Chapter 6

3.3K 104 3
                                    

JANA

Pormal na ipinaliwanag ni tito ang magiging trabaho ko. Kailangan lang maging pro si Ada pagdating sa business, as soon as possible, dahil third year na rin ito at malapit na grumaduate.

Sinendan ako ng isang file ni tito. Nung una ay nagtataka ako kung para saan iyon. Information pala ito about kay Ada.

Ada Gaile Garcia ang buo niyang pangalan. Bunsong anak siya nina tito Adrian at tita Geneva. Pinanganak siya dito sa bansa pero sa San Diego, California na lumaki, kaya hindi siya masyadong marunong mag Tagalog. Nakalagay rin sa file yung iba pang info niya like anong hindi niya kinakain and etc.

Naghahabulan lang kami ng edad dahil 9 months lang ang tanda niya sa akin.

Ang nakakainis dito, akala ko ay Tuesday, Thursday, and Saturday ko lang siya makikita. Dahil 'yon lang ag pasok ko sa company. Ngunit araw-araw ko pala siyang makikita. Ini-enroll kasi siya ni tito sa university na pinapasukan ko. Not to mention, parehas kami ng kurso at set of subjects. Para na rin daw ako na ang gumabay sa kaniya. Kaniya nga rin pala yung isa pang lamesa sa opisina ko. Alam niyo kung ano yung worst? Kapitbahay ko siya. Siya pala yung maingay na bago kong kapitbahay.

Bakit nga ba hindi ko naalala na si tito Adrian nga pala ang pinaka makapangyarihang business icon?

Sinadya raw ni tito na roon din kuhanan ng unit si Ada para raw makapag get along kami.

Pina-unahan na kasi ako ni tito. Hindi raw madaling kasundo si Ada. Tanging ang mga kapatid lang nito at mga kaibigan niya sa San Diego ang kasundo niya.

Sana man lang tinanong ako ni tito kung gusto ko ba makasundo yung anak niyang brat. E hindi nga ako makatagal sa presence nito dahil sobrang nakakairita. Idagdag mo pa ang masyadong close siya kay Adrien mehlevs. Kung hindi niya ito kapatid ay baka nasabunutan ko na siya. Char.

Gusto ko sanang mag relax ngayong gabi kasi ang daming nangyari ngayong araw. Pero nai-stress ako kapag naaalala ko na bukas na ako magsisimulang magtrabaho kasama yung brat na 'yon.

Ni-review ko na lang yung file na sinend ni tito para naman kahit papaano ay maging smooth ang unang araw naming magkasama.

Wait, what did I just say? Parang mali yung term ko ah.

Maarte pala talaga tong si Ada. Ayaw niyang tinatawag siyang Gaile. Bakit naman kaya? Pangalan niya naman yun 😕

Mahilig siya sa kids kaya close na close sila ng pamangkin niyang si Charlotte. Sa sobrang close nga nila ay Tita Mommy ang tawag ng bata sa kanya.

Hindi siya kumakausap ng hindi niya kakilala.

Kumakanta siya habang naliligo.

Mahilig siyang kumain. Pero hindi 'yon halata sa pangangatawan niya kasi ang sexy nito kahit flat-chested siya. Hindi siya mapili sa pagkain. May iilan lang talaga siyang hindi kinakain tulad ng okra, cinnamon, dinuguan, at pork and beans.

Mahilig din siyang magluto. Pagbe-bake ang talagang hilig niya.

Hindi nakakatulog si Ada kapag hindi siya uminom ng milk or chocolate milk. Mas madali siyang makatulog 'pag may kayakap or may naririnig siyang music.

Nang mapunta ako sa achievements niya ay namangha ako rito.

Isa palang swimmer si Ada. Lumalaban siya ng swimming competition at pambato rin siya ng school niya roon sa San Diego. Humakot na rin ito ng iba't ibang medals and trophies.

Bukod sa swimming, badminton ang isa pa niyang sports. Pero nahinto siyang maglaro nito ng ma-diagnosed siya na may asthma.

Pagdating naman sa talent, kumakanta at sumasayaw si Ada. Pero mas maaasahan mo raw ito sa pag arte. I'm not surprised, maarte naman talaga siya.

Sa Acads naman ay talagang nakakaproud siya. Mula nursery ay hakot-awardee na ito tuwing recognition day.

Sa pag ba-browse ko ng mga information niya, sa tingin ko naman ay kaya ko siyang pakisamahan. Sana nga kaya ko.

Natutuwa akong basahin ang mga facts tungkol sa kaniya. Kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon