguro ay sa kumpanya na lang namin ako magtatrabaho.

Nang makarating ako sa tapat ng office ni tito, busy ito at may kausap na lalaki. Nakaupo ito sa kaliwang upuan sa harap ng lamesa niya. Hindi ko makita ang hitsura nito dahil nakatalikod ito mula sa pintuan.

Tito saw me and nod his head as a signal para pumasok ako.

Pinaupo niya ako sa kanang upuan sa harap ng mesa niya. Which means kaharap ko ang lalaking kausap niya.

Pasimple ko itong tinignan at ... JUSKO, LORD. NGAYON BA TALAGA AKO TATANGGALIN NI TITO ADRIAN?! WAG MUNA!! NGAYON PA NA NAHANAP KO NA ANG LALAKING PARA SAKIN?!

"Erm, done checking me out, miss?" Sabi ng gwapong nilalang sa harap ko.

Namula naman ako sa hiya at napayuko.

Natawa si tito sa inakto ko at nagsimulang ipakilala ako sa mapapang-asawa ko. Charot.

"Maybe she's mesmerized because, hey, you absolutely look like your dad.  I mean, you're handsome, son." Natatawang sabi ni tito.

Son? Tama ba ang narinig ko?

Parang nabasa naman ni tito ang sinabi ko.

"Yes, Jana. He is Adrien Eve Garcia. My unico ijo. Carbon copy ko ba?" May pa-wink pa na sabi ni tito.

"But how po? Diba you and tita Geneva are--" Nagtataka kong tanong but he cuts me off.

"Busy ba masyado ang mga magulang mo at hindi nila nasabi na nagkabalikan kami ni Geneva? Or baka ikaw ang busy." Tumatawa pa rin na sabi niya.

Ang alam ko kasi talaga naghiwalay sila. Hindi naman nabanggit ni Papa na nagkabalikan sila. At may anak pa nga?!

"Son, she is Jana Sherry DelaCruz. Anak ng ninong Jon mo."

What?! Inaanak pa pala siya ni Papa?!

Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 20 ang edad nito. He is soooooo handsome!!

Nabalik ako sa sarili ko ng pekeng umubo si Adrien at inaabot ang kanyang kamay for a handshake.

Kinuha ko ito at ayaw ko ng bitawan pa. Pero charot lang yun. Jusko, ang lambot lambot ng kamay niya. Ang bango bango pa.

"So, Jana.. Kagaya ng sinabi ko kanina, mula ngayon ay hindi ka na magtatrabaho dito sa kumpanya ko."

Nalungkot ako nung marinig ko yun.

"But, tito.. just give me another chance. Ano po ba yung naging error ko? Please tito, I need this job. I love my job." Nagmamakaawa kong sabi.

"Kung tutuusin ay hindi mo kailangan ang trabahong ito. Mayaman kayo, wag kang ano. Haha! Wala kang ginawang mali. Actually, I don't want to do this kasi pride ka ng team. But I have no choice. Ikaw lang ang maaasahan ko."

Ang gulo niya rin, ano? Ako lang daw ang maaasahan niya pero tatanggalin niya ako.

"You'll stop working for my company, but you'll start working for me. Dodoblehin o kahit triplehin ko ang sahod mo. I need you with this, anak." May panghihikayat sa tono ni Tito.

Ano naman kaya yung gagawin ko para sa kanya?

"May bakanteng opisina sa tabi nitong sa akin. Doon mo ilagay ang mga gamit mo. Ang lugar na iyon ay sa iyo."

What?! Bibigyan niya ko ng sariling opisina?! But why?! Siguro ipapakasal na talaga niya ako sa anak niya!! Shet shet!!

"Ano po ba yung task na sinasabi niyo, tito?" Tanong ko.

"Kailangan mong i-train ang anak ko para ma-familiarize siya sa business world." Masayang pahayag ni tito.

Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko at ngumiti lang ito sa akin.

Pwede na akong mamatay!! Jusko, kung gantong hitsura ang araw-araw kong makakasama, payag na ako 😍

"Erm, sure, tito. Makakaasa po kayo na magiging bihasa sa business si Adrien." Tinatago ko ang kilig sa boses ko.

"Si Adrien? Naku, Jana. Hindi mo naitatanong, si Adrien ay graduate na at pwede ng mag take over ng isa sa mga businesses namin." Pagmamalaki nito.

"Kung ganon po tito, bakit po kailangan pa siyang mag training?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi naman siya. Yung isa ko pang anak, Si Ada."

Para namang pasan ko ang buong mundo sa ideyang iyon.

Sino ba si Ada?

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon