JANA
Isang linggo na ang nakalipas nang muling mabuhay si Lucyfer este Lucy. At isang linggo niya na rin akong kinukulit na isama ko raw siya sa trabaho ko kung ayokong mag mall during my day off.
At dahil matigas pa sa bato ang ulo niya, napilitan akong isama siya ngayon sa office.
Paanong hindi ako mapipilitan? Pagbaba ko sa parking, nakahiga siya sa dadaanan ng sasakyan ko. At hindi raw siya tatayo kung hindi ko siya isasama. Ayoko naman ma-late kaya pumayag na ako.
Pagdating namin sa office, pakiramdam ko may nakalimutan ako.
"Oh, Jana. Good morning. Nasaan si Ada? Hindi mo ba kasabay?" Salubong ni tito Adrian bago pa ako makarating sa office room.
Si Ada-- SHIT!! Sabi na nga ba may nakalimutan ako e! Nalimutan ko si Ada!
Nagdahilan na lang ako kay tito na may binili lang saglit si Ada kahit wala naman.
Pagpasok na pagpasok ni tito sa office niya, kumaripas ako ng takbo papunta sa parking. Hindi ko rin alam kung pano ko nagawa 'yon gayong nasa mataas na palapag ang office room namin.
Narinig ko pang sumigaw si Lucy na saan daw ba ako pupunta. Pero di ko na siya pinansin dahil mas importante kung nasaan si Ada. Mayayari ako kay tito nito e. Sino kaya ang malas sa buhay? Si Ada o si Lucy? Mga babaeng 'to pahamak e.
Mabilis kong binuhay ang engine at hinarurot ko ito pabalik sa condo. Siguro naman hindi pa nakaka-alis si Ada.
Teka, bakit kasi hindi siya pumasok sa unit ko kanina? Nakagawian niya na kasing pumasok ng walang pasabi sa unit ko tuwing umaga bago kami pumunta sa opisina. Minsan pa nga, naabutan niya akong nakabalot lang ng towel kaya tumili ako at wala man lang siyang reaction. Inirapan pa ako at sinabing babae rin daw siya at may ganoon siya kaya 'wag daw akong OA.
Pakiusap rin ni tito na isabay ko na lang siya pag pumapasok. Kaya wala talaga akong choice.
Minabuti ko ng i-park ang sasakyan sa tapat na lamang ng condo dahil susunduin ko lang naman si Ada.
Sumakit ang ulo ko ng makitang marami ang nag-aabang sa elevator. Hindi naman pwedeng ma-late ako dahil ang daming trabaho ngayon.
Tinanggal ko ang high heels ko at sinimulang tumakbo papunta sa pinaka-mataas na palapag ng building. Mabuti na lang talaga sporty ako dahil kung hindi nalagot na yung hininga ko kakatakbo ngayong araw.
Humanda talaga sakin si Ada. Ilang sacrifices na ang ginagawa ko para sa kanya ah.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan, narating ko ang unit namin sa loob lang ng ilang minuto.
Binuksan ko ang unit ko para i-check kung nandoon siya pero wala akong nakitang Ada na naka-upo sa sofa ko at nakataas pa ang paa, gaya ng nakagawian niya sa umaga.
Dumiretso ako sa unit niya at kakatok na sana nang makita kong nakabukas ng kaunti ang pintuan.
"Ada?" Tawag ko dito.
"Ada papasok na ako ha?" Pagpapa-alam ko bago tuluyang pumasok sa unit niya.
Ngayon ko pa lang nasilayan ang kabuuan ng unit ni Ada dahil nga nakapatay ang mga ilaw nung huling pumunta ako dito.
Ang ganda ng interiors. Halos lahat ay color sky blue at silver. Nagko-complement ang kulay at nag mukhang elegante. At modernize ang lahat.
"Ada ?" Banggit ko muli sa pangalan nito nang papalapit na ako sa pintuan ng kwarto niya.
"Ada Gaile?" Sabi ko sabay katok sa pinto.
Wala namang sumasagot. Naka-lock ang pinto nang subukan kong ipihit ang door knob.
May narinig akong humihikbi sa loob ng isa pang pintuan sa 'di kalayuan.
"Ada?!" Natataranta kong tawag nang papunta ako sa pintuang iyon na kung di ako nagkakamali, yon ang CR sa labas ng kwarto niya.
Kinatok ko ng kinatok ang pinto habang sinasabi sa kaniya na buksan niya ito. Hindi naman nag tagal at binuksan niya ito.
Naka-upo siya sa bowl habang ang dalawang kamay niya ay naka-takip sa mukha niya.
"Ada? Bakit ka umiiyak? Tsaka bakit nakabukas yung pintuan ng unit mo?" Tanong ko rito.
Hindi siya sumasagot. Nakayuko lang siya habang humihikbi pa rin.
"Ada Gaile, sagutin mo ako!" Nag-aalalang saad ko.
"First of all, do not shout at me. I accidentally left my door unlocked because I was in a hurry. And I'm not crying, okay?!" Siya naman tong naka-sigaw ngayon.
Napa-roll eyes na lang ako. 'Wag daw sumigaw pero siya rin naman sumisigaw.
"Nasaan ka ba kanina? Hindi ka pumunta sa unit ko kaya 'di kita naisabay papuntang office." Saad ko.
"Why did you come back? You're already there." Malamig na tugon nito.
Hindi ko na pinansin ang pagtataray niya at tinanong ko ulit siya.
"Bakit hindi ka pumunta sa unit ko kanina?" Tanong ko.
"Late ako nagising." Walang ganang sagot nito.
Natuwa naman ako dahil natututo na siyang mag tagalog. Pero hindi ako natuwa sa sagot niya. Dahil never naman siyang late nagising.
Tinignan ko siya ng matalim at nag roll eyes lang siya bilang sagot.
"I was on my way to the parking lot. Nauna ka lang sa elevator pero sumunod agad ako. But then you were with your girlfriend who's very clingy, by the way. Kaya hindi na ako tumuloy, bumalik na lang ako rito sa unit dahil baka maka-disturb ako sa inyo." Bitter ang tono ng sagot niya.
"She's not my girlfriend. At bakit hindi ka lumapit para nag sabay na tayo?"
"Akala ko kasi maaalala mo na hindi mo ako kasabay. Akala ko babalikan mo ko sa unit mo. But I was wrong." Sabi ni Ada at nag walkout.
Napa-nganga ako ng literal at hahabulin sana siya. Pero pagharap ko, lumingon siya ulit.
"Sana hindi mo na lang ako binalikan. If I know, kung hindi dahil kay Daddy, hindi mo naman ako maaalala." Walang emosyon nitong sabi.
Nakita ko pang may tumulong luha bago tuluyang mawala sa paningin ko si Ada.
Narealize ko lang, hindi pala magandang natutong mag Tagalog si Ada. Ang sakit ng mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
AléatoireIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...